Hidwang Pananampalataya: Felix Y. Manalo

Sa seryeng ito tinatalakay natin ang mga hidwang pananampalataya.Sabi sa 1 Cor. 11:9,

?Sapagka?t tunay na sa inyo?y mayroong mga hidwang apananampalataya, upang yaong mga napatunayan na ay mangahayag sa inyo.?

Ayon sa apostol, talagang magkakaroon ng hidwang pananampalataya. Hindi lang naman sa kaniya nagmula ang ganitong babala dahil maging ang Panginoong Jesus ay mag-utos pa nga sa kanila na huwag silang magpapadaya (Mat 24:4?5). Ganun din ang babalang ibinigay ni Pedro sa 2 Pet. 2:1. Kung mayroong mga bulaang propeta na nagsulputan sa Israel noon, ayon kay Pedro, ang mga mangangaral ng hidwang pananampalataya ay magmumula naman sa iglesia. Sila ay makikilala bilang mga Kristiyano ngunit taglay nila ay mga katuruang ikakapahamak ng mga madadaya. Dahil dito minumungkahi ko rin na basahin ninyo ang series na ?What?s a Cult??

10645200_817859694901952_4185842612178556184_n

Pangunawa ang hiling ko sa mga alagad ni Felix Y. Manalo. Sa larawang sa ibaba ay ipinakikilala kung ano ang mga titles niya: The Greatest Human Angel or Messenger of God; The Bird of Prey in Isaiah; the Fourth Angel in Revelation; The Third Elijah; and God’s Gift to Mankind.

Slide8

Kung may mali man sa mga naka-saad, sabihin lamang ninyo kung (1) ano-ano ang mali (2) kung bakit mali (3) at kung ano ang basihan o pamantayan ninyo kaya nyo nasabing mali.

A. REGARDING SALVATION

Sabi sa Eph. 2.8?9 sa biyaya naligtas ang mga hinirang sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa pamamagitan ng gawa. Ngunit sabi sa Eph. 2:10 sila ay nilikha para lumakad sa mabuting gawang ihinanda ng Dios. Para sa mananampalatayang Kristiyano pareho silang totoo, ngunit para sa Iglesia Ni Cristo,?ang ililigtas pa?lamang ni Cristo ay ang mga kasapi nila. Masasabi natin na kahanay sila ng mga B.A.N.A.S. na ang sabihin ay ?Believing Although Not Assured of Salvation.? Para sa kanila?kasi ang salvation ay nakabase sa pagsunod sa Pamamahala?(unity?to Church?Administration) pero?siyempre kailangang mabautismuhan ka muna sa tubig (Baptismal Regeneration) matapos mong dumaan sa kanilang indoktrinasyon?dahil sa ganitong paraan ka lamang maaring mapabilang sa kanilang samahan. Para sa kanila ang “ibang Iglesia na hindi Iglesia Ni Cristo ay tiyak na hindi maliligtas” (Pasugo September 1976, p.26). Naniniwala kasi sila na ang buong Iglesia ay tumalikod (apostatize) nung Unang Siglo at muling lamang itinaguyod noong 1914 (Pasugo Jul-Aug 1979, p.9) sa pagkakatatag sa INC sa pamamagitan ni?Felix Manalo (Pasugo Jan-Feb 1990, p.24). Kaya kanilang itinuturo na ang “pag-anib sa Iglesia Ni Cristo ay kailangan upang ang tao ay maligtas” (Pasugo May-Jun 1990, p.22).

B. REGARDING JESUS CHRIST

Sa kasulatan, si Cristo ay ipinakilala bilang ?Word of God? (John. 1:1) at bilang eternal na salita ng Dios, Siya ay may taglay na kalikasan ng Dios (John 10:30; Heb. 1:2?3). Ganun pa man, Siya ay nagpakumbaba: ipinanganak, kumain, lumaki, nasaktan, at namatay bago Siya ay itinaas ng Dios (Phil 2:5?11). Lahat ng katangian ng isang tunay na tao ay nasa Kaniya rin. Siya lamang ang tanging daan patungo sa Dios (John 14:6) at ang tanging Tagapamagitan sa Dios at sa tao (1 Tim. 2:5) ngunit para sa mga taga?Iglesia Ni Cristo, bagamat tinatawag na Dios si Cristo, hindi siya tunay na Dios kundi isang tao lamang. Makikita sa August 1939 issue ng kanilang Pasugo magazine ang katuruang ito.?Sa halip na ipaliwanag nila ang John 1:1, pinapalabo nila ito at tinatawag lamang umano si Cristo na isang panukala ayon sa Pasugo Sep-Oct 1989, p. 27. Masasabi?bang panukala?lamang ang ipinahayag sa John 1:1??Ang?isang panukala ay nasa isip lamang at hindi eksistido, ngunit ang sinasabi sa Kasulatan kung itutuloy natin ang pagbasa hanggang John 1:3, “Ang lahat ng mga bagay ay nilikha sa pamamagitan niya. Kung wala siya ay walang anumang nilikhang bagay na nalikha” (Ang Salita ng Dios).

tatawaging
C. INTERPRETATION OF THE SCRIPTURES

Walang karapatang magpaliwanag ng Bible ang ordinaryong miyembro ng Iglesia Ni Cristo, ang mga ministro o ang mga kinikilalang sugo lamang nila ang maaring magpaliwanag nito. Maliban sa pangangaral sa pulpito, mayroon silang publication sa Tagalog na pinamagatang “Pasugo” na maaring maituring na kasing halaga ng Bibliya sapagkat narito ang mga kapahayagan at paliwanag ng kanilang mga kinikilalang sugo. Collectively?tinatawag nila ang mga ito na “Pamamahala.? Sabi ng Pasugo June 1977, p. 21, “Si Kapatid na Felix Manalo at ang mga ministro sa Iglesia ni Cristo ay pinagkalooban ng Espiritu ng Diyos kaya nakakaalam ng hiwaga ng kaharian ng Diyos.” Ngunit ang?pamaamaraan gamit sa paginterpret ay tinatawag na “card stacking” or “cherry picking” sapagkat ?mamimili lamang silang mga extrabiblical na aklat, at mga mga talata at versions ng Bibles na aakma lamang?sa mga gusto nilang palabasin. Halimbawa kung gusto nilang palabasin na ang “malayong silangan” na tinutukoy sa prophecy ni Isaiah ay ang Pilipinas, ang gagamitin nila ay ang Moffat version ng Bible at ipapaliwanag nila ang meaning ng “far east” dito sa pamamagitan ng?”World History,” Vol. II by Boak Slosson and Anderson.

Makikita sa larawan sa ibaba ang heirarchy o ang pecking order sa loob ng?Iglesia Ni Cristo kung ikumpara sa iba pang religious organizations. Mula sa kaliwa: Jesus is Lord Church, Iglesia Ni Cristo, at Roman Catholic Church.

pyramid_scheme2

D. VIEWS ABOUT GOD

Para sa Iglesia Ni Cristo ang tunay na Dios ay tanging ang Ama lamang. Hindi nila kinikilala ang pagka-Dios ni Cristo bagamat aminado sila na tinatawag Siyang Dios sa Isaiah 9:6 at Hebrews 1:8 . Para sa kanila hindi rin katanggap-tanggap na kilalanin ang pagka-Dios ng Espiritu Santo. Para sa kanila ang Banal na Espiritu ay isang “impersonal force,” mas pinaniniwalaan pa nila na ang “ka-atin” at “ka-natin” ng Dios sa Genesis 3:22-24 sa paglikha ng tao ay ang mga anghel sa halip na ang 3-fold personality ng Trinity. Basahin dito ang maikling paliwanag tungkol sa Trinity, “Trinity: Tatlong Sino, IIsang Ano.”

E.?ANG HULING SUGO?

Isinalaysay ni Isabelo T. Crisostomo sa May-June issue ng?Pasugo noong 1986 ang maikling talambuhay ni Felix Y. Manalo.?Ma maituturing natin siyang isang paru-paro sa kaniyang?naging “Religious Odyssey.” ?Ipinanganak siyang Katoliko ngunit nang lisanin niya ito ay nagpadapo-dapo?siya sa iba’t-ibang religious movements tulad ng iglesiang?Aglipay, sektang “Colorum” ni “Hermano Pule”,?Methodist Episcopalian church, Presbyterian church, Christian Missionary alliance also known as the Disciples of Christ, at ang huli ay sa?Seventh-Day Adventist church. Ngunit simula pa lamang iyon ng kaniyang?”religious oddities” dahil kung babasahin natin ang salaysay ni G. Crisostomo tungkol sa “The ‘Calling’ of Manalo,” ang totoo niyan, nagkulong lamang si Felix sa kaniyang madilim na silid ngunit sa kaniyang?paglabas akala na niya anghel siya.sarili

 

Sa ngayon, napapaloob sa isang malaking kontrobersya ang Iglesia Ni Cristo dahil sa “corruption allegation” ng walang iba kundi ang?asawa ng yumaong Era?o “Erdy” G. Manalo na si Tenny?at ng anak nito?na si?Felix Nathaniel “Angel” V. Manalo na mas nakababatang?kapatid ng kasalukuyang Tagapamahala na si Eduardo V. Manalo. Bago pa nila ipagdiwang ang ika-101 taon ng pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo nitong 2015 ay pumutok ang balitang pagkakatiwalag ng mag-ina at ang balitang pagkakawala?ng ilang mga ministro na umano ay nasa bingit ng panganib dahil sa pagsisiwalat nila ng kurapsyon sa loob ng iglesia Ni Cristo. Mapapanood ito sa Youtube,


Narito ang iba pang detalyadong pag-uulat mula sa Rappler.com: Iglesia Ni Cristo’s Manalos says lives ‘in danger’; The Practices of Iglesia Ni Cristo; Brother of Iglesia head Hits INC ‘Corruption’; INC Leaders Use Planes Worth Billions of Pesos?; The Anatomy of Corruption (2-part series);?at How Potent is the INC’s Vote Delivery System?(3-part series).

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther