Malayang Pagbibigay

PART FOUR:

Sa 2 Cor. 8:6-7 ay pina-alalahanan ni Apostol Pablo ang iglesia sa Corinto,

“So we urged Titus, since he had earlier made a beginning, to bring also to completion this act of grace on your part. But just as you excel in everything–in faith, in speech, in knowledge, in complete earnestness and in your love for us–see that you also excel in this grace of giving.

[Ito ay pagpapatuloy ng: Pinawalang-bisang Sumpa ng Ikapu.]

12256958_lowIndex: Part 1 Part 2Part 3 Part 4Part 5 

May tinutukoy na biyaya si Pablo na dapat maging sagana sa iglesia sa Corinto tulad ng kasaganahan o kasigasigan nila sa pananampalataya, sa kaalaman, atbp. Sila raw ay maging masigasig o masaganan sa biyaya ng pagbibigay.

Ang Griegong ginamit dito ay “charis” na siya ring salitang ginamit sa Eph. 2:8, “Sa biyaya kayo naligtas ito ay kaloob ng Diyos.” Sa madaling salita, ang biyaya ay kaloob at hindi kabayaran o kapalit ng anumang bagay. Hindi ito obligasyon o buwis.

Kung nauunawaan natin kung paano tayo naligtas sa biyaya, madali rin nating mauunawaan kung ano ang mapagkawang-gawang pagbibigay. Ito ang tinuro ni Apostol Pablo sa iglesia sa Corinto upang sila ay maging sagana o masigasig din. Tungkol ba ito sa ikapu? Hindi natin mababasa yan sa mga liham niya sa kahit saang dako. Binabantaan ba sila ng sumpa? Mas lalong hindi.

Hindi Ipinagbabawal Ang Pagbibigay ng Ika-Sampung Bahagi?

Tahimik ang Kasulatan tungkol sa pagbabawal sa ikapu sa Bagong Tipan. Wala ring pagbabawal sa pagkakaloob ng anumang halaga o porsyento. Kaya kung ang Israel ay wala na sa Matandang Tipan at ang Gentil naman ay hindi kailanman napailalim dito, dapat lamang na tayong lahat ay malayang magbigay ng ayon sa pasya ng ating puso at ayon sa ating pananampalataya: ibigay natin ang 5% o kaya ibigay natin ang 11%, o kaya ay higit pa, subalit huwag nating gamitan ng shaming or scare tactics na magbigay ang sinuman.

Ang Apostol Pablo ay nangaral sa Iglesia sa Corinto at kaniyang sinabi sa 2 Cor. 8:8,

I am not commanding you, but I want to test the sincerity of your love by comparing it with the earnestness of others.”

Ipinamanhik niya sa mga kapatid na magbigay, hindi sila ay inutusan. Hindi katulad sa banta ng ikapu, pinangaralan niya sila na magbigay mula sa kung anong mayroon sila at kung ano ang taos sa kanilang puso. Ganito naman ang makikita natin sa 2 Cor. 8:12,

“For if the willingness is there, the gift is acceptable according to what one has, not according to what he does not have.”

Ayon pa sa Apostol, ang pagbibigay ay kusang-loob o ayon sa sariling pagpapasya sa 2 Cor. 9:7,

“Each man should give what he has decided in his heart to give, not reluctantly or under compulsion, for God loves a cheerful giver.”

Sa 2 Cor. 9:5-6 mababasa natin na hindi sila pinilit, sa halip ay kusang-loob ang kanilang ipinangakong tulong. Ang prinsipyong iniwan sa kanila ay ang sowing and reaping principle na misinterpreted ng mga prosperity gospel preachers,

“So I thought it necessary to urge the brothers to visit you in advance and finish the arrangements for the generous gift you had promised. Then it will be ready as a generous gift, not as one grudgingly given. Remember this: ‘Whoever sows sparingly will also reap sparingly, and whoever sows generously will also reap generously.'”

Anumang halaga ang napagpasyahang ibigay ng isang manampalataya para sa Panginoon o para sa gawain ng Panginoon, tiyak ang pangakong pag-ani ng pagpapalang mula sa Diyos.

Walang Bantang Sumpa sa Bawat Manampalatayang Tinubos na ng Panginoon sa Pamamagitan ng Biyaya.

sowing-and-reaping-71

Sa Griego, ang “pinagpala” ay “makarios.” Ito ay ang pinaka-mataas na antas ng kaligayahan. Ang isang manampalataya ay hindi lamang lumiligaya sa tinatanggap na materyal na bagay o salapi, sa halip, nagiging mataas ang kaligayahan niya sa tuwing siya nakakatulong o nakakagawa ng kabutihan.

Kaya nga kung mas malaki ang kaniyang itinanim na tulong para sa ibang taong nangangailangan, malaki rin ang kaniyang kaligayahan. Ayon naman sa Hosea 10:12,

“Sow for yourselves righteousness, reap the fruit of unfailing love,and break up your unplowed ground; for it is time to seek the LORD,until he comes and showers righteousness on you.”

Ang kapalit ng itinanim na kabutihan ay pagpapalang mula sa umiibig na Dios, ang pag-ulan ng katuwirang nagmumula sa Kaniya.Sabi pa sa 2 Cor. 9:8,

“And God is able to make all grace abound to you, so that in all things at all times, having all that you need, you will abound in every good work.”

Magmumula sa Diyos hindi lang ang kasapatan o tugon para sa pansariling pangangailangan kundi para lalo pang magpatuloy kang makapagbigay na magbunga pasasalamat sa Diyos,

Kasapatan, pag-ibig at katuwiran ang ipinapangako hindi magagarang sasakyan, naglalakihang mansion, nagtatabaang wallet o mamahaling private jets gaya ng mga ipinapangako ng prosperity gospel. Sabi 2 Cor. 9:10-12,

“Now he who supplies seed to the sower and bread for food will also supply and increase your store of seed and will enlarge the harvest of your righteousness. You will be made rich in every way so that you can be generous on every occasion, and through us your generosity will result in thanksgiving to God. This service that you perform is not only supplying the needs of God’s people but is also overflowing in many expressions of thanks to God.”

Kaya harvest of righteousness ang sinabi diyan, yan ay kayamanang espirituwal na magbubunga ng taos-pusong pasasalamat sa Dios mula sa mga kapatid na tinutulungan.

Taliwas sa akala ng marami,ang mga koleksyon na tinanggap ni Pablo ay hindi para sa personal na pangangailangan ng mga Apostol kundi para sa mga kapatid na nangangailangan (1 Cor. 16:1; 2 Cor. 8:4; 9:1 cf. Rom. 15:26). Hindi niya ito pinambili ng mamahaling gadgets, sasakyan, mansion o anumang kagamitang nakikita nating tinatamasa ng mga properity gospel preachers natin ngayon.

Index: Part 1 Part 2Part 3 Part 4Part 5 

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther