One True Church

PART FIVE

Ang pang-limang?criteria sa Christian Definition ng cult bilang pagpapatuloy ng One True God, One True Gospel ay,

Part 1Part 2Part 3Part 4Part 5Part 6

“Claiming to be the only true Church… salvation by membership”

Hindi nalalayo sa behavioral cults ang mga theological cults sa puntong ito dahil sa kanilang “totalist mentality” (na sila lang ang tama at mali na ang iba), dahil para sa mga theological cults, sila lang ang tunay na iglesia.

Dahil sa mindset na ito na ini-inculcate nila sa sinasabi ng mga eksperto ay “mind conditioning” techniques na mas kilala natin sa tawag na “indoctrination,” nakaka-recruit sila ng mga kaanib at napapanatili nila ang membership ng mga ito. Nare-recruit nila sa dahilang napapaniwala nilang sa dinami-dami ng mga simbahan, mga?denominasyon at mga?sekta ngayon, tanging sa simbahan, denominasyon o sekta lamang nila masusumpungan ang kaligtasan. Sila ay napapanatili bilang mga?kaanib dahil natatakot silang na mawalan ng kaligtasan kapag nilayasan nila ang kulto na nakapag-engayo sa kanila.

BATTERED SHEEP

Noong 1997 may mga na-counselan kaming mga mananampalataya. Ayon sa aming pag-iimbestiga, napag-alaman namin na dati silang napabilang sa “Metro Manila Church of Christ” or MMCC. During the course of the counselling, damang-dama namin ang kanilang pagka-lito at depresyon. Alam nila na hindi nila magagawa ang lahat ng mga pinapagawa sa kanila sa MMCC. Sa kabilang banda, sa pagkaka-alam din nila, kapag sila ay namatay sila ay ibubulid sa dagat-dagatang apoy dahil sa kanilang pagkakatiwalag. Dito namin nakita ang epekto ng indoktrinasyon sa kanilang murang kaisipan. Sa indoktrinasyon kasi sa MMCC, ang nasa “One True Church” lamang nila ang tamang iglesia para sa kanilang kaligtasan sa kaparusahan sa impyerno. Ito ang nagmarka sa kaisipan ng mga kina-counsel namin.

Dumating din ang mga panahong muli silang hinihikayat ng mga dati nilang kasamahan na lalong nagpdagdag sa kanilang kalituhan. Sa isang banda, sinasabihan sila ng MMCC na manumbalik at may pagkakataon pa ngunit sa kabilang banda naman ay hinihikayat namin sila na wala sa kinaaanibang grupo ang kaligtasan kundi sa pamamagitan lamang ng biyaya ng Panginoon sila magtiwala (hindi dahil membership ng kung anumang sekta o denominasyon).

Kahit ang Roman Catholic Church noo’y nagkaroon ng ganitong doktrinang, “Extra ecclesiam nulla salus” na ang ibig sabihin ay,

“Outside the (Roman Catholic) Church there is no salvation.”

Na noo’y kanilang pinapangaral na kapag hindi ka baptized at faithful follower ng Roman Catholic Church, ikaw ay hindi maliligtas sa kaparusahan. Kaya mahigpit nilang ipinag-uutos noon na wag mag-kasal o mag-libing ng hindi water baptized sa Roman Catholicism o kaya sa mga excommunicated Roman Catholic members. Para sa kanila “they have the key/power to bind and loose” dahil ang Papa umano nila ang naging kahalili ni Pedro na kung tawagin ay “Vicar of Christ,” ang Kristo dito sa lupa na may kapangyarihang mag-usal ng dasal na susumpa para ma-excommunicate sa mga?gusto nilang mae-excommunicate para hindi makapasok sa kaharian ng Dios.

Sa ngayon iba na ang pananaw ng Roman Catholicism. Naging more inclusive na sila hindi katulad ng dati. Ngunit sa ngayon ay maraming sekta o grupo na may katulad nilang pananaw noon. Tulad halimbawa ng “Iglesia ni Cristo” na nangangaral na ang iglesia lamang nila ang ililigtas sa pagdating ni Kristo, ang “Jehovah’s Witnesses” na naniniwalang ang mga kaanib lamang sa kanilang samahan ang maliligtas, at ang mga “Mormons” o ang “Jesus Christ of the Latter-Day Saints.” Ang mga ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga samahang may “totalist ideology” kung kaligtasan ang pag-uusapan. Para sa mga ito, ang hindi kaanib sa kanilang “One True Chuch” ay hindi maliligtas sa hatol at kaparusahan.

Para sa historic and Biblical Christian faith, wala sa pag-anib sa anumang denominasyon ang kaligtasan kundi sa pamamagitan lamang ng pananampalataya sa Panginoong Jesus. Kahit pa anong simbahang ang iyong aniban, formal or informal membership pa man. Kahit pa Baptist ka, Born-Again ka, Evangelical ka o kaya Presbyterian o Lutheran kapa, ang mahalaga ay sumasampalataya ka sa tunay na Panginoong Jesus. Hindi na rin kailangang bautismuhan ka sa bago mong lilipatan sa pagkat ang mga nasa historic and Biblical Christian faith ay nagtuturingang magkakapatid kahit pa may iba-iba silang pamamahala at katuruan sa ibang mga bagay. Sila ay nagkakaisa sa mahahalagang bagay o mga mahahalagang katuruan (essential doctrines) tulad ng: kung sino at ano ang Dios, ang pagkilala sa tunay na Panginoong Jesus, at ang paniniwala sa iisang Ebanghelio. Tinuturing nila na nagtataglay sila ng iisang Espiritu at mayroon silang iisang bautwismo kaya hindi na kailangang magpabautismo sa lilipatang simbahan. Ang kaibahan na lang ay sa mga tinatawag na simbahang credobaptist o mga naniniwalang valid lamang ang baptism sa mga sumasampalataya. Hinihikayat nila na magpabautismo muli ang mga binawtismuhan noong sila ay sanggol pa lang dahil wala pa silang pananampalataya noong iginawad ang ordinansa sa bawtismo. Ganun pa man, ito ay minor issue lamang at hindi dahilan para hindi magturingang magkakapatid. Karamihan sa mga nasa historic at Biblical Christian faith ay gumagamit ng principle na,

“In essentials unity in nonessentials liberty in all things charity.”

unity_liberty_charityPara sa kanila, may unity kahit pa sila ay diverse sa mga non-essentials na bagay o mga katuruan. Para sa kanila unity is not uniformity. Pero pagdating sa mga samahang mayroong totalist ideology, equivocal sa unity ang uniformity. Kung ano ang paniniwala ng isa dapat ganun din ang paniniwala ng lahat para sa lahat ng bagay. Kahit sa political exericise. Kahit sino ang ipag-utos na iboto ng lider, dapat iboto rin ng lahat. Hindi sila naniniwala sa unity in diversity.

Para sa historic and Biblical Christian faith ang mga essentials ay mga katuruang may kinalaman sa kaligtasan o paraan ng kaligtasan tulad ng paniniwala kung sino at ano ang tunay na Dios, ang paniniwala sa tunay na Kristo, at ang paniniwala sa tunay na Ebanghelio. Ang mga non-essentials naman ay yung anong klase ng pamamahala (polity), anong klase ng pagsamba (contemporary ba o traditional), at sa mga iba pang pamamaraan ng ng pamumuhay tulad ng pananamit, dieta sa pagkain, at iba pang ang kung tawagin ay “disputable matters” sa Rom 14:1,

“Accept him whose faith is weak, without passing judgment on disputable matters.”

Part 1Part 2Part 3Part 4Part 5Part 6

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther