Ang karibal ng OSAS ay hindi naman talaga POSAS kundi yung tinatawag na OSNAS or Once Saved Not Always Saved. Ito ang katuruang kapag naligtas ka pwede mo pa ring maiwala ang iyong kaligtasan. Kung ang POSAS ay nagpapanggap na OSAS ang OSNAS ang kabaliktaran ng OSAS.
Ang ibang variation ng OSNAS ay yung sinasabing ang kaligtasan umano ay hindi nawawala pero ikaw yung nawawala sa kaligtas kasi umaalis ka sa pagkakaligtas sa iyo. Sa madaling salita sa OSNAS ang minsang naligtas ay hindi mananatiling palaging ligtas.
Ganito kalampa ang turing nila sa pagliligtas ng Dios dahil sa paniniwalang nakasalalay sa tao ang pagkapit sa Dios. Na ang tao kapag bumitiw matapos siyang iligtas ng Dios ay pababayaan na lang siya ng Dios na makabitiw hanggang sa tuluyang mapahamak.
Ang totoong nito, itinatakwil nila ang pagliligtas ng Dios sa kasalanan at sa epekto nito. Dahil ang epekto ng kasalanan ay:
Ang tunay na naligtas ay ligtas dapat sa tatlong yan. Base kasi sa mga naoobserbahan nila, isama na rin natin ang mga nakasaad sa kasulatan na may mga dating Christians na tumatalikod sa pananampalataya. Sa dami nga naman ng mananampalatayang napariwara na o kaya tumalikod ng tuluyan sa pananampalataya, ang nabuo nilang conclusion ay maka-OSNAS.
Yung iba naman sa hanay ng OSNAS ay naniniwalang may mawawalan ng kaligtasan dahil sa tinatawag na “mortal sins” tulad ng mga Roman Catholics na ginaya rin ng ibang mga Protestante. Yun daw kasi ay mga kasalanang nakamamatay. Kung mapapahamak ka rin lang pala, hindi ka pa naligtas.
Nakaligtaan kaya nila na kapag ang Dios ang may-gawa, binabago Niya ang pagkatao ng Kaniyang iniligtas? Dahil ba nakita nila na bumalik sa dating gawi ang dati’y inakala nilang naligtas na, akala din tuloy nila nawala o nakabitiw sa kaligtasan yung tao?
Ito kaya ay sanhi na rin ng paniniwalang kapag tinanggap mo si Christ ay ligtas ka na sa pamamagitan ng isang panalangin? Tinatawag ito kung minsan na “easy believism.” Pero dapat kasi ang tunay na ligtas ay hindi lamang ligtas sa dahil sa pagtanggap, Ang tunay na naligtas ay saka mo lang mapapatunayan sa pananatili at sa tinataglay niyang bunga ng Espiritu. Ang tunay na ligtas kasi ay iniingatan ng Dios tulad ng sabi sa Psalm 139:7-10
“Where can I go from your Spirit?
Where can I flee from your presence?
If I go up to the heavens, you are there;
if I make my bed in the depths, you are there.
If I rise on the wings of the dawn,
if I settle on the far side of the sea,
even there your hand will guide me,
YOUR RIGHT HAND WILL HOLD ME FAST.”
Akala ba nila porket tinawag na “Christian” ay ipinanganak nang muli? Hindi naman lahat ng nagpapakilalang Christian ay masasabi natin kaagad na tunay na born again. Kahit nga rin sa Israel noon. Kahit pa lahat sila ay pinalaya sa Egypt, hindi lahat sila ay nakarating sa lupang Ipinangako. Di ba ang henerasyon ng mga pasaway ay hindi nga nakapasok?
Ipinaliwanag ni Paul na hindi lahat ng Israel ay sa Israel. Oo nga’t lahat sila ay Israel sa laman pero ang tunay na Israel ay hindi lamang tuli sa laman kundi tuli rin sa puso. Kaya’t kung may karnal na Israel, meron ding spiritual na Israel (Romans 9:6). At ganun din sa mga Christians! May mga Christians sa salita lamang at mga Christians na born again talaga. May Christians sa nguso lamang at meron namang Christians talaga sa puso. Kaya’t ang sinasabi sa OSAS, ang tumatalikod na mga nagiging pasaway o mga namumuhay sa dating gawa ay bumabalik lang sa tunay nilang pagka-tao. Sabi sa 2 Peter 2:22, “Of them the proverbs are true: ‘A dog returns to its vomit,.. A sow that is washed goes back to her wallowing in the mud.'”
Napapaniwala lamang sila pero di naman sila talaga nabago. Hindi naman talaga sila ipinanganak na muli, parang aso na dinamitan lang pero aso pa rin, o baboy na pinaliguan lang pero baboy pa rin. Mali ang akala na ng mga maka-OSNAS na born again na ang mga ito nung nung sila ay manalangin ng may pagtanggap.
Mahalagang maunawaan natin kung ano ang “saving faith” dahil akala ng maka OSNAS dahil nag sinner’s prayer ang isang tao, siya ay automatic na ligtas na. Dios lang talaga ang lubos na nakababatid kung sino ang para sa Kaniya. Sabi nga sa 2 Timothy 2:19, “Nevertheless, God’s solid foundation stands firm, sealed with this inscription: ‘The Lord knows those who are his,’ and, ‘Everyone who confesses the name of the Lord must turn away from wickedness.'”
Dios lang ang talagang nakababatid. At silang pag-aari ng Dios, sabi sa kasulatan, ay nakatindig sa matibay na saligang pangakong tunay na kaligtasan. At makikita sa bago nilang pagkatao.
Akala ng iba basta may faith naligtas na. Pero sinong higit nakababatid kung sino ang may saving faith gayong Dios lang ang nakaka-alam nun? Matitiyak lang natin sa bunga. Kung siya ay may bago nang pagka-tao. Ganun pa man may mga inari ang Dios pero di agad makikita ang bagong pagka-tao, Dios lang talaga ang nakababatid ng lubos.
Samakatuwid, ang may saving faith ay makikilala lamang sa bunga at sa pananatili nito hanggang wakas sabi pa nga sa 1 John 2:19, “They went out from us, but they did not really belong to us. For if they had belonged to us, they would have remained with us; but their going showed that none of them belonged to us.”
Isa iyan sa mga basihan kung ano ang kalagayan ng taong mga tumatalikod sa pananampalataya. Mapapatunayang tunay na sa Dios ang isang tao kung siya ay nanatili. At ang patunay na hindi siya nagkaroon ng saving faith ay ang pagtalikod, iba kasi ang “natural faith” kaysa sa saving faith.
Ang natural faith ay ang paniniwala ng isang tao na hindi pa sya ipinapanganak muli. Paniniwala ito kahit wala ka pang bagong pagkataong mula sa Dios. Maaring nagbago ka pero ang pagbabago ay sa sarili mo lamang. Magandang halimbawa nito ay yung mga binabago ng “rehab”. Sila yung mga dating adik pero kahit walang Christ sa puso ay nababago pa rin kahit papaano dahil sa rehab program na kanilang pinagdaanan.
Magandang Biblical na halimbawa nito ay ang talinhaga ng Manghahasik. Lahat naman sa mga binhi sa iba’t ibang klase ng lupa ay sumampalataya (natural faith) pero bakit yun lang matabang lupa ang nanatili at namunga? Dahil sila ay matabang lupa. Yan ang merong saving faith. Hindi na talaga sila aso, hindi na sila baboy na babalik pa sa dating isinuka at sa dating sabsaban (2 Peter 2:2).
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6 | Part 7
Recent Comments