POSAS

posasPART TWO:

Ang OSAS kapag dinagdagan ng “P” sa unahan na ang ibig sabihin ay “Peke”, magiging POSAS. Kapag “R” naman ang idinagdag mo na ang ibig sabihin ay “Radical”, magiging ROSAS naman. Radikal nga raw, dahil para sa kanila ang grace o biyaya ng Lord na lang ang kailangan mong ipangaral. Kahit hindi mo na raw ituro kung ano ang mga dapat at mga hindi dapat gawin sapagkat hindi na raw mahalaga ang kautusan. Ang dapat na lang daw na ituro ay ang biyaya ng Dios.

Ang panganib sa rosas ay ang mga tinik nito sa tangkay. Kahit pa nakaka-akit sa paningin, kapag bigla mong hinawakan sa tangkay ay tiyak na masasaktan o masusugatan ka. Kaya nga dahil sa taglay niyang ganda at panganib, ang ROSAS ay ganun din. Hindi na rin nakapagtataka na maraming taong pinag-iinitan ang OSAS sa maling akalang ang ROSAS at OSAS ay parehas lang. Ang panganib ng ROSAS ay nasa pagpapanggap nitong OSAS siya gayong peke naman pala. Kaya marapat lang na tawagin itong POSAS dahil ikakadena ka nito sa maling kaisipan.

Ang maling pangaral ng Pekeng OSAS ay pagka-ligtas ka na raw, kahit ano pa ang gawin mong kasalan, kahit tumalikod ka pa sa Dios o magpakamatay ay ligtas ka pa rin. Ngunit pinapasubalian ang kaisipang yan sa Romans 6:1 na ang sabi ay, “What shall we say, then? Shall we go on sinning so that grace may increase? By no means! We died to sin; how can we live in it any longer?”

Sa POSAS kasi ay hindi nila kinu-consider na ang iniligtas ng Dios ay binibigyan Niya ng bagong pagka-tao. Sabi nga rito sa Romans 6:2, “We died to sin; how can we live in it any longer?” Patay na raw tayo sa kasalanan. Anong klase ba ng tao ang nagsasabing ligtas na siya pero nagnanakaw, pumapatay, nangangalunya at kung ano-ano pang kasamaan? Hindi ba sinabi sa Gal. 5:21, “those who live like this will not inherit the kingdom of God.”

Samakatuwid, may mga nagpapakilalang sila ay ligtas pero iba naman ang kanilang ginagawa o nilalakaran, hindi maka-Dios ang kanilang pamumuhay. Sinasabi nilang ligtas na sila pero sa kanilang “bunga” ay makikita pa rin natin ang kasamaan.

Ang tunay na naligtas ay hindi ganito ang ipapamuhay. Ang tunay na naligtas ay binigyan ng bagong pagka-tao, sila ay patay na sa kasalanan at namumuhay na para sa katuwiran. Sabi nga sa Ephesians 2:8-10 na ang mga naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, ay nilikha na lumakad sa mabuting gawang inihanda ng Dios noong una pa.

Sa OSAS, ang mga tunay naligtas ay lumalakad sa mabuting gawa (Ephesians 2:10). Kapag sinabing hindi na kailangan lumakad pa sa mabuting gawa o kapag sinabing kahit anong kasamaan ay pwedeng gawin, malamang kaysa sa hindi ay POSAS lamang iyon.

Index: Part 1Part 2Part 3Part 4Part 5Part 6Part 7

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther