10 Palatandaan ng Kristiyano

(Batay sa Sulat ni San Juan)

  1. Lumalakad siya sa liwanag hindi sa kadiliman dahil alam niya ang katotohanan, 1 John 1:6-7; 2:20-21; 5:20.
  2. Umaamin siya sa kaniyang kasalanan kaya siya ay pinatawad, 1 John 1:8-10; 2:12.
  3. Sinusunod niya ang utos/salita ni Jesu-Kristo, 1 John 2:3-6.
  4. Hindi namumuhi kundi umiibig sa kaniyang kapatid, 1 John 2:9-11; 3:15; 4:20-21.
  5. Hindi iniibig ang sanlibutan kundi ang Dios, ang kalooban/utos Niya ang sinusunod, 1 John 2:15-17; 3:21-24; 5:2.
  6. Kasama siya ng mga mananampalataya, hindi himihiwalay o tumatalikod, 1 John 2:18-19.
  7. Kinikilala si Jesus bilang Mesiyas na anak ng Dios na nagkatawang-tao, 1 John 2:22-23; 4:14-15; 5:1, 11-13; 2 John 1:7.
  8. Hindi nagpapatuloy sa kasalanan, sa halip ay gumagawa ng katuwiran, 1 John 2:28-29; 3:4-9; 5:18.
  9. Hindi hanggang bunganga lang ang pag-ibig sa kaniyang kapatid, kundi ipinapakita nya ito sa gawa, 1 John 3:10-19; 4:7-13.
  10. Hindi ang sanlibutan ang pinakikinggan kundi ang salita ng Dios, sa pangangaral ng mga alagad ng Dios, 1 John 4:5-6.shep-sheepBasahin: 10 Palatandaan ng Kristiyakuno.
Tags :

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther