Slaves To Sin

PART FIVE:

Ang tao ay totally depraved sa harapan ng Dios yan ang Bad News na ating napag-aralan sa Romans 3. Ngunit maliban pa riyan may isa pang aspeto sa tao ang dapat nating matutunan, isa pang epekto ng pagiging totally depraved.

This is continued from Part 4: The Guilt of the Father.

Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6

magi-01-morgiana-slave-shackles-chain-break-freed-class-society

Sabi sa Rom. 6:6, “For we know that our old self was crucified with him so that the body of sin might be done away with, that we should no longer be slaves to sin.” Pinahayag nito na ang dati nating pagkatao ay ipinako kasama ni Christ upang ang “katawatang makasalanan” ay mawalan ng bisa, para hindi na tayo maging alipin ng kasalanan.

Napakahalaga ng biyaya ng Dios, relevant din ang verse na ito sa pag-aaral natin tungkol sa total depravity. Dahil pinapahayag dito na ang tao, kung wala ang biyaya ng Dios, alipin ng kasalanan.

Kapag raw ang tao ay alipin ng kasalanan hindi sya alipin ng katuwiran o malaya sya sa katuwiran dahil kasalanan ang kaniyang sinusunod (Rom. 6:20). Inaalay niya ang kaniyang katawan bilang instrumento ng kasamaan (Rom 6:13).

Noon laging nasusunod ang dati niyang pagkatao. Ibinibigay niya ang layaw nito (Rom. 7:5). Noon at magpa-hanggang ngayon ang kasalanan ay nahahantong sa kamatayan (Rom. 6:16, 21; Rom. 7:5). Sa pamamagitan nito lalo pang nagiging masama ang tao (Rom. 6:19).

Ang dating pagka-taong yan ay tinatawag na “carnal” (makalaman o kaya hindi spiritual), yan ang alipin ng kasalanan sabi pa sa Rom. 7:14. Kaya inamin ni Paul ang total depravity sa Rom 7:18a,

?I know that nothing good lives in me, that is, in my sinful nature.?

Ibig sabihin nito ay malaya tayong nagpapasya ng gusto nating gawin ngunit ang mga ginagawa natin ay ginugusto natin ayon sa ating pagiging likas na masama. Gusto nating gawin ang masama. Bawat ginagawa natin kahit mabuti sa paningin ng kapwa natin ay self-centered, pero alam ng Dios ang lahat. Kung sa ibang tao mas mabait tayo, sa harapan o sa standard ng Dios tayo ay totally depraved.

Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6

Tags :

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther