Jesus’ Sheep

sheep

PART SIX:

Sa John 10:28 sinabi ng Panginoon, “I give them eternal life, and they shall never perish; no one can snatch them out of my hand.” Ang tinutukoy ni Lord dito ay walang iba kundi ang tupang ipinagkaloob sa kaniya ng Ama. Yan tema ni John sa chapter 10, ang kawan ni Jesus bilang isang Mabuting Pastol.

Bilang Mabuting Pastol mababasa rito ang (a) pagtatangi at (b) ang pag-iingat ni Jesus sa Kaniyang mga tupa.

PAGTATANGI

Sabi Niya, “I know my sheep and my sheep know me.” (v.14) ganun din sa v.27, “I know them.” Ang pagkilalang ito ni Jesus ay hindi head knowledge lamang kundi may kahulugang tulad ng isang may itinatangi.

Sa ibang salin, “Kilala ko ang sariling akin, at kilala ako ng sariling akin.” Katulad ito ng pagtatangi ni Jesus sa Ama at ng Ama kay Jesus, “JUST AS the Father knows me and I know the Father” (v.15). Ang tinutukoy ni Jesus ay ang sarili Niyang mga tupa na ipinagkaloob sa Kaniya ng Ama. Kilala Niya silang lahat sa pangalan gaya ng sinabi na, “he calls his own sheep by name,” sa v. 3.

PAG-IINGAT

Itinulad din ni Jesus ang sarili Niya sa isang pintuang papasok sa isang ligtas o protektadong kawan gaya ng sabi sa v.9 “If anyone enters by me, he will be saved.” Siya rin dinaraanan ng tupa papalabas upang sila ay makatungtong sa pastulan, “and will go in and out and find pasture.”

Sa pag-iingat na ito, ibinuwis ni Jesus ang Kaniyang sariling buhay, sabi sa v.11, “The good shepherd lays down his life for the sheep.” Kung papaanong ang isang mabuting pastol ay handang mamatay laban sa mga maninilang lobo, ganun din si Jesus para sa Kaniyang mga tupa.

Hindi Siya katulad ng mga bayaran lamang na tumatakas sa gitna ng panganib (v.12). Kaya raw tumatakas ang mga bayaran ay dahil wala silang pag-iingat sa mga tupa. Sabi nga sa v. 13, “He flees because he is a hired hand and cares nothing for the sheep.”

OSAS, OSNAS at POSAS

Saan ngayon pumapasok dito ang OSAS? Hindi lang basta itinatangi at iniingatan ng Panginoon ang Kaniyang mga tupa kundi binibigyan Niya sila ng buhay na walang hanggan. Alanganin namang malapit pa rin sila sa kapahamakang taliwas sa pangakong ito? Natural hindi na. Sabi sa v. 28,

“I give them eternal life, and they will never perish, and no one will snatch them out of my hand.”

Sabi ng Panginoon ay bibigyan Niya sila ng (1) buhay na walang hanggan, (2) hindi sila mapapahamak (3) at walang makaka-agaw sa kanila. Yan ang OSAS!

Ngunit gustong atang palabasin ng maka-OSNAS na sinungaling ang Mabuting Pastol. Sabi ng mga maka-OSNAS ay hindi eternal ang buhay na walang-hanggan kasi pwede silang meron noong una pero mamatay din naman pala sila sa kalaunan. Dahilan nila ay maari raw kasi silang maagaw ng Kaaway sa kamay ni Jesus at sabi pa nila na sila ay maari pa ring mapapahamak ng tuluyan dahil sa kasalanang maari nilang magawa. Hindi man nila tahasang aminin ang mga ito, ganun na rin ang kanilang ipinapabatid sa atin, na maaring mabigo ang Mabuting Pastol sa mga ipinangako Niyang pag-iingat. Ngunit ang totoo, hindi maaring maagaw ng Kaaway ang mga tupa ni Jesus dahil sabi sa v.5,

“A stranger they will not follow, but they will flee from him, for they do not know the voice of strangers.”

Higit pa riyan ang Ama ay nagiingat din sa mga tupa ni Jesus,

“My Father, who has given them to me, is greater than all, and no one is able to snatch them out of the Father’s hand.” (v.29)

Sabi naman ng POSAS, kahit anong gawin ng iniligtas na ay ligtas pa rin. Kahit pa raw magpakasama ng tuluyan o kahit pa tumalikod sa pananampalataya. Ngunit gaya ng OSNAS ginagawa rin nilang sinungaling ang Mabuting Pastol na nagsabing,

“They will listen to my voice (v.15); My sheep hear my voice, (v.27) the sheep follow him (v. 4); they follow me.” (v.27)

Ang tunay na mga alagad ni Jesus ay tatalima sa tinig ng kanilang Mabuting Pastol. Sa mga hindi naniniwala at tumatalima ganito ang sinabi ng Panginoon,

“But you do not believe because you are not my sheep. (v.26).”

Kung nakikinig naman sa Kaaway malamang hindi rin yun mga tupa ng Panginoon sapagkat patungkol sa tunay na tupa ganito ang ipinahayag ni Jesus,

“A stranger they will not follow, but they will flee from him, for they do not know the voice of strangers.” (v.5)

Index: Part 1Part 2Part 3Part 4Part 5Part 6Part 7

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther