Masasabing may nabago sa pagka-tao nila Adan matapos nilang magkasala dahil sila ay nakaramdam ng kahihiyan at pagkatakot, mga bagay na di naman nila dating ginagawa. Sila ay nagtago sa presensiya ng Dios (Gen 3:8-10) at maliban pa rito, sabi ng iba, sila raw ay nagsisisihan (Gen. 3:11-13). Ngunit dahil nga sa pagsuway na ito, ang hatol o condemnation ay ibinaba ng Dios, mababasa yan sa Gen. 3:17-24.
Continued from Part 2: Sin Entered The World.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6
Sa Gen. 5:1-3 naman, ang taong sinasabing nilikha sa wangis ng Dios ay sinabi na ring kawangis na ni Adam. Lahat ng itinala sa salinlahi ng mga kawangis ni Adan, gaano man kahaba ang buhay, ay namatay (Gen. 3:4-32). Maliban na lang marahil kay Enoch na sinasabing kinuha ng Dios (Gen. 5:24) dahil sa kaniyang pananampalataya (Heb 11:5). Maging?si Abel ay binilang na matuwid dahil sa kaniyang pananampalataya (Mat. 23:35; Heb. 11:4) ngunit siya pinatay naman ni Cain.
May mga theologians na nagsasabing sa bawat salinlahi may mga biniyayaang tumawag sa Dios kahit sila ay kawangis ni Adan (Gen 4:26) habang ang iba naman ay walang ibang inisip mula sa puso kundi puro kasamaan (Gen 6:5), tawagin natin silang pangkat ng theologian na maka-TULIP.
Sabi ng mga maka-TULIP, kahit noong panahong ni Noah, ang kanyang buong sambahayan lamang ang biniyayaang makaligtas (Gen 6:8) kahit pa taglay din nila ang wangis ni Adan (1 Cor 15:49).
Kaya para sa mga maka-TULIP, malibang biyayaan ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya ang taong makalupa na pinalayas at hinatulan ng kamataayan sa Eden, sila ay mamatay at hindi makakapasok sa kaharian ng Dios (1 Cor. 15:50). Kailangan munang ipanganak muli sa Espiritu (John 3:3-5) bago nila masilayan ang Kaharian ng Dios. Ganyan din naman ang sinasabi ng isa pang pangkat ng theologians na tawagin na lang nating mga maka-DAISY.
Mayroon namang mga nagsasabing ang tao ay nagiging mabuti lamang o masama ayon sa sarili nitong pagpapasya. Para sa kanila, ang tao kapag ipinanganak ay pinanganak na hindi mabuti o masama. Anil ay sa pagtuntong pa lamang sa wastong isip sila makakapamili kung sila nga ay magiging mabuti o magpapakasama.
Isa sa mga nagpasikat ng ganitong katuruan noong 5th?Century ay ang British theologian na nagngangalang Pelagius. Itinanggi niya na ibinilang na masama ang lahat ng tao dahil sa kasalanan lang ni Adan. Itinatanggi rin niya na isa sa mga epekto ng kasalanan ni Adan ay ang pagkakaroon ng bagong pagkatao ni Adan at sa mga kawangis ni Adan. Wala raw epekto sa ibang tao ang “original sin” ni Adan.
Ganun pa man, may mga pag-aaral ang mga scientists na sa musmos na 6 na buwan pa lamang ang mga sanggol ay nakapandaraya na sa mga magulang para makakuha ng atensyon. May mga pag-aaral din na ang mga preschoolers at toddlers ay hindi lang sila marunong magsinungaling kahit hindi pa tinuturuang magsinungaling. Lumalabas na likas sa mga musmos na kanilang pagtakpan ang kanila mga pagsuway sa mga nakakatanda kahit pa sila ay nasa murang edad pa lamang. Maging sa Gen 25:26, kaya pala pinangalanang Jacob ang pangalawang anak ni Isaac dahil lumalabas pa lamang siya sa sinapupunan ay pinipigilan na niya ang kakambal na panganay na si Esau na mauna kaysa sa kaniya. At nang magkaroon siya ng tamang pagkakataon, mababasa natin na sa Gen. 25:29-34, ang karapatan (o ang birth right) ni Esau bilang isang panganay ay nakuha ni Jacob sa abot kayang halaga sa isang serving ng nilaga.
Kaya itong sinasabi ni Pelagius ay hindi lang nadisprove ng science ay pinapasubalian din ng kasulatan. Sinabi pa sa Psalm 51:5,
Hindi makakapasok ang karnal sa kaharian ng Dios maliban na lang sa biyaya ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya. Malibang sila ay turuan ng Dios (Psa. 51:6), malinis ng Dios (Psa. 51:7) sa mga kasanalan (Psa 51:9) at bigyan sila ng bagong puso na magtatangi sa Dios (Psa 51:10), ang taong makasalanan, makalupa o karnal ay mananatiling kaalitan ng Dios. Sabi pa sa Psa. 58:3,
Even from birth the wicked go astray;
from the womb they are wayward and speak lies.
Dahil sa unbiblical ang tinuro ni Pelagius, kinundena ng “Church Council of Orange” ang kaniyang katuruan noong 418 AD. Kasama sa ibinaba ng Council na ito ang kasabihang: kailangan ng tao ang biyaya ng Dios. Dahil kung wala ang biyaya ng Dios, sabi nila, ay kundi magiging mahirap ay napaka-imposibleng?gumawa?ng mabuti. Ngunit sa Council ding ito sinabing: kailangan bautismuhan ang mga sanggol para sila ay malinis sa kasalanan ni Adan (original sin).
Hindi natin sinasabing dapat bautismuhan ang mga sanggol. Pero yan ang ibinabang pahayag ng Council noon. Nagkakaisa ang TULIP at DAISY laban sa unbiblical na katuruang ito ni Pelagius.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6
Recent Comments