Hidwang Pananampalataya: Eliseo F. Soriano

Sa seryeng ito tatalakayin natin ang mga hidwang pananampalataya pero sisimulan natin kay Eliseo F. Soriano. Sabi sa 1 Cor. 11:9,

“Sapagka’t tunay na sa inyo’y mayroong mga hidwang apananampalataya, upang yaong mga napatunayan na ay mangahayag sa inyo.”

Ayon sa apostol, talagang magkakaroon ng hidwang pananampalataya. Hindi lang naman sa kaniya nagmula ang ganitong babala dahil maging ang Panginoong Jesus ay mag-utos pa nga sa kanila na huwag silang magpapadaya (Mat 24:4-5). Ganun din ang babalang ibinigay ni Pedro sa 2 Pet. 2:1. Kung mayroong mga bulaang propeta na nagsulputan sa Israel noon, ayon kay Pedro, ang mga mangangaral ng hidwang pananampalataya ay magmumula naman sa iglesia. Sila ay makikilala bilang mga Kristiyano ngunit taglay nila ay mga katuruang ikakapahamak ng mga madadaya. Dahil dito minumungkahi ko rin na basahin ninyo ang series na “What’s a Cult?”

Pangunawa ang hiling ko sa mga alagad ni Soriano. Sa larawang ito ay naka-buod ang hidwang pananampalataya ni Eliseo F. Soriano. Kung may mali man sa mga naka-saad, sabihin lamang ninyo kung (1) ano-ano ang mali (2) kung bakit mali (3) at kung ano ang basihan o pamantayan ninyo kaya nyo nasabing mali.

10704033_1524511541126337_2588668707504558554_n

A. REGARDING SALVATION

Sabi sa Eph. 2.8-9 sa biyaya naligtas ang mga hinirang sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa pamamagitan ng gawa. Ngunit sabi sa Eph. 2:10 sila ay nilikha para lumakad sa mabuting gawang ihinanda ng Dios. Para sa mananampalatayang Kristiyano pareho silang totoo, ngunit para kay Soriano, dalawa ginagamit niyang dahilan: una, ang pagpapalabo ng extent ng pagkakaligtas ang isa naman ay kung ano ang kahulugan ng gawa. Dahil dito ang pananampalataya ni Soriano ay BANAS na ang sabihin ay “Believing Although Not?Assured of Salvation.” Para sa kaniya kasi ang salvation ay nakabase sa gawa (works-based) at kailangan siempre mabautismuhan ka sa tubig (water-based). Alamin dito: What is Salvation? at yung Baptismal Regeneration.

B. REGARDING JESUS CHRIST

Sa kasulatan, si Kristo ay ipinakilala bilang “Word of God” (John. 1:1) at bilang eternal na salita ng Dios siya ay may taglay na kalikasan ng Dios (John 10:30; Heb. 1:2-3). Ganun pa man, Siya ay nagpakumbaba: ipinanganak, kumain, lumaki, nasaktan, at namatay bago Siya ay itinaas ng Dios (Phil 2:5-11). Lahat ng katangiang ng isang tunay na tao ay nasa Kaniya rin. Pero para kay Soriano, hindi Siya tunay na tao. Kung sa Iglesia ni Cristo, si Jesus ay tinatawag na Dios pero hindi tunay na Dios, para naman kay Soriano, si Kristo ay tinatawag na tao (John 8:40) pero hindi tunay na tao.

C. INTERPRETATION OF THE SCRIPTURES

Dahil si Soriano ay kinikilala nilang “Sugong Pantas” at katuparan umano ng ihinula sa Daniel 12:3, siya ang otoridad ng  “Members International Church of God, Inc.” (MCGI) sa pag-interpret ng banal na kasulatan. Kaya ang paniniwala nilang lahat ay naka-align sa mga paliwanag ni Soriano.

10422437_1524509574459867_6385289960926261039_n

Ayaw ni Soriano ng “hermeneutics,” katunayan binabatikos pa nga niya iyon. Meron siyang sarilng style ng pag-interpret na ang tawag niya ay “reading between the lines”. Sa madaling salita, subjective ang interpretation niya sa BIble. Ayaw niya ng hermeneutics kasi mayroon siyang sariling “hermenewtwist” o iyong tinatawag na Unorthodox Hermeneutical Principles.

D. VIEWS ABOUT GOD

Dahil sa kaniyang sariling “hermenewtwist” naging mababa ang tingin nila sa Dios. Anila ay mayroon daw puwet ang Dios. Ito ay resulta ng ng tinatawag na “hyper-literalism” o “letterism.” Yung sobrang literal ng pagbasa sa kasulatan na ikinawawalang kabuluhan ng mga “figurative languages” o “figures of speech”. Dahil dito, naniniwala sila na maraming mga dios. Ito ay dahil na rin sa literal nilang pagbasa ng dapat sana ay “sarcasm” (another form of figure of speech) na mababasa sa Psalm 82. Maraming mga dios para kay Soriano, may puwet pa ang Dios ng Israel para sa kaniya. Maliban pa sa mga nabanggit, para kay Soriano ay may mga hindi kayang gawin maging ang tunay na Dios.

E. MONETARY CONTRIBUTIONS.

Tungkol naman sa pagbibigay o abuluyan sa iglesia, si Eliseo F. Soriano ang numero unong kritiko laban sa katuruan sa ikapu (basahin nyo rin ang seryeng Sumpa ng Ikapu). Pero mula sa kanilang samahan napakarami namang abuluyan, tulad ng mga sumusunod:

  1. Abuluyan sa pagsamba
  2. Abuluyan sa pasalamat
  3. Hain sa pasalamat ng buong kapatiran
  4. Hain sa pasalamat: Midyear
  5. Hain sa pasalamat: ng mga dibisyon
  6. Hain sa pasalamat: ng distrito
  7. Hain sa pasalamat: ng lokal
  8. Gugol sa pasalamat ng buong kapatiran
  9. Gugol sa pasalamat: midyear
  10. Gugol sa pasalamat: division
  11. Gugol sa pasalamat: district
  12. Gugol sa pasalamat: local
  13. Maintenance sa coordinating center, kalakip ang utility bills
  14. Tulungan/Abuluyan sa pag indoktrinasyon pang masa
  15. Tulungan/Abuluyan sa bautismo

Ang mga nabanggit sa itaas ay ang ilan lamang sa mga hidwang pananampalataya na kaniyang ipinapangaral. Dahil sa dito, pinapayuhan ko ang mga kapatid na maging maingat sa pakikinig o panonood ng kaniyang mga programa o ang pagtangkilik sa kaniyang mga pangaral. Tulad ng isang masarap na pagkain na may lason, masarap man ang iyong kinakain, sasakit pa rin ang tiyan mo na maaring ikauwi sa kamatayan kahit pa sabihin na nating kakarampot lang ang lason na inilagay dito.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther