Requirement nga ba ang wet baptism or water baptism para ma-born-again?
Kung popular na katuruan ang pag-uusapan, ang sagot ng karamihan ay “oo.” Ang pinakamalaking populasyon ng mga nagpapakilalang Kristiyano ay nangangaral na kailangan ang bautismo sa tubig para ang tao ay ma-born-again. Ang mga Roman Catholics ay nagbabautismo ng mga sanggol dahil dito. Ang mga Protestante naman, bagamat nagbabautismo ng mga sanggol, hindi upang ma-born again ang bata kundi bilang tanda ng New Covenant gaya ng pagtutuli noon sa Old Covenant. Ang mga nasa-hidwang pananampalataya tulad ng Iglesia Ni Cristo, Jehovah’s Witnesses, Ang Dating Daan, Mormons, Churches of Christ, at marami pang iba, bagamat hindi nagbabautismo ng sanggol, ay naniniwala rin na ang bautismo sa tubig ay nakakapag-born-again sa tao.
Baptismal Regeneration ang tawag sa paniniwalang nakakapag-born-again ang water baptism. Ito ay resulta ng maling pagkakaunawa sa sinabing kataga ng Panginoon kay Nicodemus sa John 3:3-7. Ipinaliwanag natin ang kahulugan ng katangang “born of water and the Spirit” sa apat na bahag.
Ang water baptism ay bahagi ng “ceremonial ablution” o “purification rite” ng mga Judio sa Matandang Tipan. Binanggit ang mga ito sa Heb. 6:2; 9:10. May mababasa rin tayo sa Lev. 15:16 at sa?2 Kings 5:14?tungkol sa paglilinis ng katawan. Sa John 3:25; Luke 11:38 naman ay paghuhugas ng kamay. Sa Mark 7:4 naman ay paghuhugas ng mga kagamitan. Gayun man,?ang bautismo sa tubig?ay nagpatuloy bilang isa sa mga importanting tradisyon sa?mga Kristiyano. Tulad halimbawa sa mga Reformed Christians o mga Covenantal Christians, ang water baptism ay itinulad nila sa circumcision ng Old Testament kaya kahit mga sanggol pa lamang ay kanilang binabautismuhan. Ang tawag sa kanila ay “paedo-baptist.”
Ngunit dahil ang water baptism ay tinawag ding “baptism of repentance for the forgiveness of sins” (Mark 1:4; Luke 3:3; Acts 13:24 at Acts 19:4) ang ibang mananampalataya tulad ng maraming nagmula sa Baptistic at Evangelical traditions ay nagbabautismo lamang ng nakakaunawa, sumasampalataya at nagsisi na sa kasalanan. Ang mga ito ay kilala ring “rebaptizers” dahil kahit binautismuhan na ang isang tao nung siya ay bata pa ay binabautismuhan muli nila. Kinukusidera lamang nilang valid ang bautismo ng isang sumasampalataya na, kaya ang tawag sa kanila ay “credo-baptist.”
Ang mga Reformed, Covenantal, Baptist at Evangelical ay hindi naniniwalang nakakapagpa-born-again ang wet baptism. Para sa kanila ito ay tanda ng covenant o kaya tanda ng pananampalataya at pagsisisi sa kasalananan. Sagisag din ito ng tunay na nakapapapa-born-again, ang dry baptism o ang baptism of the Holy Spirit.
Iba-iba rin ang kanilang pamamaraan ng bautismo sa tubig, may pouring, sprinkling at dipping o immersion.
Hindi man mahalaga para sa kaligtasan ang water baptism, ito ay importanteng bahagi ng tradisyon o pananampalatayang Kristiyano. Sa pamamagitan nito ay ipinagdiriwang at ipinapahayag ang pananampalataya ng isang bagong Kristiyano bilang tugon o pagsunod sa ordinansa ni Kristo sa Mat. 28:19-20.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6 | Part 7
Recent Comments