Akala kasi ng iba na-born-again sila by faith kaya maraming napapaniwala sa tinatawag na “decisional regeneration.” Akala tuloy nila ipinanganak nila ang kanilang sarili ayon sa sarili nilang kagustuhan.
Ito ay dahil ang nakita lamang kasi nila o ang nalaman lamang nila ay ang kanilang “confession of faith,” “sign of repentance,” and the good works that they are doing. Sabi nga ni Wayne Grudem sa kaniyang Systematic Theology,
“The reason that evangelicals often think that regeneration comes after saving faith is that they see the results (love for God and His Word, and turning from sin) after people come to faith, and they think that regeneration must therefore have come after their saving faith”
Pero sa totoo lang, ang aralin tungkol sa regeneration o kung paano nabo-born-again ang tao ay matututunan lamang mula sa Salita ng Dios (The Bible). Itinulad pa nga ito ng Panginoon sa hangin sabi John 3:8,
“The wind blows wherever it pleases. You hear its sound, but you cannot tell where it comes from or where it is going. So it is with everyone born of the Spirit.”
Hindi mo alam kung saan nagmula pero naririnig mo ito. Ganun din sabi ng Panginoon ang muling kapanganakan. “it blows where it pleases” dahil ito ay ayon sa kalooban ng Dios (hindi sa kalooban ng tao (John 1:13). Kaya sumasampalataya ang taong carnal ay dahil siya ay ipinanganak na muna ng Dios?(1 Cor. 2:14).
Recent Comments