Ang Biblia ba ay Salita ng Dios?

Oo, ang Biblia ay nasusulat na salita ng Dios habang si Kristo naman ang salita ng Dios in person na ipinapahayag at pinapatotohanan?dito (Luke 24:44).

2tim3_16

Nagkakaisang sinasabi ng mga tulad nating mga Born-Again, Pentecostals, Baptists, Evangelicals, Reformed, at iba pang mga Bible-based Christians na ang Biblia ay salita ng Dios hindi dahil sa ang ibig nating sabihin na lahat ng nakasulat dito ay “verbatim” o kaya “word-for-word quote from the mouth of God.” Tinatawag nila itong salita ng Dios kahit pa hindi lahat ng nilalaman nito ay “isinalita ng Dios” kundi dahil sa ito ay kinasihan ng Dios.

DIVINE INSPIRATION

Kaya sinasabing ito ay “nasusulat na salita ng Dios” (written word of God) sapagkat si God ang ultimate author nito. Siya ang nag-inspire sa mga isinulat ng Kaniyang mga isinugo. Sabi sa 2 Tim 3:16,

“All Scripture is given by inspiration of God, and is profitable for doctrine, for reproof, for correction, for instruction in righteousness.”

Ang mga kasulatang ito ay ibinigay sa atin “by inspiration of God.” Sa ibang salin ang sabi ay “God-breathed,” hiningahan o kinasihan ito ng Dios. Ang tinutukoy dito ay ang pamamaraan ng Dios kung paanong ang mga kasulatang ito ay naipa-abot sa atin at tiniyak Niyang ito ay ating maaasahan. Kaya nga tinatawag rin natin itong “banal na kasulatan” kahit pa naglalaman ito ng mga sinalita ng samu’t-saring karakter sa kasaysayan, mabuti man sila o masama.

DUAL AUTHORSHIP

Sinasabi ring may “dual authorship” ang bawat aklat sa Biblia. Sinulat man ito ng taong maaring magkamali ngunit dahil kinasihan ng Dios (maliban na lang mali ang unawa o interpretasyon dito) walang maling mapupulot o mapapakinabangan ang mga mamamayan ng Dios para sa kanilang katuruan sa pagsasanay sa katuwiran at upang kanilang maging basihan sa pagsaway sa kasinungaling at pagtutuwid sa kalikuan sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu.

Ang pamamaraang ito ng Dios ay tinatawag na “divine inspiration” dahil iba pa ito sa “inspiration” ng?mga ordinaryong mga manunulat o mga makata. Kahit pa ginamit ng Dios ang personalidad ng mga manunulat ng mga aklat sa Biblia at ang mga istilo ng kanilang pagsusulat, ang Dios ang nag-gabay sa kanila ng kanilang isusulat. Ang Dios ang tumiyak na ang mensahe na dapat nating matanggap ay siyang mensahe na makakarating sa atin. Sabi nga ni Peter sa 2 Pet 1:21 tungkol sa mga ipinahayag ng mga propeta,

“For prophecy never had its origin in the will of man, but men spoke from God as they were carried along by the Holy Spirit.”

Tulad ng kung paano tinutulak ng hangin ang layag at ginagabayan ng timon ang banka upang makarating ito sa paroroonan, ang Dios, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang gumabay sa bawat kaisipan ng taong Kaniyang pinili o ginamit na ipinahayag ang ganap na katotohanan (Col 1:25).

WORD OF GOD IN PERSON

Kahit ang “word of God in person” (John 1:1; Rev. 19:13) na si Lord Jesus Christ ay tinawag rin niya itong kasulatan na?”word of God,” sa Mat. 15:6 mababasa natin,

“He is not to ‘honor his father’ with it. Thus you nullify the word of God for the sake of your tradition.”

Ang tinutukoy ng Panginoon sa ating binasa?ay iyong sinabi ng Dios kay Moses na?sinulat naman niya sa?aklat (see Mat. 15:4 and Exo. 20:12). Ganun din ang sinabi ng Panginoon sa John 10:35 na hango sa Psalm 82:1-8 na matagal nang nakasulat,

“If he called them ‘gods,’ to whom the word of God came–and the Scripture cannot be broken”

PROCLAIMED WORD OF GOD

Maging ang mga katuruan ng mga apostol na kanilang ipinahayag sa pamamagitan ng pangangaral (by word of mouth) ay kinilala nilang word of God sa 1 Thes 2:13,

“And we also thank God continually because, when you received the word of God, which you heard from us, you accepted it not as the word of men, but as it actually is, the word of God, which is at work in you who believe.”

WRITTEN WORD OF GOD

Hindi lang ang mga ipinahayag nila ang kinilalang word of God kundi pati rin ang kanilang mga isinulat (the graphe writing) sabi ni Paul sa Rom 3:2 tungkol sa kasulatan ng mga Judio,

“Much in every way! First of all, they have been entrusted with the very words of God.”

At maging ang mga sinulat nila ay utos ng Panginoon ayon sa 1 Cor. 14:37,

“If any man think himself to be a prophet, or spiritual, let him acknowledge that the things that I write unto you are the commandments of the Lord.”

Kahit pa ito ay nasusulat lamang, tinawag nila itong buhay na salita o “living word” dahil sa pamamagitan ng salita ng Dios nabo-born-again ang isang tao at nagkakaroon ng buhay na walang hanggan (John 20:31). Sinabi yan?ni Peter sa 1 Pet. 1:23-25 sa pamamagitan ng Awit o Psalm 103:15-18 at mula sa aklat ni Isa. 40:6-8 (see also Heb. 4:12) na kapwa nakasulat?na rin.

INSPIRED OF RECORD

Kung ang Biblia?ay nasusulat na salita ng Dios, bakit may mga mababasa tayo ritong mga sinalita ng Diablo at mga masasamang tao? Ang tawag sa mga ito ay “inspired of record.” Ibig sabihin, ang mga ipinahayag ng samu’t-saring karakter sa Biblia mabuti man o masama ay niloob?ng Dios na isama sa banal na kasulatan para sa ating ikatututo.

Inspired of record ang mga ito dahil kahit pa masama o may pagkakamali ang kanilang mga sinabi, hindi naman ang Dios ang nagkamali (Rom 3:4) bagkus, minabuti ng Dios na sila ay kasamang maisulat?upang ipagbigay-alam?sa atin ang kanilang mga pangit na halimbawa. Kasama na ang mga mababasa nating mga pagkakamali nila tulad?ng kanilang mga haka-haka, ?mga pamahiin at kulturang kanilang ginagalawan.?Lahat ng mga ?naganap noon na isinulat ay para sa ating ikatututo. Kaya?pamarisan?natin ang dapat pamarisan pero?huwag tayong makilahok sa kanilang kasamaan (Rom. 15:4; 1 Cor. 10:1-11; 1 Thes. 5:21).

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther