Usong-uso ngayon ang katuruan tungkol sa pag-iikapu na kapag hindi ka raw nagbibigay nito ay hindi ka pagpapalain, sa halip ikaw pa ay nalalagay sa sumpa dahil sa ninanakawan mo ang Dios?
Isa ito sa mga “scare tactics” na pinaiiral ng mga simbahang nahumaling sa “prosperity gospel” na nangangakong ang nagbibigay ay maalis sa sumpa ng kahirapan dahil siya ay pagpapalain ng Dios.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5
Ayon sa isang manunulat na si Tim Challies ang kahulugan ng “prosperity gospel” ay,
“This doctrine teaches that God has promised his people financial and other forms of prosperity in this life, if only God?s people will take the necessary steps to claim it…. The way such prosperity is activated is by the planting of seeds, so that the person who wants financial prosperity must plant a seed of financial prosperity. Needless to say, such seeds are usually through a donation to a ministry.”
Ang prosperity gospel ay katuruan na ang Dios umano ay nangakong pagyayamaning materyal ang mga mananampalataya kung ang mga ito ay magiging tapat sa paghahasik ng binhi (o puhunan) sa iglesia o ministerio na kaniyang kinabibilangan. Kadalasan ang binhi ay donasyong salapi.
Ang ikapu, para sa kanila, ang isa raw sa mga pamamaraan kung paano ka makapagtatanim ng binhi tungo sa masaganang pamumuhay. Ipinaliwanag ni Chinkee Tan ang prinsipyong ito sa kaniyang sermong “7 Ways of Sowing” (at 14:22),
When a farmer sow a seed it will grow what? A tree. And it will bear many what?? Fruits. And the fruits you want to harvest there will be many more what? Seed. What do you do with the seed? You plant more. When you plant more you will harvest more? Trees. And it will bear more what? Fruits….Kung gusto mo yung income mo lumalaki every year, dapat yung giving proportionally lumalaki rin every year.
Sa sermon naman ni Bishop Oriel M. Balano, sinabi niyang kapag hindi ka nag-iikapu “you are inviting a curse.” Sinabi rin niya na “your wealth will welcome you to eternity.”
Maliban sa mga “scare tactics” na nabangit, bahagi ng kanilang manipulasyon sa simbahan ay ang “shaming” na mas gusto nilang tawaging “encouragement.” Itinatala nila ang mga pangalan ng mga nag-iikapu para may listahan sila kung sino ang “faithful tithers” at kung sino ang hindi pa tither na dapat pang ma-encourage.
Sa ibang simbahan naman ay meron silang tinatawag na “Tither’s Night” kung kailan ipinagdiriwang nila kasama ang mga faithful tithers sa isang salo-salo o piging. Sa ganitong paraan mapapanatili nila silang tapat sa pagi-ikapu. Dahil ito ay napag-uusapan sa simbahan, ang mga hindi pa nag-iikapu na makakabalita ng ganitong parangal ay kanilang nahihikayat.
Sa ibang simbahan naman ang mga hindi nagbibigay ng ikapu ang kanilang inilalagay sa listahan at ipinapaskil sa kanilang bulletin board. Ikaw naman na ang pangalan ay nasa listahan, ay mae-encourage mag-ikapu maalis ka lamang sa talaang nakikita ng lahat.
Hindi natin maitatatwa na malaki ang naitutulong ng ikapu sa isang simbahan dahil sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng “steady and growing income” gawa ng kanilang pangangaliangan sa operations ng kanilang ministerio. Kaya naman maraming simbahan ang naaikit na ipatupad ang ganitong klaseng mga taktika (scare and shaming tactics) kaya madaling kumakalat ang ganitong klaseng katuruan,
Ngunit ito ba ay Biblical o perversion ng mga sinasabi sa Biblia? Ito ba ang gawa-gawa lamang ng tao at hindi talaga ipinangaral ni Kristo sampu ng Kaniyang?mga apostol? Ano ang implikasyon ng ganitong klaseng katuruan sa isang mananampalatayang Kristiyano?
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5
Basahin din: Sumpa ng Ikapu: Kuripot Ka and Sumpa ng ikapu: Doble Kara
Recent Comments