Sa John 3:3-5 ay pinangaralan ng Panginoon si Nicodemus kung ano muna ang kailangang mangyari sa Israel bago sila makapasok sa kaharian ng Dios. Ginamit ng Panginoon ang salitang “water” na patalinhaga sa katagang “born of water and the Spirit.” Mababasa sa Part 1: Born Again kung paanong naging synonymous ang katagang “born of water and the Spirit” sa isa pang kataga, ang “born of the Spirit.”
Ang mga katagang yan, batay sa Isaiah 44:2-5 at Ezekiel 11:16-25; 36:25-27 ay nagpapakahulugan ng panibagong buhay, kasaganaan at kapatawaran sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang sila ay makapasok sa kaharian ng Dios sa Israel (ipinaliwanag natin yan sa Part 2: Water and The Spirit).
Parehong ipinangaral nila Juan at Panginoong Jesus ang nalalapit na kaharian ng Dios sa Israel (Mat. 3:1-2; 4:17). Si Juan ang nagbautismo sa tubig na tanda ng kapatawaran ng Dios sa kanilang mga kasalanan (Mark 1:4; Luke 3:3; Acts 13:24; 19:4) samantalang si Jesus naman ang nagbautismo sa kanila sa Espiritu (Mat. 3:11; Mark 1:8; Luke 3:16; John 1:33).
Inatasan noon ni Jesus ang Kaniyang mga alagad na ipangaral lamang ang mabuting balitang ito sa mga?anak ni Israel (Mat 10:5-7) hanggang sa ang Panginoon ay ipinapako sa krus at muling nabuhay (1 Cor 2:8; 15:4).
Bago inakyat ang Panginoon sa langit, pinaghintay muna Niya ang mga alagad sa Jerusalem para sa ipinangakong bautismo ng Espiritu (Acts 1:8). At sa araw nga ng Pentecost, napuspos sila ng Banal na Espiritu at sila ay muling nangaral (Acts 1:8; 2:38).
“Repent and be baptized, every one of you, in the name of Jesus Christ for the forgiveness of your sins. And you will receive the gift of the Holy Spirit.”
Makakapasok na sila sa kaharian ng Dios dahil ang pagbubuhos ng Espiritu Santo na tanda ng kapatawaran ay simula ng katuparan ng mga pangako sa Isaiah 44:25 at Ezekiel 11:16?25; 36:25-27. Umaasa sila na kasunod na sana nito ang restoration of the kingdom sa Israel (Acts 1:6) ngunit walang naging katiyakan kung kailan ito magaganap (Acts 1:7) sa halip ay inutusan silang mangaral mula sa Jerusalem at sa lahat ng dako (Acts 1:8). Tunay ngang lahat ng sumasampalataya, ay nagpapabautismo muna bago napupuspos ng Espiritu Santo gaya ng ipinangaral ni Pedro sa Act 2:38-41: water baptism muna bago baptism of the Holy Spirit; wet baptism muna bago dry baptism.
Subalit nabago ang pagkakasunod-sunod na yan nang magsimula na silang mangaral sa mga Gentil tulad ni Cornelio sampu ng kaniyang kasambahay. Sa pamamagitan ng udyok ng Banal na Espiritu, nangangaral si Pedro sa kanila at habang siya ay nagsasalita pa, napuspos na kaagad ang mga nakikinig. Dahil dito walang nakapagpigil kay Pedro na utusang bautismuhan ang mga Gentil sa Acts 10:44-48; 11:15-17.
Nang mabalitaan ito ng ibang alagad sila ay nagalak sapagkat sa unang pagkakataon napagtanto nila na ang ipinangako sa kanila sa Isaiah 44:2-5 at Ezekiel 11:16?25; 36:25?27 ay para na rin pala sa mga Gentil.
Ginawa ng Dios na puspusin muna sila Cornelio ng Espiritu habang nakikinig pa lang ng Salita upang patunayan sa mga alagad na sila na ay biniyayaan din na maligtas (Acts 15:11).
Dahil dito masasabi nating may katiyakan na hindi sa tubig ng bautismo ipinapanganak muli ang tao. Hindi sa “wet baptism” kundi sa “dry baptism,” ang pagtanggap sa Banal na Espiritu.
Maging si Pablo ay umaming hindi siya isinugo para magbautismo kundi upang ipangaral ang Ebanghelio (1 Cor. 1:17). Para sa kaniya, ang mensahe ng krus ang kapangyarihan ng Dios sa mga?inililigtas (1 Cor. 1:18). Kaya sa kaniyang liham sa mga taga Efeso, ipinaliwanag niya noong marinig nila ang Ebanghelio na sila ay tinatakan ng Espiritu Santo nang sila ay sumampalataya (Eph. 1:13). Sila na dating mga “patay” dahil sa pagiging makasalanan (Eph 2:1-3) ay biniyayaang mabuhay kasama ni Kristo (Eph. 2:4-5). Ngunit kay Tito niya ipinaliwanag na ang masaganang pagbuhos sa kanila ang Espiritu Santo ang siyang muling kapanganakan na naghugas sa kanila (Titus 3:4-7), sila ay na-born-again hindi sa wet baptism kundi sa dry baptism.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6 | Part 7
Recent Comments