Paano nga ba naging totally depraved ang tao? Hindi ba nilikha tayo ayon sa wangis ng Dios (Gen. 1:26)? Ano ba ang nangyari?
Continued from Part 1: Bad News.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6
Sinabi sa Rom 5:12, “Therefore, just as sin entered the world through one man, and death through sin, and in this way death came to all men, because all sinned.”
Ito raw ang summary ng kasaysayan ng tao: kung paanong dahil sa pagsuway ni Adan sa tagubilin ni God, sya ay nagkasala at nahatulan ng kamatayan, sabi nga sa v. 16, “The judgment followed one sin and brought condemnation,” sa ganitong paraan nakapasok ang kasalanan at kamatayan sa sanlibutang nilikhang “good” ni God.
Hati ang paliwanag ng mga theologians, nahati sa TULIP at DAISY.
Para sa TULIP ang sagot ay “Oo,” dahil sabi sa v.18, “one trespass was condemnation for all men.” Sa isang kasalanan ni Adan lahat ay nahatulan. Lahat ay binilang na nagkasala sabi pa sa v.19, “the disobedience of the one man the many were made sinners.” Ibig sabihin nito ang kasalanan ni Adan ay imputed (ibinilang) sa lahat ng tao at ang parusang kamatayan kay Adan ay ipinataw rin sa lahat. Ipinaliwanag sa v.13 ang imputation na ito.
Tutol naman ang DAISY sa sagot na yan. Para sa kanila, hindi nahatulan ang lahat. Nahahatulan lang kapag nasa wastong pag-iisip ay gumawa na ng kasalanan. Naka-focus ang attention ng DAISY sa “death came to all men, because all sinned” ng v.12 at “But sin is not taken into account when there is no law” ng v. 13.
Ang TULIP ay acronym kung paano ipinapaliwanag ang paraan ng pagkakaligtas ng Dios sa taong makasalanan. Ang sabihin ng TULIP ay:
Ang una, o yung letrang “T” ay patungkol sa tunay na kalagayan ng tao sa harapan ng Dios. Ang “U”, “L” at “I” naman ay may kinalaman sa kadakilaan ng biyaya at sovereignty ng Dios sa pagliligtas. Ang “P” naman ay ang response ng tao sa ginawa ng Dios.
Masasabi nating ang T-ULI-P ay nakakadena sa isa’t isa: Kalagayan ng tao (“T”), malaya at dakilang biyaya at habag ng Dios (“ULI”) at ang bunga ng ginawa ng Dios kahit pa lubhang makasalanan ang tao (“P”).
DAISY ang karibal ng TULIP sa larangan ng soteriology, ang kahulugan ng DAISY ay:
May magkaibang pahayag sa DAISY kung “D” nito ang pag-uusapan. Sabi ng iba sa hanay nila, ang tao ay “total” din ang depravity. Pero sabi naman ng iba, ang tao “partial” lang ang depravity.
Sa hanay ng mga maka-TULIP naman ay may mga nagsasabing kahit si Adan pa lang ang tao noon, dahil lahat ay nasa balakang pa nya (“loins” sa KJV), kasama ang lahat ng tao na gumanap ng kasalanang iyon. Katulad raw ito nung sinabi sa Heb 7:9-10 na dahil nagbayad si Abraham ng ikapu kay Melchizedec, si Levi rin ay nagbayad ng ikapu dahill si Levi ay nagmula kay Abraham o nasa balakang pa ni Abraham noon.
Totoo man ang theory na ito o hindi, maliwanag na lahat ng tao ay binilang na makasalanan at tunay ngang makasalanan, dahil sa dahilang ito lahat ng tao ay namamatay.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6
Recent Comments