Ano ba ang ibig sabihin ng “cult” o kulto?
Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6
Originally ang salitang “cult” ay hindi naman masama.
Mula ito sa Latin “cultus” na ang kahulugan ay “pagsamba.” Kaya kapag may nabasa kayong “cult of Jupiter,” ibig sabihin noon ay pagsamba kay Jupiter. Ito yung pamamaraan nila para sambahin ang kanilang Dios o dios-diosan.
Ginagamit pa din ang salitang ito kahit popular culture ng panahon ngayon, kapag sinabing “cult following” ibig sabihin maraming masugid na tagasubaybay sa isang palabas o may mga debotong fans ang isang artista.
Sa dalawang nabanggit na pag-gamit ng salitang “cult” masasabi nating neutral ang pagkaka-gamit nito at hindi dapat masamain.
Pero mayroon ding negative na pakahulugan at ito ay ayon sa mga Sociologists o yung behavioral definition ng salitang “cult.”
Ayon sa mga behavior and psychology experts, ang kulto ay isang organisayon gumagamit ng “manipulative techniques” para makapang-recruit at makapag-maintain ng miembro sa kanilang organisasyon usually ito ay sa pamamagitan ng indoktrinasyon. Ang samahan nila ay mayroong tinatawag na “all-or-nothing” na pananaw o kaya “black or white mindset,” na kung tagurian ang ” eto yung you against rest of the world or the group against the rest of the world.
Hindi ordinaryo ang indoctrination na ginagamit dito na ang tawag nga ng mga experts ay “group-based persuation technique” or simply, “mind control.” Sa ganitong paraan kasi ay magkaroon ang member ng total dependency sa samahan to the point na sya ay mamamanipulate na para maging loyal sa group or sa leadership ng group at sila ang magdidikta kung ano ang tama o mali kahit nakakasama na sa sarili, sa pamilya o sa society. Sa ganitong paraan nata-trap ang isang miembro dahil nagkaroon na siya ng “excessive devotion” o loyalty sa kanilang group or leadership.
Minsan ginagamit din din ang katawagang “cult” sa mga break-aways ng malalaking religious denominations kahit hindi pasok sa behavioral definition na ibinigay natin sa itaas. Simply because they broke-away or simply because they are smaller in number. Pero name-calling ito, at walang objective na pamantayan.
Ilatag natin ang Born-Again Christian Definition ng isang cults gamit ang acronym na CULTS:
“Christologically deficient movements with unorthodox hermeneutical principles resulting to
low view of God and of the Gospel, claiming to be the only true Church, and teach salvation by works or by membership.”
Ang isa pang definition na maari nating gamitin ay ganito: “Ano mang samahan na nagpapakilalang sila?ay Kristiyano ngunit ang katuruan ay pinauso ng kanilang liderato o samahan na sumasalungat sa isa o higit pang mga mahahalagang katuruan na pinapahayag sa Biblia.
Ang mga definition na ito ay maaring makita sa isang samahan. Maaring pasok sa kanila tatlong definition. Maari ring dalawa lang ang akma?sa kanilang definition o isa lamang gaya ng pinapakita sa larawan.
Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6
Recent Comments