Bakit nga naman hinatulan ang buong sanlibutan ng kamatayan gayong si Adan ang siyang lang ang talagang may sala? Yan ang tanong ni Pelagius kaya maraming nakumbinsi sa hanay ng mga maka-DAISY. Tanong naman ng DAISY, “Hindi ba sinabi sa Ezekiel 18:20 na, ‘the son will not share the guilt of the father, nor will the father share the guilt of the son?'”
Continued from Part 3: Just Like Adam.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6
Dahil sa mga katanungang iyan, minabuti ng DAISY na ipangaral na nakukundena o nahahatulan lang ng guilty ang isang tao kapag nakagawa na ito ng sariling kasalanan (personal sin).
Tutol ang TULIP sa ganyang kaisipan. Para sa kanila, nakakalimutan ni Pelagius at ng mga maka-DAISY na sa Ezek. 18:19 ay mayroong dalawang condition. Yan ay:
Kung magaganap ang dalawang conditions na iyan, saka pa lang siya hindi mahahatulan ng parusang kamatayan. Sa madaling salita, “he will surely live.” Gayon din ang pangako para sa mga tatay na naging masama.
Habang tayo ay nabubuhay ay may pagkakataon pang?maligtas. Sa Ezek 18:21 ay may mga karagdagang conditions:
Ang pangako ay he will surely live; he will not die. Ang diwa ng talata sa Ezekiel 18:19-24 ay nasa ilalim ng Covenant ng Dios kay Moses. Iba naman ang terms noon sa Covenant ng Dios at ni Adan na mababasa sa Gen 2:17,
?but you must not eat from the tree of the knowledge of good and evil, for when you eat of it you will surely die.?
Ang tanging condition sa Eden para maiwasan ang kamatayan ay ang pagsunod. Pero alam na natin ang nangyari. Sumuway si Adan. At ang epekto ng kaniyang pagsuway ay naipataw na sa lahat bago pa dumating ang Covenant sa pamamagitan ni Moses.
Ang Pelagianism at DAISY ay mas attractive para karamihan. Philosophically appealing ito kaysa sa TULIP. Ang kaso nga lang, kung Biblia ang pagbabasihan natin, lalabas ay mas makatarungan pa ang DAISY at Pelagianism kaysa sa Dios dahil batay umano sa batas ng tao, hindi pinaparusahan ang walang kasalanan samantalang ang Dios ng TULIP ay nagparusa sa lahat ng tao dahil sa kasalanan ni Adan.
Ang competing views na ito ay may magkaibang batayan ng paniniwala. Philosophical sa DAISY samantalang scriptural sa TULIP. Hindi mas makatarungan ang Dios ng DAISY kaysa sa Dios ng TULIP, palyado lang ang kaisipang DAISY dahil hindi nila matanggap ang hatol ng Dios.
Recent Comments