Ikapu Ng Fariseo

Main Text: Mat. 23:23

“Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites! For you tithe mint and dill and cumin, and have neglected the weightier matters of the law: justice and mercy and faithfulness. These you ought to have done, without neglecting the others. (Mat 23:23)

Tanong 1: Para daw po sa mga Cristiano ang utos na yan?

Sagot: Hindi. Ang kausap diya ay mga Fariseo, mga Judio sila hindi mga Cristiano, Mat. 23:23.

Tanong 2: Kung gayon hindi pala para sa simbahan ang utos na yan?

Sagot: Tama, hindi yan para sa simbahan. Sapagkat ang ang diwa ng ikapung pinaguusapan dito ay para sa Templo, Mat 23:17 . Ang ikapu ay pamana ng Dios sa mga Levita na naglilingkod sa Templo at sa Punong Saserdote mula sa angkan ni Aaron hindi sa kung sino-sino lang. (Num 18:20-32)

Tanong 3: Kung wala pong utos magikapu ang mga Cristiano bakit sabi Mat. 23:23 sabi “without neglecting the former”?

Sagot: Sapagkat sila ay mga Fariseo na nasa ilalim ng kautusan ng Dios na ibinigay sa pamamagitan ni Moses na magikapu, Num 18:20-32. Tawagin natin itong “Kautusan”. Ang Kautusan ay umiiral pa dahil nakataguyod pa ang Matandang Tipan, Heb. 9:16.

Tanong 4: Pera ba ang dapat nilang ikapu?

Sagot: Hindi. Ang sabi dyan ay “spices–mint, dill and cummin” batay sa Kautusan, Lev. 27:30-32

A. EVERYTHING FROM THE LAND: GRAINS OR FRUITS

“A tithe of everything FROM THE LAND, whether GRAIN from the soil OR FRUIT from the trees, belongs to the LORD ; it is holy to the LORD.” (Lev. 27:30)

*Excluded are fish, money, etc.

B. ENTIRE HERD PASSING FROM THE SHEPHERD’S ROD

“The entire tithe of the herd and flock-every tenth animal that passes under the shepherd’s rod-will be holy to the LORD.” (Lev. 27:32)

**.Excluded are money, unclean animals, pets

Tanong 5: Ang ikapu ba ay nagpapatunay ng katapatan (o faithfulness) sa Dios?

Sagot: Hindi. Sabi ni Lord mas importante ang faithfulness sa ikapu, “the more important matters of the law–justice, mercy and faithfulness.” (Mat. 23:23). Patunay ito na sa pamantayan ng Panginoon, maari kang magikapu pero hindi ka tapat sa Panginoon.

Tanong 6: Maliban sa Mat. 23:23, may iba pa bang halimbawa ng nagiikapu sa Biblia pero hindi tapat sa Panginoon?

Sagot: Meron. Sa Luke 18:9-14 ang nagiikapung Fatiseo ay umiwing hindi napapawalang sala, samantalang ang publicano ay napawalang-sala.

Tanong 7: Kung hindi pala pera, tama bang sabihin na ang ibigay na lang sa simbahan ay mula sa ani o sa kawan?

Sagot: Hindi pa rin. Sapagkat ang ang diwa ng ikapung pinaguusapan dito ay para sa Templo, Mat 23:17 . Ang ikapu ay pamana ng Dios sa mga Levita na naglilingkod sa Templo at sa Punong Saserdote mula sa angkan ni Aaron hindi sa kung sino-sino lang. (Num 18:20-32)

Tanong 8: Kung sila po ay pinagiikapu dapat pa rin palang magikapu ngayon?

Sagot: Hindi. Una sa lahat wala na ang Templo, gaya ng katuparang naihula ng Panginoon sa Mat 24:1-2, natupad ang pagkawasak ng Templo noong AD 70.

Pangalawa, hindi kailanman inutusan ang ibang bansa ng kautusan na para sa Israel, Psa. 147:19-20; Rom. 2:14.

Pangatlo, kahit pa noong may Templo pa, napawalang bisa na ang Kautusan nung mamatay ang Mesiyas, Eph. 2:15; Col. 2:14.

Tanong 9: Pero di ba sabi sa Mat. 5:17 naparito sya hindi upang sirain ang Kautusan?

Sagot: Tama. Hindi sya naparito upang sirain ngunit upang tuparin ito, sabi Mat 5:17 “but to fulfill” dahil naparito sya ay upang sundin ang kalooban ng Dios, Heb. 10:7; Psa. 40:8. Nagpailalim sya sa Kautusan upang tubusin ang mga nasa ilalim ng Kautusan, Gal. 4:5.

Tanong 10: Anong kaibahan ng mga Fariseo sa mga Cristiano?

Sagot: Ang mga Fariseo ay sekta ng mga Judio na masigasig sa kautusan ni Moses pero hindi nila kinikilala ang Mesiyas kaya sila ay kasama sa mga Judiong parang sangang napulo sa puno ng olibo, Rom 11:8; 11-21.

Tanong 11: HIndi ba Fariseo din si Pablo?

Sagot: Oo dating Fariseo. Ngunit tinuring na na iyong basura kumpara sa pagkakakilala niya kay Jesus, Php 3:2-10.

Tanong 12: Kung wala nang bisa ang Kautusan ibig bang sabihin hindi yun banal?

Sagot: Ang Kautusan at banal, matuwid at mabuti, Rom 7:12.

Tanong 13: Kung ang Kautusan ay banal, matuwid at mabuti bakit nawalan ng bisa?

Sagot: Dahil sa wala itong kahit isang napapawalang-sala, Rom. 3:20 (Si Jesus lang ang ganap na nakatupad nito at hindi nagkasala, Heb. 4:15.) At ang layunin ng Kautusan ay dalhin tayo kay Kristo, Gal. 3:24.

Tanong 14: Kung wala na palang Kautusan, maari na palang pumatay?

Sagot: Hindi. Sapagkat wala man tayo sa ilalim ng Kautusan nasa ilalim tayo ng biyaya kaya hindi dapat magpatuloy sa pag-gawa ng kasalanan, Rom. 6:14-15. Ang Kautusan ang nagsabi kung ano ang kasalanan, Rom. 7:7.

Tanong 15: Paano yun? Wala nang bisa ang Kautusan pero sa Kautusan mo malalaman kung ano ang kasalanan?

Sagot: Kasalanang para sa isang Judio ang malalaman mo sa Kautusan ngunit bilang Gentil sapat na malaman mo kung ano ang Kasalanan ayon sa aral ng mga apostol. Sabi sa Rom. 2:12 na ang nasa ilalim ng Kautusan ay hahatulan sa Kautusan ngunit ang wala sa Kautusan ay hahatulan sa labas ng Kautusan at hindi ipinagutos sa mga Hentil ang mga pag-aalay kasama ang pag-iikapu, Psa. 147:19-20; Rom. 2:14.

Tanong 16: Ano ang Kasalanan para sa mga Gentil ayon sa mga apostol?

Sagot: Yung mga pita ng laman gaya ng sinasabi sa Gal. 5:19-21. Hindi kasama sa pita ng laman ang mga pag-aalay dahil si Jesus lamang ang tanging kaisa-isang handog para sa lahat minsan magpakailanman. Rom. 6:10; Heb. 9:12; 10:2, 10; 1Pet. 3:18

Tanong 17: Kung wala na palang pinag-aalay, paano pa tayo sasamba?

Sagot: Ayon sa Rom. 12:1-2 hindi na karnal ang pagsamba kundi espiritual. Gayon din ang pangako sa John. 4:24, sa espiritu at katotohanan. Espiritual ang pagsamba ay ang pagaalay ng sarili o pamumuhay na may kabanalan at pagbabago ng kaisipan at hindi ang pakiki-ayon sa mundo.

Tanong 18: Kung walang pag-aalay paano matutustusan ang pangangailangan sa iglesia?

Sagot: Sa pamamagitan ng “biyaya” o “kaloob” ngunit hindi ito ipinaguutos, 2 Cor. 8:8 . Kundi bilang pag-aalala sa mga nangangailangan, Gal. 2:10 at tanda ng kagandahang loob, 2 Cor. 9:11.

Tanong 19: Anong kaibahan ng “kaloob” o “kagandangang loob” sa ikapu ng mga Fariseo?

Sagot: Ang kagandahang loob ay palihim, Mat 6:1-4. Ayon sa sariling pasya ng pusong masaya, 2 Cor. 9:7. Hindi indinidkta ng pamantayan ng Kautusan (o base sa kalkulasyon o anumang pamantayan ng Kautusan) at ito ay para sa pangangailangan hindi lang ng nasa Templo o naglilingkod sa iglesia kundi para sa pangangailangan ng buong sambahayan ng Dios, 2 Cor. 9:12.

Tanong 20: Kung gusto kong magbigay ng regular para sa pangangailangan ng buong sambahayan ng Dios maari ba kahit anong porsyento?

Sagot: Kapag inalay ang buhay bilang banal sa Dios, kahit ano, basta’t ayon sa sariling pasya ng pusong masaya, 2 Cor. 9:7.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther