Kung merong OSAS, POSAS at OSNAS meron ding BANAS na maari rin nating pakahulugan ng “Belied And Not Assuredly Safe” o kaya “Believers who Are Not Assured of Salvation”.
Ito yung mga mananampalataya umano sila pero hindi nakatitiyak sa kanilang sariling kaligtasan. Maraming pusibleng dahilan bakit tila sumamsapalataya sila pero hindi naman talaga. Sinasabi lang nilang sumasampalataya sila kay Kristo at sa mga ginawa o tinapos ni Kristo pero hindi naman nila mapaniwalaang sapat Siya at sapat na ang mga ginawa Niya para sa ikaliligtas ng sinuman.
Isa sa mga dahilan ay maaring napapaniwala sila na nakasalalay sa kanilang mga kamay ang kanilang kaligtasan. Kailangan pa nilang pagsumikapan yun para sila maligtas. Maaaring napapaniwala rin sila na sa pagsanib sa isang samahan sila maliligtas dahil ang samahang yun lamang ang ililigtas. At dahil di pa dumarating ang magliligtas sa kanilang samahan hindi pa sila nakakatiyak. TBD ika nga, “To Be Determined” pa lang.
Dahil sa mga maling pangaral kaya tuloy sila ay na-BANAS.
Ngayon kung hindi sila tiyak sa kaligtasan malamang ay hindi pa nga sila naliligtas sapagkat kung nagpapaniwala sila sa mga hidwang pananamplataya sabi nga ng Panginoon sa John 10, “They will listen to my voice” (v.15); “My sheep hear my voice,” (v.27) sabi pa sa v.5, “A stranger they will not follow, but they will flee from him, for they do not know the voice of strangers.”
Kaya nga kahit pa “believer” na sila, maaring hindi pa sila talaga naliligtas. Wala pang nagpapatotoo sa kanila na Banal na Espiritu na ipinangako sa mga tunay na sumasampalataya (living faith or saving faith). Dahil ipinangako sa Rom. 8:16, “The Spirit himself bears witness with our spirit that we are children of God.”
Ang saving faith base sa Heb. 1:1 bagamat sa KJV ito ay “substance of things hoped for” ay “the assurance of things hoped for, the conviction of things not seen” sa ESV or NIV. Kung bakit di nila mapaniwalaan ang tinawag ni Pedro na “sure word of prophecy” of Scriptures (2 Pet. 1:19 KJV), ito marahil ay dahil sa mga sumusunod:
Ang layunin ni Juan kaya niya sinulat ang kaniyang Ebangelio ay upang sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya, “you may have life in his name.” Gayun din ang sinabi ni John sa sulat nya sa 1 John 5:13,
“I write these things to you who believe in the name of the Son of God that you may know that you have eternal life.”
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6 | Part 7
Recent Comments