Ikapu Ng Malachi

Main Text: Malachi 3:10

Tanong 1: Para kanino ang ikapu?

Sagot: ipinamana ng Dios sa mga Levita, Num 18:20-32.

Tanong 2: Maliban sa mga Levita sino pa?

Sagot: Ang angkan ni Aaron, Num 18:20-32.

Tanong 3: Saan daw ilalagak ang ikapu? Sa templo o church?

Sagot: sa storehouse ng Templo hindi sa simbahan, Mal. 3:10.

Tanong 4: Bakit sa Levites ipinamana ang ikapu?

Sagot: Ipinamana yun sa kanila kasi wala silang manang lupa, Num 18:20-32.

Tanong 5: Ngayon sa church sino ang beneficiares ng Diyos?

Sagot: Wala.

Tanong 6: Ano ngayon ang puwedeng ibigay bilang ikapu?

Sagot: Wala.

Tanong 7: May sumpa ba sa ikapu?

Sagot: Meron, Mal. 3:9; Deut. 11:26-28.

Tanong 8: Paano maliligtas sa sumpa ng ikapu?

Sagot: Ang sinumang na kay Kristo ay wala na sa kahatulan o sumpa, Rom. 8:1; Gal. 3:13. Pinawalan na ng bisa ang kautusan (Eph. 2:15; Col. 2:14)

Tanong 9: Mayroon bang kasalanan na hindi kayang bayaran ng dugo ni

Sagot: Wala. Halleluah! 1 Jn. 2:2.

Tanong 10: Ano na ngayon ang status mo: Ikaputian o Born Again Christian?

Sagot: Born Again Christian saved by grace! John 3:7; 1 Pet. 1:23; Eph. 2:8-10.

Tanong 11: Dahil under Grace ka may power pa ba ang sumpa ng kautusan sa iyo?

Sagot: Wala na, malibang magpailalim ka sa batas ni Moses (ikapu), Gal 3:13; 5:4.

Tanong 12: Dapat pa bang sumunod sa 10 utos at ikapu ang BAC?

Sagot: Hindi na sapagkat ang batas ni Kristo ang dapat sundin, Gal. 6:2. Ang Espiritu Santo ang dapat sundin. Rom. 7:6; Gal. 5:18. Nang mamatay si Kristo, pinawalang-bisa na ang Matandang Tipan (Eph. 2:15; Col. 2:14).

Tanong 13: Ang 10 utos Old Testament po ba?

Sagot: Oo, ministeryo ng kamatayan yan, 2 Cor. 3:6.

Tanong 14: Para kanino ang 10 utos? Ano naman ang para sa atin?

Sagot: Para sa mga Israelita lang, Psa. 147:19-20; Rom. 2:14. Ang para sa atin ay yung Espiritu Santo, 2 Cor. 3:6.

Tanong 15: Kapag UNDER GRACE na po ba tayo meaning wala na sa old testament o ilalim ng kautusan puwede na po bang makiapid ?magnakaw? Sumamba sa dios-diyosan? Bakit?

Sagot: Maliban sa ginampanan na ni Jesus ang kautusan (Mat. 5:17; John 19:30) , dapat mahigitan pa natin ang katuwiran ng mga Fariseo (Mat. 5:20) . Ang utos ni Kristo na higit sa katuwiran ng mga Fariseo ay laban sa poot (Mat. 5:21-26), laban sa pagnanasa (Mat. 5:27-20) at ibigin ng Dios ng buong puso (Mat. 27:37).

Tanong 16: Napalitan na ba ang Kautusan?

Sagot: OO, Heb. 7:12.

Tanong 17: Anong tawag sa mga nagpapailalim sa kautusan?

Sagot: Nahulog sa biyaya o napawalay kay Kristo (Gal 5:4).

Tanong 18: Bakit ang magpailalim sa kautusan nasa sumpa?

Sagot: “Cursed is everyone who does not continue to do everything written in the Book of the Law.” Gal. 3:10.

Tanong 19: Kapag ba nahulog sa biyaya, deretso na impyerno?

Sagot: Hindi naman. Pwede pa magrepent at maalis sa pagkakakulam sa kanila.
Gal. 3:1.

Tanong 20: Pwede bang ipera na lang yung iikapuin sa simbahan?

Sagot: Hindi bawal wagdagdag ng utos, Deut. 4:2.

Tanong 21: Meron bang nagiikapu na hindi naligtas?

Sagot: Meron yung mayaman sa Luke 18:9-14.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther