Ikapu Ni Abraham

Main Text: Gen. 14:20

Tanong 1: Saan natutunan ni Abraham magikapu?

Sagot: Hindi sinabi, pero ang pagiikapu gaya ng ibang kustumbre ng mga patriarka na hindi iniutos sa kanila ng Dios, ay natutunan nya sa mga pagano dahil isa syang pagano bago nya nakilala ang Dios. Ang ikapu ng mga pagano ibinabayad nila sa mga hari, bilang buwis. Tawag nila noon ay esretu mapagaaralan ito sa mga kustumbre sa Ancient Near East (ANE).

Tanong 2: Paano natin natiyak na doon nya natutunan ang mag-ikapu?

Sagot: Hindi lang naman yun ang kanyang natutunan o nakagisnan. Marami tayong mapupulot na nakagisnang kaugalian nila na umiiral na pero hindi naman ipinag-utos ng Dios sa kasulatan. Ang dalawang halimbawa ay ang pagkakaroon ng alipin at ang pag-asawa nya sa alipin ni Sarah na si Hagar, Gen. 16:3 5. Ang mga ito ay mapagaaralan din sa mga kustumbre sa Ancient Near East (ANE).

Tanong 3: Saan nanggaling ang inikapu ni Abraham?

Sagot: Mula sa mga ari-arian at pagkaing ninakaw sa Sodom at Gomorrah ng apat na hari, Sabi sa Gen 14:11 ,

“The four kings seized all the goods of Sodom and Gomorrah and all their food; then they went away.” (Gen 14:11)

Tanong 4: Paano napasali si Abraham sa sigalot na yun?

Sagot: Nang malaman nyang tinangay pati ang kaanak nyang si Lot, umaklas sya na may kasama, Gen 14:14

“When Abram heard that his relative had been taken captive, he called out the 318 trained men born in his household and went in pursuit as far as Dan.” (Gen 14:14)

Tanong 5: Anong sumunod na hakbang na kanyang ginawa matapos nyang umaklas?

Sagot: Tinugis nila ang mga salaring tumangay ng mga ariarian at pagkain mula sa Sodom at Gomorrah, Gen 14:15

“During the night Abram divided his men to attack them and he routed them, pursuing them as far as Hobah, north of Damascus.” (Gen 14:15)

Tanong 6: Anong naging resulta ng kanyang pagtugis?

Sagot: Nabawi nya ang mga tinangay na ariarian at pagkain mula sa Sodom at Gomorrah, kasama sila Lot at ang mga taong kinidnap din, Gen 14:16

“He recovered all the goods and brought back his relative Lot and his possessions, together with the women and the other people.” (Gen. 14:16)

Tanong 7: Anong tawag sa mga nabawing ariarian at pagkain sa mga nakalaban nya?

Sagot: Samsam, (Heb. 7:4) Sa Ingles, “spoils” o kaya “plunder” resulta ng paggamit ng dahas (Gen. 34:27-29; Num. 31:11-12).

Tanong 8: Anong ginawa nya sa mga nasamsam nya?

Sagot: Gaya ng kustumbre sa ANE, mula sa lahat ng nabawing ariarian at pagkain o samsam ay ibinigay nya ang ika-10 bahagi sa haring si Melkisedek (Heb 7:2). Saserdote rin si Melkisedek , Heb 7:3; Gen 14:20.

“And blessed be God Most High, who delivered your enemies into your hand.” Then Abram gave him a tenth of everything.” (Gen 14:20)

Tanong 9: Ano naman ang ginawa nya sa ibang bahagi ng samsam?

Sagot: Isinauli nyang lahat sa hari ng Sodom nang hingin iyon sa kanya, Gen 14:21

“The king of Sodom said to Abram, ‘Give me the people and keep the goods for yourself.'” (Gen 14:21)

Tanong 10: Bakit ayaw ni Abraham yung panukala ng hari ng Sodom na mapasakanya ang mga ariariang samsam?

Sagot: Dahil sa panata nya sa Dios na di maaangkin ng hari ng Sodom na ito ang nagpayaman sa kanya, Gen 14:22-24

“That I will accept nothing belonging to you, not even a thread or the thong of a sandal, so that you will never be able to say, ‘I made Abram rich.'” (Gen 14:23)

Tanong 11: Mayaman na ba si Abraham nung mga panahong iyon?

Sagot: Oo. Sabi sa Gen 13:2,

“Abram had become very wealthy in livestock and in silver and gold.” (Gen 13:2)

Tanong 12: Bakit hindi nagbigay ng ikapu si Abraham mula sarili nyang kayamanan?

Sagot: Hindi sinabi ni Abraham pero sabi sa Gen 13:14-15 ang kanyang yaman na galing sa Panginoon ay para sa kanya at kanyang magiging mga anak magpakailanman kasama ang Canaan kung saan sya naninirahan noong mga panahong iyon,

“All the land that you see I will give to you and your offspring forever. ” (Gen 13:15)

Tanong 13: Anong aral mapupulot sa ginawang ito ni Abraham?

Sagot: Higit na dakila ang paka-saserdote ni Jesus dahil bagamat hindi sya Levita ay ibinilang syang saserdote sa hanay ni Melkisedek (Heb 7:3), si Melkisedek na tumanggap ng ikapu ng samsam kay Abraham.

“Just think how great he was: Even the patriarch Abraham gave him a tenth of the plunder!” (Heb 7:4)

Tanong 14: Ipinaguutos ba sa simbahan na magikapu sa Panginong Jesus?

Sagot: Hindi. Ang utos na magikapu ay mula sa Kautusan (Law) at para yun sa mga kapatid ni Levi para sa angkan ni Levi, Heb 7:5.

“Now the law requires the descendants of Levi who become priests to collect a tenth from the people–that is, their brothers–even though their brothers are descended from Abraham.” (Heb 7:5)

Tanong 15: Umiiral ba ang Kautusang yun sa Israel para sa Israel o sa simbahan?

Sagot: Hindi. Pinalitan na ang kautusan nung pinalitan ang pagkasaserdote, Heb 7:12

“For when there is a change of the priesthood, there must also be a change of the law.” (Heb 7:12)

Tanong 16: Bakit naman kailangan pang palitan ang Kautusan (Law)?

Sagot: Dahil ito raw ay mahina, walang silbi at walang napapaging-ganap, Heb 7:18-19

“The former regulation is set aside because it was weak and useless.” (Heb 7:18)

Tanong 17: Ano ang tawag sa ipinalit?

Sagot: Ang Bagong Tipan, Heb. Heb 7:22; 8:13

“Because of this oath, Jesus has become the guarantee of a better covenant… By calling this covenant ‘new,’ he has made the first one obsolete; and what is obsolete and aging will soon disappear.” (Heb. 8:13)

Tanong 18: Bakit higit na dakila ang Bagong Tipan kaysa sa Lumang Kautusan?

Sagot: Sapagkat si Jesus ay nabubuhay magpakailanman at tiyak na nakapagliligtas

“But because Jesus lives forever, he has a permanent priesthood. Therefore he is able to save completely those who come to God through him, because he always lives to intercede for them.”
(Heb 7:24-25)

Tanong 19: Bilang mga alagad ng Panginoong Jesu-kristo, dapat ba tayong mag-alay ng ikapu sa kanya?

Sagot: Hindi sabi sa Heb 7:27 hindi sya katulad ng mga naunang punong saserdote na kailangan pang mag-alay ng paulit-ulit, ang inalay nya ay ang kanyang sarili para sa lahat minsan magpakailanman.

“Unlike the other high priests, he does not need to offer sacrifices day after day, first for his own sins, and then for the sins of the people. HE SACRIFICED FOR THEIR SINS ONCE FOR ALL WHEN HE OFFERED HIMSELF.” (Heb 7:27)

Tanong 20: Bakit inuutusan ng simbahan na magbayad ng ikapu ang mga tao gaya ng mga Judio?

Sagot: Dahil sa kasigasigan ngunit salat sa kaalaman gaya ng Judio ayon na rin sa Rom. 10:2,

“For I can testify about them that they are zealous for God, but their zeal is not based on knowledge.”

Tanong 21: Ano ang masamang epekto nito sa sambahayan ng Dios?

Sagot: HIndi naiwawaksi ang kanilang maling kaisipan akala nila higit na dakila ang Lumang Kautusan sa Bagong Tipan na kung saan sarili ng Panginoong Jesus ang kanyang inalay minsan para sa lahat magpakailaman.

Tanong 22: Bilang sambahayan ng Dios sa Bagong Tipan kay Kristo, ano ang dapat nating i-alay sa Dios?

Ang dapat nating ialay ay ating bago o banal na pamumuhay na hindi umaayon sa mundo, at winaksing kaisipan nang sagayon makita natin ang mabuti, kaaya-aya, at ganap na Dios (Rom. 12:1-2).

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther