Unorthodox Hermeneutical Principles

PART THREE

Pangalawang criteria sa Christian Definition ng “cult” bilang pagpapatuloy ng “Another Gospel, Another Jesus, Another Spirit” ay kung ano ang ginagamit nilang “Hermeneutical Principles.”

Part 1Part 2Part 3Part 4Part 5Part 6

hermeneutics

Ang orthodox na hermeneutical principle kasi ay “literal reading” or yung tinatawag “normative reading.”

Ang Biblia kasi bagamat Salita ng Dios ay salita rin ng tao kaya ang pagbasa nito ay tulad rin sa pagbabasa ng iba’t-ibang uri ng mga aklat na sinulat ng tao. Kailangan alam mo kung anong genre at sub-genre ng CONTENT na binabasa mo. Kung ito ba ay isang narrative, kung songs/poetry o kung apocalyptic na babasahin. Dito pumapasok ang discipline na kung tawagin ay “hermeneutics.” Kahit sino ay pwedeng maturuan ng tamang principles ng pag-iinterpret. Makuha lamang niya ang mga basics ng interpretation.

Kadalasan ang principle sa pag-interpret ay nakasalalay sa genre ng iyong binabasa. Maari itong itulad sa kung tawagin ang “encode-decode” sa mga “communication systems.” Kung anong princple ito na-encode sa ganung principle mo rin siya made-decode. Kung narative ang pagkaka-decode nito, interpret ito bilang narrative o salaysay ng mga pangyayaring naganap na. Kung ito na-encode bilang isang poetry o awit (psalms) made-decode mo rin ang poetry o mga awit kung alam mo ang kahulugan ng mga figure of speech na kadalasang ginagamit dito.

May kaniya-kaniyang pamamaraang mag-communicate ang tao sa bawat panahon, sa bawat kultura at sa bawat genre ng kaniyang sinusulat at sinusulatan. Para ma-decode mo ang isang sulat dapat alam mo kung ano-ano ang pamamaraan ng kaniyang pagko-communicate para ito ay maunawaan mo.

Kadalasan sa mga kulto o mga samahang may totalist ideology na ang tinataas ay ang kanilang kinikilalang lider-sugo, meron silang kinikilalang sariling “private interpreter.” Maaring ito ay isang “exclusive club” ng mga interpreters sa kanilang hanay na sila lamang ang makakapagpaliwanag. O kaya ang kanilang lider-sugo mismo. (Basahin din ang:?Are You a Sugo or Bible-Based Christian.)

Ang pamamaraan nila ay subjective at taliwas sa “orthodox hermeneutical principles” na una na nating binanggit. Hindi inaalam ng mga ito ang genre ng aklat. Hindi nila kinu-consider ang pamamaraan ng pagkakasulat nito. Kung ano ang maisipan nila na makapagtataas sa kanilang samahan o lider, ganun ang kanilang interpretasyon. Kaya kung may hermeneutics para sa normative reading, ang mga kulto naman ay mahilig sa “sugoneutics” o ang “exclusive na pag-interpret ng Biblia sa pamamagitan ng kanilang kinikilalang sugo.”

Gamit ang normative reading principles ng hermeneutics, madali lang ma-disprove ang mga misinterpetations, misapplications at misrepresentations ng mga nagsusugo-suguan. Para sa isang Bible-based Christian madali idisprove ang mga kulto na madalas mamitas ng talata mula sa diwa nito. Una ay sa pamamagitan lamang ng pagbabasa sa itaas at sa ibaba ng talatang tinagpas ay mas madali madi-disprove ang Bible twisting ng mga kulto. Ang tawag dito ay “reading according to the immediate CONTEXT.”

Pangalawa ay ang pagko-CORRELATE ng mga talatang magkakaugnay ang paksang tinatalakay. Ang sugoneutics kasi kapag nag-interpret, pitas dito at pitas doon ng mga talatang hindi naman magkaka-ugnay o mula iba’t-ibang context ang pinaghuhugutan tapos pinagtatagpi-tagpi nila. Para tuloy silang mga tipaklong. Ang taktika ng pagbasa sa sugoneutics ay “taktipaklong.” Ang bawat talata ay may context na kinabibilangan, ang gagawin sa sugoneutics ipapa-interpret ang talatang yun sa pamamagitan ng isa pang talata na iba naman ang context. Maiko-correlate mo lang mga talatang magkakaugnay o iisang paksa ang tinatalakay. Dapat respetuhin ng interpreter ang context na pinagkunang talata. Kung magko-correlate dapat magsimula sa immediate context at book context bago pumunta sa testament context (old or new) hanggang maicorrelate sa ibang testament. Dito pumapasok ang sinasabing “scripture interprets itself”

Pangatlo ang principle of non-CONTRADICTION. Dahil ang buong kasulatan ay kinasihan ng Espiritu Santo, kahit ito isinulat sa loob ng libo-libong taon mula sa iba’t-ibang lugar, kultura at kapanahunan ng mahigit kumulang 40 katao na may iba’t-ibang kinatayuan sa kanilang society mula sa tatlong wika, ang Espiritu Santo ang gumabay sa mga manunulat (2 Pet. 1:21) nito saka Niya kinasihan ang kanilang isinulat (2 Tim. 3:16). Dahil dito, hindi maaring magkasalungat ang mga ipinapahayag nito. Sa kulto kasi na mahilig mamitas ng talata madalas ang sa paningin nilang magkakasabong na talata pumipili lang sila ng isa. Hindi nila hina-harmonize ang mga talata. Kung anong tinuro ng kanilang sugo yun ang masusunod.

Ang pang-apat ay ang pag-sangguni sa mga mas naunang mangangaral sa pamamagitan ng mga COMMENTARIES. Hindi sa sinasabi nating sila lang na mga sumulat ng commentaries ang mas nakakaunawa kaysa sa atin ngunit. Dahil ang paghahambing ng mga sinasabi sa Commentaries ay masusuri natin ang mga issues tungkol sa interpretation at makakapagpasya tayo kung alin ang totoo at hindi sa mga paliwanag nila. Gumagamit din sila ng mga hermeneutic principles na kapupulutan natin ng aral. Nagko-correlate din sila ng mga scriptures na maaaring hindi pa natin nadaraanan o nababasa. May access sila sa mga extrabiblical accounts gaya ng archeology, ancient history at mga patristic citations na makakatulong sa atin maunawaan ang background ng text na binabasa natin.

Ang panghuli ay ang CANON ng scripures. Ang ibig sabihin “canon” ay pamantayan o criterion. Ang standard Bible o composition ng Bible para sa mga Bible-based Christians gaya ng mga Reformed, Born-Again, Evangelicals, Baptists atbp. ay may 66 na aklat hindi lalabis o kukulangin. Kadalasan ang mga kulto ay merong dagdag-bawas na mga aklat. Marami silang EXTRABIBLICAL AUTHORITIES. Maaring galing ito sa kinikilala nilang anghel, apostol, propeta na hindi kinikilala ng mga Bible-based Christians. Sa ganitong paraan kasi nila ini-introduce ang mga hidwa at kakaiba nilang katuruan.

Part 1Part 2Part 3Part 4Part 5Part 6

Tags :

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther