The JIL Prayer Curse

JIL-EMB, Director for Asia/MiddleEast/Micronesia/Australia)
JIL-EMB, Director for Asia/MiddleEast/Micronesia/Australia.

This quote taken from the Pastor’s Congress for Jesus Is Lord (JIL) Church Worldwide’s 33rd Year Anniversary (October 2011),

“Kaya ho ako’y nananawagan sa inyo, pwedeng bang manalangin tayo few minutes from now. At sasabihin natin sa Panginoon na pag tayo ay nagrebelde, if we detach ourselves from the leadership. Kung ikaw ay taga-Canada, taga-America, taga-Europe, taga-Asia, ay uuwi ka sa Pilipinas at irerevoke mo ang iyong citizenship because you are a traitor to God who is the owner of this ministry. At kung ikaw ay magmamatigas, ako ay magmamatigas, let us be united in our prayer, let us be cursed by God. All the curses be released unto us. And not only to us, but I pray, even our children and our families be cursed, because we are traitor to God and to the leadership of the Jesus is Lord Church.” ~ EDGAR VALDORIA, EMB, Director for Asia/MiddleEast/Micronesia/Australia.

vs. MATTHEW 5:33-37,

“Again you have heard that it was said to those of old, ‘You shall not swear falsely, but shall perform to the Lord what you have sworn.’ But I say to you, Do not take an oath at all, either by heaven, for it is the throne of God, or by the earth, for it is his footstool, or by Jerusalem, for it is the city of the great King. And do not take an oath by your head, for you cannot make one hair white or black. Let what you say be simply ‘Yes’ or ‘No’; anything more than this comes from evil.

Watch this video:

[youtube]https://www.youtube.com/watch?v=qpE390Yo2Lc[/youtube]

JIL-EMB- POSITION here:?JIL-EMB Position Statement (Text)

COMPLETE TRANSCRIPT BELOW:

Well purihin po ang Panginoon, una po nagpapasalamat ako sa Panginoong Jesus at sa leadership po ni Kuya Ed at ni Ate Dory, sapagkat sa marami pong pagkakataon, sa mga naganap po sa JIL, 33 years na po tayo pero alam po nyo ang aking buhay we committed heinous crime in this ministry many many years ago. I should say unpardonable, unforgiveable. Punishable by death, by firing squad. We do not have the chance to live. Dapat sa amin mabulok ang habang buhay hanggang mamatay sa pagkabilanggo for committing the greatest heinous crime in the history of JIL. But I praise God because God is second chance. Ang sabi ng marami nung kami po ay nahatulan ng disciplinary action, “Wag na kayong umasang makababalik kayo sa JIL. Sapagkat sa kasaysayan ng JIL Church, wala pang nakabalik kahit sino.” Pero ipinahiya sila ng Panginoon. Ako po na nasa inyong harapan ay ibinalik ng Panginoon hindi lang bilang Pastor, pinagkatiwalaan pa ng iba’t ibang responsibilidad. At natatandaan ko pa na ako’y nakapag-testify many years ago doon sa Norsagaray. Hindi ko po alam ang aking gagawin. Ako po’y umiiyak the night before. Pero I challenged all the workers of JIL. Sa iba-iba pong pagkakataon, I have been testifying exposing myself. Hindi po ako nahihiya sapagkat habang ako’y nagko-confess, I feel complete freedom from guilt or from any condemnation.

Pero ako po’y nalulungkot sapagkat it seems vicious cycle ang rebellion sa JIL. Nakikita ko ang daming nagrebelde kahit magtestify ka, parang di sila nagigising sa katotohanan. At tama po yung teaching ni Kuya Joey nawala na ang fear of God. Kundi man nawala ay nabawasan. At ngayon pong araw na ito, ako po ay may isang hamon sa lahat. National, Central and International. Tayo po ay naririto sa JIL, dahil tayo po ay pinagtiwalaan ng Dios. Basura lang tayo sa lipunan pero dinamitan tayo ng Panginoon through Jesus is Lord Church sa pangunguna ni Kuya Ed at Ate Dory. Walang halaga ang ating buhay pero ngayon pinakikinggan tayo ng hindi lang ordinaryong tao, kahit yung mga matataas na tao sa lipunan, mataas ang pag-galang sa atin because of the integrity na idinamit sa atin ng Panginoon.

Yung iba sa atin napunta sa international, domestic helper, nag-emplyedo sa mga tindahan. Pero dahil tinawag ng Panginoon sa JIL ngayon hindi lang sya basta pastor ng JIL meron pa syang ID. Umiikot sa iba’t ibang bansa ng mundo. Pero ang nakalulungkot kapag nasita sa maling ginawa ang pinupuntahan ay ang pagtatayo ng simbahan. Hindi na mapauwi dahil siya ay citizen na sa bansa na kaniyang pinapastoran. Hindi lang basta angtayo ng simbahan. Ninakaw pa ang ari-arian. Kahit ang pera ng simbahan ay ninakaw. At paulit-ulit sa lahat ng bansa ng mundo, hindi lang sa Pilipinas.

Pero ngayon hapon meron akong hamon. Pwede po ba na tayo lalo na ang International Pastors na merong ganitong opportunity, nagkapapel, nakuha natin ang ating pamilya. Naging maganda ang buhay natin, pwede po ba tayong magkaroon ng isang Tipan sa Dios ngayong araw na ito. That if we detach ourselves from the Mother Church. Kung tayo ho ay idedetach natin, ilalayo natin ang ating sarili sa mga panuntunan at pamantayan ng mother church, it means we are committing a sin of rebellion against God. At ang sinumang magrerebelde, dapat kung ikaw ay nasa America, nasa Canada, nasa Europe, nasa Asia, o saan mang lupalop ng bansa na may JIL, at ikaw ang Pastor, pero pag alam mo that you are detaching yourself from the leadership, we must have the courage and the humility na isauli natin sa Jesus is Lord Church, dito sa Pilipinas, ang lahat ng mga idinamit sa atin. Yung ang ating Green Card, yung ating Citizenship, kaya ka naging mamayan ng bansa na yan because of JIL kaya wala kang maipagmamalaki kahit kaunti. Dapat isauli natin, umuwi tayo sa Pilipinas. Iwanan natin ang karangyaan doon sa mga bansa kung saan tayo naroroon. At magsimula tayo rito sa Pilipinas dahil taga-rito tayo. Wag nating pagsamantalahan ang JIL Church.

Ako po ay nag-apply ng citizenship sa Taiwan para ipa-register ang JIL, at ngayon pong November or December, kung ito ho ay maaprubahan ng gobyerno, mairerehistro na po ang JIL Church, pero matapos mairehistro ang JIL Church, I am more than willing to retrieve my Filipino citizenship. At kung ako mismo ay magiging traidor sa pangitain ng Dios, ano mang Taiwan ID na meron ako o ng aking pamilya, kahit hindi kami pauwin ni Kuya Ed or ni Ate Dory, magkukusa kaming bumaba at babamalik sa Pilipinas at mabuhay na bilang ordinaryong Pilipino, at iwanan ang lahat ng damit, tagumpay at karangyaan, at pagpapala na ibinibigay ng JIL Church. Nakikita ko po for the last 33 years, ito po ang cycle. Ang ministry ay pinagsasamantalahan ng napakaraming pastor. They are building their kingdom sa JIL Church and eventually they will start their own.

Pero ako ho’y nananawagan, pwede po ba tayo sa ating pananalangin mamaya-mamaya, pag tayo ay naging traydor sa Dios. Pag tayo ay humiwalay sa pamantayan ng leadership ni Bro Eddie at ni Sister Dory, can we ask God to curse us and not only us, and not only us, let our children and our family be cursed by the Lord. If possible, let death struck us. Yun ho ang aking prinsipyo ng ako ay ibalik ng Panginoon ay hindi nagbabago. Lagi ko hong sinasabi, I’d rather spend my eternity in hell and join Lucifer, if I will be traitor to my God again, after committing heinous crime at binigyan ng second life. I consider this life, last life… kung ako’y magiging traydor sa aking Dios. At ito po ang hamon ko sa inyo ngayong hapon. Grabe ang pag-atake ni Satanas sa JIL Church for the last 33 years, imoralidad, pagnanakaw ng pera, pambababae, pagrerebelde, pagtatayo ng simbahan. Dahil inaanoint tayo ng Panginoon ng corporate anointing na inirerelease nya kay kay Kuya Ed as the founder and president of JIL Church Worldwide, tayo pong lahat ay recipient ng anointing na ito, ginagamit mightily, binibless, pinopromote. Pero pagkalipas ng ilang panahon, nakakalimutan nating balikan kung saan tayo nanggaling, pinulot lang tayo sa putikan. Pinulot lang tayo, stambay ka lang. Wala kang direksyon, wala kang patutunguhan. Pero ngayon, dignified ang iyong pagkatao. Binihisan tayong lahat, burado ang lahat ng pangit na buhay at ngayon ang buhay natin napakaganda, lahat ng pagpapala ay binibigay ng Dios. But still at the end, nagrerebelde pa rin ang marami.

Kaya ho ako’y nananawagan sa inyo, pwedeng bang manalangin tayo few minutes from now. At sasabihin natin sa Panginoon na pag tayo ay nagrebelde, if we detach ourselves from the leadership. Kung ikaw ay taga-Canada, taga-America, taga-Europe, taga-Asia, ay uuwi ka sa Pilipinas at irerevoke mo ang iyong citizenship because you are a traitor to God who is the owner of this ministry. At kung ikaw ay magmamatigas, ako ay magmamatigas, let us be united in our prayer, let us be cursed by God. All the curses be released unto us. And not only to us, but I pray, even our children and our families be cursed, because we are traitor to God and to the leadership of the Jesus is Lord Church. Hindi ko ho ito sinasabi because I want to please Kuya Ed and Ate Dory. Ako ho’y iyak ng iyak kanina pa doon sa, doon sa, dito, “Panginoon sasabihin ko ba ito?” Pero ito ho ang aking strong conviction para maputol ang cycle of rebellion, let us make a covenant before God. Na pag tayo ay nagtaksil, let us go back to the Philippines, magkusa na tayo irevoke natin ang anumang ID na meron tayo and be an ordinary employee in the Philippines. Doon sa iba ibang bansa may kotse ka, ang ganda ng bahay mo, fully air-conditioned, may credit card ka, lahat na ng pabor ibinibigay ng Panginoon under Jesus is Lord Church. Pero kung tayo ay magiging traidor at taksil, sa Panginoon at sa leadership ni Kuya Ed at ni Ate Dory, let us agree with this prayer na pag tayo ay naging traydor beginning today, sumpain tayo ng Dios ng lahat ng uri ng sumpa na pwede nating maranasan. Wag lang tayo, pati ang ating pamilya, ang ating asawa, ang ating anak, be cursed by God. And I believe if this is our covenant. Wala nang magagawa si Satanas sapagkat maitatanim sa puso ng lahat ng manggagawa ng JIL ang divine fear of the holy God. Kaya po sa oras na ito, pwede ba tayong tumungo at pumikit at tayo po ay manalangin…

Dakila po naming Amang sumasalangit, naririto po kaming lahat. Panginoon humihingi kami ng tawad sa Iyo. Humihingi rin po kami ng tawad kay Kuya Ed at Kay Ate Dory, sa aming mga kakulangan, sa aming mga kahinaan. Minsan hindi talaga kami nakakapanalangin, nagkukulang ang aming oras. Minsan Panginoon, ginagawa naming security ang ministry. We are building not your Kingdom, but our kingdom for security purposes. Mas iniisip namin ang aming kinabukasan, kinabukasan ng aming mga anak, nakakalimutan namin Panginoon, ang prinsipyong itinuro mo sa pamamagitan ni Kuya Ed, that no one is indispensible in this ministry.

Panginoon, narito po ang inyong mga lingkod, from Central, National, and International churches of JIL. And Lord, we agree in this prayer, that beginning today, Ang sinumang babae, lalaki na lingkod ng Panginoon under the banner of Jesus is Lord Church be cursed by God, not only us, but even our family and children be cursed, if we will become traitor to You and to the leadership of Bro Eddie and Sister Dory beginning today, Lord, we are bowing down in your holy presence. At kung kami’y magtataksil Panginoon, hindi lang sumpa ng langit, ang aming tatanggapin at ng aming pamilya isasauli namin ang lahat ng mga benepisyo na aming natatanggap bilang Pastor ng Jesus is Lord Church, from National, Central and esp. International Pastor.

Isasauli namin ang aming citizenship, Isasauli namin ang aming alient permanent residence certificate, isasauli namin ang lahat ng mga dokumento at papeles na nagbibigay karapatan para manatili kami sa aming mga country of assignment at ito’y buong pagpapakumbabang isasauli namin. For complete revocation uuwi kami sa aming bayan bilang ordinaryong Filipino, at iiwanan ang lahat ng idinamit ng Jesus is Lord Chuch para sa amin. At kung mayroong magtataksil o hindi gagawa, hindi susunod, Lord we pray, let the curse of heaven, fall upon those traitors to the heavenly vision, if possible, kung kami’t magmamatigas, let death struck us, let calamity struck us in the name of Jesus.

Panginoon ngayong araw na ito, seal this united oath in agreement of your people in this Pastor’s Congress by the blood of the Lamb.

Panginoon, ikaw ang testigo, sa aming mga panalanging nasambit mula pa kanina from Central, National and International churches na nagrelease ng mga panalangin at tawag sa iyo. Panginoon, kaming lahat ay patawarin mo sa lahat ng uri ng aming pagsuway sa leadership ni Kuya Ed at Ate Dory.

Patawarin mo kami Panginoon for the sin of covetousness, greediness for power, greediness for authority.

Panginoon, kung sa aming pamumuno, kami ay naghahari-harian, Lord we ask that you cleanse all of us by the blood of Jesus at ibalabal mo po sa amin ang damit ng katuwiran at kabanala n at ngayong araw na ito, we invoke the seal of this covenant, before God, at ang witness po namin ay walang iba kundi ang Banal na Espiritu. We say no to rebellion. We say no to immorality. WE say no to the works of the devil in JIL Church beginning today in the name of Jesus. At kami pong lahat ngayong hapon, igawad mo sa amin ang isang malinis at wagas na puso. Cause us Lord to fully internalize Heb. 13:17 when you said through St. Paul, “Submit and obey those who are in authority.” Kami pong lahat ay turuan Mong magpasakop not just 50%, not just 80%, but 101% sa lahat ng mga polisiya ng Jesus is Lord Church Worldwide, beginning today.

Panginoon, tulungan mo po kami sapagkat alam po namin ang ministeryong ito’y very special in Your eyes kung kayat ngayong araw na ito we declare that Jesus is Lord over Central, National and International Churches. We proclaim the holiness of God. We declare a glorious church, without spot, without blemish without wrinkles.

Salamat Panginoon at ngayong araw na ito, we submit ourselves unto You. We thank you Lord. We honor you. This is our prayer in Jesus name, AMEN.

Pastor Edgar “Gadoy” Valdoria is a member of Jesus is Lord Church Wordwide’s?Executive Management Board and Director for Asia/MiddleEast/Micronesia/Australia.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther