Sa Tagalog “minsan.” To be exact “isang beses” lang. Yung mga katuruang nawawala ang kaligtasan parang switch kasi, hindi ko naman nilalahat. Kaso parang patay-sindi lang para sa kanila ang kaligtasan ng Dios. Sabi pa nga ng iba na kapagka nagkasala raw ng mortal sin ang isang tao ay burado na siya kaagad sa kaligtasan.Ang kaligtasan sa OSAS na paksa natin ay isang event, once lamang, dahil ganun kasi siya ka-effective.
Ang pinaguusapan ditong kaligtasan ay hindi kaligtasan sa kahirapan o pag-iimpok sa banko gaya ng savings o kaya kapag naka home run ka ng hindi inabutan ng bola ng baseball. Ang salvation na tinutukoy dito ay patungkol sa kasalalan (sin) at sa consequence ng sin sa tao tulad halimbawa ng kamatayan at pangalawang kamatayan na kapwa kabayaran ng ating pagkakasala. Of course, implied na rin ang kapatawaran, justification, pagpapawalang-sala o pag-aring ganap.
Ang may-akda ng pagliligtas ay ang Ama pero ito ay sa pamamagitan ng Anak na ipinagtibay ng Holy Spirit, the Trinity working together in unity, pero ibang paksa na yan.
Ang nilliligtas sa sanlibutan na tinatalakay natin ay partikular sa tao. Ganun pa man, sa wakas ng panahon, ayon sa nababasa natin sa Biblia, maisasakatuparan yan ng lubos kapag binago na ang lahat ng bagay kasama ang langit at lupa.
Magsisimula ang pagbabagong yan sa taong iniligtas dahil una, siya ay binibigyan ng bagong pagkatao na may tunay na pag-ibig sa Dios (Ezekiel 11:19-20; 36:26-27). Ngunit maliban pa riyan tinuturuan siya ng Dios at iingatan pa siya ng Dios kaya walang makaka-agaw talaga sa kanya (John 6:45).
May ibang nagsasabi na kahit pa raw ini-ingatan ng Dios ang tao pero kung ayaw ng tao ay walang magagawa ang Dios. Para tuloy mas makapangyarihan na ang tao dahil kaya raw ng taong humiwalay sa Dios ayon sa kanilang pasubali laban sa Romans 8:37-39.
Ngunit isang pagkakamali ang ganung kaisipan sapagkat inamin ng isang mang-aawit,
“Where can I go from your Spirit?
Where can I flee from your presence?
If I go up to the heavens, you are there;
if I make my bed in the depths, you are there.
If I rise on the wings of the dawn,
if I settle on the far side of the sea,
even there your hand will guide me,
YOUR RIGHT HAND WILL HOLD ME FAST.”
Psalm 139:7-10
Kaya nga ang iniligtas ng Dios ay makapananatili talaga hanggang wakas, ngunit yung mga hindi mananatili ay masasabi nating hindi naman talaga iniligtas o naligtas pa dahil sinabi nga sa Awit na ating binasa na maingat ang pagkakahawak sa kaniya,
“YOUR RIGHT HAND WILL HOLD ME FAST”.
Alam naman nating hindi lang ang Ama ang sinabing nag-iingat sa kaniya kundi ang kamay rin ng Anak (John 10:28). Maliban pa riyan, siya ay tinatakan pa ng Espiritu hangang sa araw na maging ganap ang pagkakatubos sa kaniya (Ephesians 4:30). Selyado na sya hangang sa kaganapan ng pagkakatubos nya.
Kaya sinasabi nating ang ligtas na nananatiling ligtas ay kakikitaan natin ng bunga sa tunay nilang kalagayan (Matthew 7:18) dahil kapag nagligtas ang Dios sa kasalanan at sa epekto nito, binabago rin Niya ang kaniyang pagkatao. Kaya makikita naman talaga dapat ng iba ang pagbabagong iyon bagamat, maaring magkaka-iba nga lamang ang “bilang” ng bunga tulad ng matututunan natin sa Talinhaga ng Manghahasik (Matthew 13:23).
Ang dalawa sa epekto ng kasalanan sa tao ay kamatayan at yung tinatawag na ika-2 kamatayan. Sinabi ni Jesus sa John 10:28, “I give them eternal life, and they shall never perish.” Ang ibig sabihin ng “They shall never perish” ay yung “always saved” ng OSAS.
Sa kamatayan, ang mga na kay Christ ay bubuhaying muli (1 Thessalonians 4:13-18) at ang mga mapapabilang sa first resurrection ay hindi na maaano pa ng second death (Revelation 20:6).
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6 | Part 7
Recent Comments