Ang Proverbs 3:5-8 ay isa sa mga tagubilin ng “Mangangaral.” Aniya sa Prov. 3:1, dapat nating isa-isip ang kaniyang mga katuruan at isa-puso ang kaniyang mga kautusan. Isa nga sa mga ito?ay?ang pagtitiwala sa Panginoon.
Kaysa naman sa sariling pang-unawa tayo mag-tiwala na maari pa nating ikapahamak (Prov. 14:12), magagawa nating mag-tiwala sa?Panginoon sa pamamagitan ng Kaniyang mga katuruan at mga kautusan sa Banal na Kasulatan. At dahil nga Bible-based tayong naturingan, ang pinaka pang-hahawakan natin ay ang mga ipinahayag sa atin ng Dios upang magampanan natin ang mga ito gaya ng sinabi?sa Deut. 29:29,
“The secret things belong to the LORD our God, but the things revealed belong to us and to our children forever, that we may follow all the words of this law.”
Hindi tayo dapat nagre-rely sa sarili lang nating mga palagay, sapantaha o haka-haka. Dapat may basihan. Ang salita ng Dios ang pamantayan kaya dapat na lubos natin itong maunawaan (Mat. 13:19, 23).
Ganun pa man, dapat pa rin nating isa-alang-alang?na kahit pa maganda ang?ating hangarin, “prone” pa rin tayo na maka-misunderstand ng Kaniyang Salita. Ito ay dahil sa mga “bagaheng kaisipan” o yung mga tinatawag na “presuppositions” o “bias” dulot ng mga?naka-gisnan nating mga tradisyon o mga katuruan. Kasi kung magpapatuloy tayo na hindi natin kinikilala ang mga panganib na ito, baka akala natin tama ang ating nilalakaran, iyon pala ay patungo na tayo sa kapahamakan (Prov. 14:12). Hindi kasi sapat ang kasigasigan kung wala namang karunungan (Prov. 19:2; Rom. 10:2).
Ang pag-amin na may ganitong klaseng mga panganib at ang pagkakaroon ng buong pusong handang magpaturo?ay mga pangunahing lunas (first aid) tungo sa?tunay na pagkaka-unawa sa mga ipinahayag ng Dios sa Kaniyang Salita. Kaya nga sa bawat pagtatangka nating unawain o ipaliwanag ang Kasulatan, nais nating bayaan na ang Kasulatan din ang magpaliwanag sa sarili nito,
TALATA, WAG HAKA-HAKA!
“With the guidance of the Holy Spirit, let the Scripture interpret itself.”
Recent Comments