Bahagi ng shaming and scare tactics ng mga prosperity gospel preachers ay ang pinapangaral nilang hindi ka raw makaka-ahon sa kahirapan sa hindi mo pagtatanim ng binhi o sa hindi mo pag-iinvest sa pamamagitan ng pagbibigay ng ikapu. Ang masama pa nito, ipinapangaral nilang ikaw ay nalalagay sa sumpa sapagkat sabi nila ninanakawan mo ang Dios. Bina-base nila ang ganitong katuruan sa Malachi 3:8-10 ngunit ang totoo naman pala, walang kinalaman sa salapi ang ikapu. Mga kapatid, hindi po biblikal ang ganitong uri ng katuruan.
Ito ay pagpapatuloy ng Part 2: Biblikal na Ikapu.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5
Ang utos na mag-ikapu ay para sa buong sambahayan ng Dios sa Israel ng Matandang Tipan, more specifically para sa kapakinabangan mga Levita at mga Saserdoteng nangangasiwa sa Templo bago namatay at muling nabuhay si Kristo. Ngunit, sa ayaw man natin o sa gusto, ang pagka-sasedote (pari) ay mula sa angkan ni Levi at ito ay matagal nang pinawalang-bisa na kaalinsabay din utos sa pag-iikapu na para sa kanila sabi sa Eph. 2:14-19,
“For he himself is our peace, who has made the two one and has destroyed the barrier, the dividing wall of hostility, by abolishing in his flesh the law with its commandments and regulations. His purpose was to create in himself one new man out of the two, thus making peace, and in this one body to reconcile both of them to God through the cross, by which he put to death their hostility. He came and preached peace to you who were far away and peace to those who were near. For through him we both have access to the Father by one Spirit. Consequently, you are no longer foreigners and aliens, but fellow citizens with God’s people and members of God’s household.”
Sinasabi sa talata na si Kristo ang ating kapayapaan, “pinawalang-bisa niya ang pag-aalitan, ang batas ng kautusan na nasa mga utos… upang …ang dalawa ay maging isang bagong… sambahayan ng Diyos. Yan ang resulta ng kaniyang pagpaka-sakit at kamatayan.
Sa matandang Kautusan kasi ang mga Gentil ay pawang mga dayuhan sa Israel (Eph. 2:12). Hindi nakikisalamuha ang mga Judio sa kanila (Mat. 10:5). Ngunit sa Iglesia, hindi na dayuhan lamang ang mga Gentil, sila ay isang ka- “Sambahayan ng Diyos.” Hindi na tinuturing na Sambahayan ni Israel lamang. Hindi naging mga Judio ang mga Gentil, kaya paanong magiging paglabag para sa kanila ang hindi pagsunod sa alinman sa mga utos na para lamang sa Sambahayan ni Israel?
Sabi sa Heb. 7:11-12 pinalitan na ang kautusan. Sa Heb.7:18-19 naman ay sinabing mahina ito. Wala raw napapaging-ganap ang Kautusan (o yung mga naunang alituntunin, o ang Kautusan ni Moises), kaya ito ay isina-isang tabi upang magbigay-daan sa pagkasaserdoteng mula sa pangkat ni Melquisedec.
Nararapat bang sabihan ang mga mananamapalataya sa Bagong Tipang Iglesia na: Kung hindi nyo binibigay ang inyong ikapu, ninanakawan ninyo ang Diyos” Dapat ba silang pangaralan ng: Kung kayo’y magbibigay ng ikapu, yaong mananakmal ay sasawayin? Paano kung hindi siya nakakapagbigay? Ibig bang sabihin ay hindi na sasawayin ng Diyos ang mananakmal? Dapat rin bang sabihihin sa na, Kapag hindi kayo nag-iikapu nalalagay sa sumpa ang inyong buong bayan? Nag-iiwan ang mga kapahayagang yan ng mga karagdagang katanungan:
Kung tutuusin nga hindi naman ito kailanman iniutos sa Iglesia. Ayon pa sa Gal. 3:13,
“Christ redeemed us from the curse of the law by becoming a curse for us, for it is written: ‘Cursed is everyone who is hung on a tree.'”
Kung si Kristo ay naging sumpa upang tubusin tayo mula sa sumpa ng Kautusan bakit nila pinapahiwatig na binawi ng sumpa ang mga mananampalatayang kay Kristo dahil lamang sa hindi pag-iikapu?
Yan ang nakakalungkot. Marami nagpapalaganap ng ganitong katuruan na salat sa kaalaman. Binibigyan nila ng pasanin ang mga pinalaya ni Kristo. Hindi ba nararapat na maituwid ang bagay na ito?
Ayon naman sa Gal. 3:10 ang sinumang umaasa sa gawa ayon sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Bakit kaya?
“All who rely on observing the law are under a curse, for it is written: ‘Cursed is everyone who does not continue to do everything written in the Book of the Law.'”
Ito ay sapagkat sila ay namimili (cherry picking)!
Hindi naman nila talaga sinusunod ng mga ipokrito ang lahat ng bahagi ng buong Kautusan maliban sa “cherry” na pinitas lamang nila, kaya ang sabi ay,
“Sumpain ang hindi sumusunod at hindi gumagawa ng lahat ng nakasulat sa aklat ng Kautusan.”
Hindi dapat magpatuloy ang pagpapalaganap perversion sa Ebanghelio ni Kristo. Maraming prosperity preachers ngayon na dahil sa katuruan nila sa ikapu dinadala pa nila ang mga tao palayo sa sumpang bunga lang ng kanilang malikot na pag-iisip ngunit patungo sa tunay na sumpa ng Kautusan.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5
Recent Comments