Blood Moonists

blood_moon_fail

Usong-uso ngayon ang pagiging “Blood Moonists.” Sila?yung mga napapaniwala ni John Hagee tungkol sa pinauso niyang Tetrad. Kahit pa dalawang beses nang sumamblay ang hula ni John Hagee na nagpa-uso ng Tetrad na yan. Tuloy-tuloy pa rin ang pamahiin ng tao.?Panoorin nyo ang videong ito mula sa When We Understand The Text (WWUTT),

Sa tindi ng pamahiin kung ano-ano na ang itinawag sa akin, dahil sa pagpapa-alala ko sa kanila na wag magpapaniwala sa mga eschatomaniacs na tulad ni John Hagee. Tinawag na akong atheist, sugo ni Lucifer, walang alam sa nangyayari sa mundo, at Satanista. ?Kahit pa 2?blood moon na ang lumipas sa Tetrad hindi nabawasan?ang panatisismo nila sa mapulang buwan. Tuloy nadagdagan na naman ang mga titulo ko.

moon1 moon2 moon3

Resulta ito ng panatikong pamahiin. Sadly, nakapasok ito sa?kaisipan ng maraming mapamahiing mananampalataya sa loob ng?iglesia dahil sa mga false teachers na tulad ni John Hagee.

Kung napanood ninyo ang WWUTT video, natural phenomenon ang pamumula ng buwan epekto ng total lunar eclipse. Katunayan makikita sa Catalog na ito mula sa NASA kung kailan magkakaroon ng total lunar eclipse (o blood moon) mula 2001 hanggang 2100,

Download:?http___eclipse.gsfc.nasa.gov_LEcat5_LE2001-2100.

tetrad

Nakalagay din sa NASA website kung saan mamataan ang mga naturang eclipses. At wala ni isa man sa calculations ng NASA na ang visibility nito ay tatapat sa Israel.locationAyon sa Mat. 24:36 walang nakaka-alam kung kailan ang muling pagbabalik ng Panginoon,

?”No one knows about that day or hour, not even the angels in heaven, nor the Son, ?but only the Father.”

Ngunit tila dinaig?pa Siya ng mga Blood Moonists dahil kasi mas alam nila at napi-predict nila base sa calculations ng NASA ang Kaniyang pagbabalik.?Pero taliwas sa Tetrad ng mga Blood Moonists, ang pagdating ng Panginoon ay may mga palatandaan sa kalangitan hindi lang sa pamamagitan ng pamumula ng buwan kundi sa pamamagitan ng mga sinabi sa?Mat. 24:29-30,

“Immediately after the distress of those days ‘the sun will be darkened, and the moon will not give its light; the stars will fall from the sky, and the heavenly bodies will be shaken.’ At that time the sign of the Son of Man will appear in the sky, and all the nations of the earth will mourn. They will see the Son of Man coming on the clouds of the sky, with power and great glory.”

Ganun pa man, may mga magaganap pa muna bago ang mga unnatural cosmic phenomenon na nabanggit, tulad ng tinaguriang the?Great Tribulation (KJV) or Great Distress (NIV) na binanggit?ng Panginoon sa Mat. 24:15-21. Wala raw itong?magiging katulad sa kasaysayan ng tao,

“So when you see standing in the holy place ‘the abomination that causes desolation, spoken of through the prophet Daniel..?For then there will be great distress, unequaled from the beginning of the world until now–and never to be equaled again.”

Sa halip kasi na pag-aralang mabuti ang mga tagubilin ni Kristo at ng Kaniyang mga apostol, kung kani-kanino na lang ang basta naniniwala ang mga mapamahiin sa iglesia?kaya tuloy sa halip na maging tapat sila sa tagubilin?ng Panginoon na huwag?magpapalinlang sa Mat. 24:4 sila tuloy ay nadadaya ng?Kaaway, at kapag sila ang pinangaralanan mo, sila pa ang magagalit sa iyo,?Gal 4:16.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther