One True God, One True Gospel

PART FOUR

Ang pangatlong criteria sa Christian Definition ng cult bilang pagpapatuloy ng Unorthodox Hermeneutical Principles,

Part 1Part 2Part 3Part 4Part 5Part 6
god-is-2

“Low view of God…”

Idolatry na isa sa matinding kasalanan sa Sampung Utos sa panahon ng Matandang Tipan sa Israel ay sakit pa rin ng mga kulto ngayon. Dahil ang mga kulto (see theological definition sa What’s A Cult?) bagaman nagpapakilala sila na sila ay “Christians” din,mayroon silang kakaibang dios na sinasamba.

Gumagamit din sila ng mga Biblical terms ngunit ang mga pakahulugan nila sa mga terms na iyon ay kakaiba sa pagkakapaliwanag ng mga Historical at Bible-based Christians tulad ng mga Reformed, Born-Again, Evangelical, Baptists, atbp. Maaring tawag nila ay “Gospel”, “Grace”, “God”, “Jesus,” at “Holy Spirit” pero maaring ang pagkaka-unawa?nila ay kakaiba sa historical na kahulugan.

May mga nagtuturong ang Dios ay hindi alam ang lahat ng bagay at tinatawag din niyang “Dios” pero kung ang?kinikilala niya ay hindi naman alam ang lahat ng bagay, hindi na iyon tunay na Dios. Sabi sa Lam 3:37-38,

“Who can speak and have it happen if the Lord has not decreed it? Is it not from the mouth of the Most High that both calamities and good things come?”

Isang halimbawa ito kung papaanong pinapababa ng mga kulto ang tingin ng tao sa Dios sa pamamagitan ng kanilang katuruan.Ang tunay na Dios kasi hindi naman manghuhula lamang. Alam Niya ang magaganap sa future dahill Siya ang nagtatakda kung ano ang magaganap sa hinaharap kaya imposible sa tunay na Dios na hindi Niya iyon nalalaman. Kapag hindi “omniscient” ang ipinapakilalang dios, hindi yun tunay. At ang sumasamba sa hindi tunay na dios ay mapapahamak.

Isa pang pagpapababa sa kadakilaan ng Dios ay ang pagpaparami sa Dios. Ang historical at Biblical na Christians ay “monotheistic” o kumikilala lamang sa iisang Dios (hindi sa tatlong Dios). Sabi sa Deut. 6:4 at sa Isa. 42:8,

“Hear, O Israel: The LORD our God, the LORD is one.”

“I am the LORD ; that is my name! I will not give my glory to another or my praise to idols.”

Bagaman monotheistic,hindi rin itinuturo sa historical and Biblical Christianity na si “Jesus” na ang Anak, Siya pa rin ang Ama o kaya nahahati si Jesus: isa sa kaniyang-pagkatao, bilang ang Anak at isa pa sa pagka-Dios naman bilang Ama. Ang historical at Biblical Christianity ay nangangaral ng iisa ang Dios pero mayroong tatlong ang persona. Sa madaling salita, ang Trinity: Iisang Ano, Tatlong Sino: Ama, Anak at Espiritu Santo. Ipinapangaral din nito na si Jesus lamang ang Anak ngunit kaisa Siya ng Ama sa kalikasang pagka-Dios at isinugo sa katawang-tao (Phil. 2:5-11). Siya ay tunay na Dios at tunay na tao (John 1:1, 14). Hindi Siya pangalawang Dios kundi kaisa Siya ng Ama sa pagka-Dios (John 10:30). Kung ano ang pagka-Dios ng Ama ay siya ring pagka-Dios ng Anak. Hindi nahahati ang pagka-Dios na iyon. Hindi rin nahahati si Jesus sa dalawang kalikasan. Ang tawag sa ganitong katuruan ay “Trinitarianism.”

Sa Matandang Tipan ang nagsugo ay si “Yahweh” habang ang isinugo naman Niya ang kung tawagin ay “Anghel ni Yahweh” at ang “Espiritu Ni Yahweh” ngunit sa Bagong Tipan, ang ipinakilalang nagsugo ay ang Ama at ang sinugo naman ay ang Anak na si Jesus (John 3:16) at ang isinugo ng Anak mula sa Ama ay ang Holy Spirit (John 14:16).

Kung pinapababa ng iba ang kaluwalhatian ng Dios, yung iba naman palihim na tinatakwil ang Ama at ang Espiritu Santo at ipinapangaral nilang si Jesus din ang Ama at ang Espiritu Santo.

Ang susunod na criteria ay,

“Low view of the Gospel…”

Pati ang tunay na Gospel ay pinapababa ng mga kulto. Yun iba ay hinahaluan ito ng kung ano-anong mabubuting gawa, sakramento, kautusan at mga kung ano-anong programa ng kanilang simbahan. Nag-aalok din sila ng mga bagay na hindi naman ipinapangako sa Ebanghelyo katulad ng mga kayamanan at kapangyarihan ng sanlibutang ito. Sabi ng Apostol sa Gal. 1:8

“But even if we or an angel from heaven should preach a gospel other than the one we preached to you, let him be eternally condemned!”

Mahalagang malaman nila at sampalatayanan nila ang tunay na Ebanghelyo sapagkat ito ang kapangyarihan ng Dios sa mga inililigtas sabi sa 1 Cor. 1:18,

“For the message of the cross is foolishness to those who are perishing, but to us who are being saved it is the power of God.”

Ang tunay na Ebanghelio ang dapat sampalatayanana hindi ang “Ibang-helyo” na resulta ng dagdag-bawas na katuruan ng mga kulto sapagkat ito ang itinakdang kaparaanan ng Dios para sa ikaliligtas ng sinuman sa 2 Thes. 2:13-14,

“But we ought always to thank God for you, brothers loved by the Lord, because from the beginning God chose you to be saved through the sanctifying work of the Spirit and through belief in the truth. He called you to this through our gospel, that you might share in the glory of our Lord Jesus Christ.”

Part 1Part 2Part 3Part 4Part 5Part 6

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther