Madalas nating narining na maraming interpretasyon tungkol sa usaping ito. Sabi ng iba maari tayong pumili ng iba’t-ibang pananaw ukol dito, kung gayon pala, nararapat bang sabihin na kapag hindi ka nagbibigay ng iyong ikapu, ninanakawan mo ang Dios? Nararapat bang sabihin na kung hindi aabot sa 10% ang binibigay mong kaloob ay hindi na aawatin ang mananakmal o mga salot ayon sa Mal. 3:10-11 since opinion lang pala ang basihan nito?
Continued from: This Grace of Giving.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5
Ang layunin ng series na ito ay hindi upang pilitin o takutin kayo na huwag nang magpatuloy sa pagbibigay. Ang layunin nito ay maging tapat tayo sa Salita ng Dios. Kaya pakiusap lang, kung magbibigay kayo ng inyong comments or reply sa ibaba, huwag naman base lang sa sarili ninyong opinyon o pananaw kundi hango sa talagang sinasabi ng Dios na nasa Biblia.
Noong hindi pa tayo sumasampalataya, madalas nating sinasabi ang dahilang, Ito na ang nakalakihan ko simula ng pinanganak ako, bakit ko pa babaguhin ang paniniwala ko? Ngayon naman kapag ikapu ang pinaguusapan ganito naman ang dinadahilan:
“Ito na ang nakalakihan ko simula nang akong ipanganak muli sa Espiritu, bakit ko babaguhin ang paniniwala ko?”
Pareho lang sila hindi ba? Bakit ka pa umalis sa dati mong pananampalataya kung human tradition rin lang pala ang standard mo? Kung sinasabi mong ikaw ay isang Bible-based Christian [suggested reading: Are You an Experiential or a Bible-based Christian], dapat mong malaman na ang susunod na hakbang kapag naunawaan mo na ang sinasabi ng Salita ay ang “application” nito, sabi sa James 1:22,
“Maging tagatupad kayo ng salita at huwag maging taga-pakinig lamang, na dinadaya ninyo ang inyong mga sarili.”
Kung nakuha mo ang ibig kong sabihin, ang susunod na hakbang ay ang pamumuhay ayon sa Salita. Hindi natin maitatanggi na ang bawat Iglesia, malaki man o maliit, ay talagang may mga pangangailangang financial. Isa ang pangangailangan sa mga dahilan bakit hindi mai-apply ng tama ang Salita. Isa pa ito sa mga objections na naririnig ko kapag ikapu na ang pinauusapan, ang mga “needs” ng iglesia. Para sa kanila, hindi matutustusan ang panganga-ilangan kung walang magi-ikapu, kaya narito ang mga panukala o suggestions kung paano mamuhay sa kung ano ang mayroon. Ika nga,
“Live with what you have. Live according to your means.”
Sad to say, marami talagang iglesia ang kulang na kulang sa pantustos sa kanilang panganga-ilangan. Ang ibang pastor pa nga ay napipilitang maghanap ng ibang mapagkakakitaan para may mapakain sa kanilang pamilya at para mapag-aral ang kanilang mga anak. Nakakalungkot na reality ang bagay na ito, pero dapat pa rin tayong manatiling tapat sa Salita ng Dios.
1. Marapat na ang bawat Iglesia ay mamuhay na kung ano ang mayroon na hindi ikinukumpromiso ang higit na mahahalaga bagay tulad ng mga katuruan ng mga apostol, pakikipag-isa,pagipira-piraso ng tinapay, pananalangin, atbp. (Acts?2:42). Ito ang mga mahahalaga sa naunang mga Iglesia kaya’t ito rin dapat ang maging mahalaga para sa atin. Anuman ang nakahihigit sa mga bagay na yan ay maari nating ituring na hindi kasing halaga tulad ng mga multimedia projectors, drum sets, atbp.
2. Hindi masama kung ang bawat Iglesia ay maglayong magkaroon ng mga tinuturing nating mga bagay na “hindi gaanong mahalaga” subalit, kung di pa nila ito matutugunan sa pananalapi, dapat lamang na ipaalam at ipaliwanag ito sa mga kapatid sa Iglesiang iyon. Sa ganitong paraan, ang bawat-isa ay tulong-tulong sa pagtugon sa “needs” na ito, hindi yung iilan lamang na akala nila sila lang ang nakakaunawa kung ano ang Biblikal na pag-iikapu. Ganun pa man, bayaan ang bawat-isa na makibahagi sa kung anuman ang ilagay ng Dios sa puso nila. At kung anuman ang marating ng mga makakalap, ang Iglesia ay dapat masiyahang mamuhay kung anong tinaggap nila mula sa Dios.
3. Sa iba pang mahahalagang bagay tulad ng rental sa panambahan, pagkain, transportasyon, utilities, atbp. Kung ang isang Iglesia ay kakapusin, dapat idulog niya ito sa mga kapatiran para sa isang taunang paghahanda o (church budget). Nang sa gayun ang bawat-isa ay magkaisa sa tinatawag na regular na pagibigay (tulad ng pledging) para maabot ang taunang budget na iyun. Sa pagtakbo ng panahon, sa anumang napipintong kakapusan dapat ito’y dagliang ipagbigay alam sa kongregasyon. Subalit kung kakapusin na talaga, ang Iglesia ay dapat lamang na mamuhay ng ayon sa kung ano ang mayroon para sa dito ng hindi nangungutang. Ang mga churches nung unang panahon ay hindi naman sa mga nagga-gandahang gusali o cathedral nagtitipon, kundi sa bahay-bahay lang at ang mga contributions ng congregation ay napupunta sa pagpapakain sa mga nangangailangan nilang kapatid sa iglesiang. I’m not saying bumalik tayo sa ganung klaseng pamumuhay. I’m just saying maraming paraan pa tayong maiisip para lang maging tapat sa aral ng Salita ng Dios.
4. Patuloy na ipamanhik ang taos-pusong pagbibigay [Read Part 4: Malayang Pagbibigay] sapagkat pantutustos ito sa pangangailangan hindi lamang sa iglesia kundi para sa mga nabubuhay lamang sa Ebanghelio. At yaong mga nais magbigay ng regularly ng 10% ng kanilang kinikita, pagisipan nilang mabuti ito dahil walang nagbibigay ng 10% na walang impluensya ng sumpa ng ikapu. Higit sa lahat, huwag ipangaral na ang sinumang hindi nagbibigay na umaabot sa 10%?ay nagnanakaw sa Dios o kaya’y bibisitahin ng salot [Don’t forget to read Part 1: Sumpa ng Ikapu].
Ang apat na puntos sa itaas ay suggestions lamang. Maaring hindi sila ideal sa inyong sitwasyon pero ako ay naniniwala na sa ibayong pag-aaral pa at pananalangin maari pa ninyo silang ma-improve para matugunan ng sapat ang iba’t-ibang pangangailangan ng inyong Iglesia.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5
Recent Comments