Ang pang-anim na criteria sa Christian Definition ng cult bilang pagpapatuloy ng “One True Church” ay,
Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6
Typical sa mga theological cults na sila ay walang assurance sa kaligtasan. Sila ay “Believing And Never Assured of Salvation” (BANAS). Hindi tayo ang naghuhusga sa kanila na sila ay hindi ligtas o wala silang kaligtasan, sila mismo ang umaamin na hindi pa sila naliligtas o maliligtas pa lamang sila. Ito ay mula sa kanilang pahayag at opisyal na katuruan.
Ang bagay na ito ay sintomas ng tunay nilang kalagayan. Pusibleng hindi pa nga sila tunay na naliligtas dahil nakasalalay ang kanilang kaligtasan una, sa membership ng kanilang samahan at pangalawa, sa pagsunod sa mga ipinagagawa ng kanilang samahan. Dalawa lamang ito sa mga “retention techniques” or mga pamamaraan para sila ay mapanatili sa kanilang samahan.
Dahil gumagamit sila ng “sugoneutics” (o anumang Unorthodox Hermeneutical Principles), ang nagtatakda ng mga dapat nilang paniwalaan at mga dapat gawin ay ang liderato nila o ang kinikilala nilang sugo (o mga sugong kinikilala nila bilang mga propeta o mga apostoles). Normal na hindi harmonized ang katuruan nila sa James 2:14 at Romans 4:5. Para sa kanila, mas dapat panghawakan ang interpretasyon?sa itinakda ng kanilang samahan o sugo. Sa?ganitong paraan din madali silang napapasunod.
Narito ang ilang lamang sa mga “mabubuting gawa” na kailangangan gawin ng mga kaanib ng samahan para sila ay masabing masunurin at sa pagdating ng Panginoon sila ay maliligtas sa kahatulan:
Lahat ng kanilang katuruan ay mahalaga sa pag-sunod at kaligtasan. Tulad halimbawa ng:
Ang kaso ngalang kapag tinanong mo sila kung may maiimpyerno ba dahil sa kumain ng balut o kaya dinuguan, yung iba sa kanila hindi direktang aamin. Ganun pa man, ang mga theologically cults, dahil nga?walang distinction sa mga essential at non-essentials ay tinatawag na,
“Majoring in the minors.”
Para sa kanila, ang unity ay synonymous sa uniformity. Kung ano utos ang lider dapat ganun din ang miyembro. Yung iba nga kahit sa iboboto din sa halalan ay gustong nilang pare-pareho sila. Ang hindi pagsunod sa kanilang ipinagu-utos ay katumbas ng pagsuway sa Dios na maaring mauuwi sa pagkakatiwalag o kawalan ng kaligtasan kapag sila ay na-excommunicate.
Dahil sa ganitong kaisipan, ang kamatayan ni Kristo ay hindi pa sapat para sa kanila. Ang “Ibang-helyo” nila ay patungkol sa kaligtasan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Ngunit para sa historical and Biblical Christianity, ang kaligtasan ay hindi nakasalalay sa gawa sapagkat ang mga mabubuting gawa ay tanda lamang ng pagliligtas. Sabi sa Eph 2:8-10,
“For it is by grace you have been saved, through faith–and this not from yourselves, it is the gift of God–not by works, so that no one can boast. For we are God’s workmanship, created in Christ Jesus to do good works, which God prepared in advance for us to do.”
Ang kaligtasan ay hindi sa pamamagitan ng sariling gawa. Ang gawa ay lalakaran lamang ng mga nilikha at iniligtas ng Dios. Ang kaligtasan ay dulot ng pagpapaksakit at kamatayan ni Kristo, sabi sa Gal 2:21,
“I do not set aside the grace of God, for if righteousness could be gained through the law, Christ died for nothing!”
Sapat na ang kamatayan ni Kristo para maligtas ang sinumang sumasampalataya. Ang pananampalataya ay pagtitiwala sa ginawa ni Kristo hindi sa mga ginagawa nila na nagsisilbing palatandaan ng bagong buhay o binagong pagkatao.
Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6
Recent Comments