Sa seryeng ito tinatalakay natin ang mga hidwang pananampalataya. Sabi sa 1 Cor. 11:9,
“Sapagka’t tunay na sa inyo’ y mayroong mga hidwang apananampalataya, upang yaong mga napatunayan na ay mangahayag sa inyo.”
Ayon sa apostol, talagang magkakaroon ng hidwang pananampalataya. Hindi lang naman sa kaniya nagmula ang ganitong babala dahil maging ang Panginoong Jesus ay mag-utos pa nga sa kanila na huwag silang magpapadaya (Mat 24:4-5). Ganun din ang babalang ibinigay ni Pedro sa 2 Pet. 2:1. Kung mayroong mga bulaang propeta na nagsulputan sa Israel noon, ayon kay Pedro, ang mga mangangaral ng hidwang pananampalataya ay magmumula naman sa iglesia. Sila ay makikilala bilang mga Kristiyano ngunit taglay nila ay mga katuruang ikakapahamak ng mga madadaya. Dahil dito minumungkahi ko rin na basahin ninyo ang series na What’s a Cult?
Pangunawa ang hiling ko sa mga alagad ni Pope Francis. Sa larawang sa ibaba ay ipinakikilala kung ano ang mga titles niya: Holy Father; Archbishop of Rome; Peter’s Successor; Vicar of Christ on earth; Chief Pastor of the Whole Church at Pontifex Maximus.
Kung may mali man sa mga naka-saad, sabihin lamang ninyo kung (1) ano-ano ang mali (2) kung bakit mali (3) at kung ano ang basihan o pamantayan ninyo kaya nyo nasabing mali.
Sabi sa Eph. 2.8-9 sa biyaya naligtas ang mga hinirang sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa pamamagitan ng gawa. Ngunit sabi sa Eph. 2:10 sila ay nilikha para lumakad sa mabuting gawang ihinanda ng Dios. Para sa mananampalatayang Kristiyano pareho silang totoo, ngunit para sa Katolisismo ang tao ay iniligtas ni Cristo ngunit makakamit ang kaligtasang iyon mula pagsampalataya sa Dios at pag-ganap ng mga mabubuting gawang itinakda sa Iglesia. Isa rin siyang BANAS na ang sabihin ay Believing Although Not?Assured of Salvation.? Para sa kaniya kasi ang salvation ay nakabase sa gawa (works-based) at kailangan siempre mabautismuhan ka sa tubig (water-based). Alamin dito: What is Salvation? at yung Baptismal Regeneration.
Makikita sa larawan ang buod ng proseso kung paano maligtas sa Katolisismo. Kapansin-pansin ang malaking papel na ginagampanan ng isang tao para siya ay maligtas.
Sa kasulatan, si Cristo ay ipinakilala bilang “Word of God” (John. 1:1) at bilang eternal na salita ng Dios siya ay may taglay na kalikasan ng Dios (John 10:30; Heb. 1:2-3). Ganun pa man, Siya ay nagpakumbaba: ipinanganak, kumain, lumaki, nasaktan, at namatay bago Siya ay itinaas ng Dios (Phil 2:5-11). Lahat ng katangiang ng isang tunay na tao ay nasa Kaniya rin. Siya lamang ang tanging daan patungo sa Dios (John 14:6) at ang tanging Tagapamagitan sa Dios at sa tao (1 Tim. 2:5) ngunit para kay Pope Francis at sa lahat ng mga Katoliko, ang nanay ni Cristo ay tagapamagitan din (Mediatrix), at nananalangin din sila sa mga santo.
Dahil si Pope Francis ang kinikilala nilang “Vicar of Christ on earth” ang pumalit umano kay Pedro bilang “Chief Shepherd of the Whole Church,” ang salita niya ay kinikilala nilang “Infallible Ex Cathedra” o kapag siya ay nasa nagpapahayag mula sa opisyal na katungkulan bilang Papa ang salita niya ay kinikilala bilang “Salita ng Dios.” Ganun pa man sa pag-interpret ng banal na kasulatan, meron silang tinaguriang “Megisterium” o Council ng mga Bishops kasama ang Papa. Katulad ito ng “Pamamahala” sa Iglesia Ni Cristo na sila lamang ang kinikilala bilang tagapag-interpret ng Banal na Kasulatan o kaya ng “Supreme Court” na sila lamang ang tagapag-interpret ng Constitution. Gumagamit din sila ng “hermenewtwist” para patunayan ang kanilang mga hidwang mga katuruan. Ang kanilang approach ay “top-down” kung saan ina-assume nilang tama ang mga katuruan at mula sa tradisyon ay ini-interpret nila ang mga pahayag nito para mag-mukhang umaayon sa kanilang mga pinaniniwalaan, isa itong sa tinatawag na Unorthodox Hermeneutical Principles.
Hindi naman nila napababa sa pamamagitan ng sariling “hermenewtwist” ang attributes ng Dios. Ganun pa man, kumuha ng atensyon ang mga santo sa pangunguna ni Maria sa mga debotong Katoliko. Pinaniniwalaan kasi nila na sa halip na sa Dios lamang magdasal, maari silang lumuhod sa mga rebulto ng santo na kung tawagin nila ay “imahe” upang humingi ng mga pabor at panalangin. Isa sa mga itinataas nilang santo ay si Maria na ina ni Cristo na kinikilala nilang “Mother of God.” Para rin sa kaniya ang inimbentong “rosaryo” na dinadasal ng mga Katoliko ng paulit-ulit. Marami silang katuruang dinadagdag sa Biblia patungkol kay Maria tulad ng “Immaculate Conception”, “Ascension of Mary”, “Mary as Mediatrix” at marami pang iba. Ito ay resulta ng paniniwalang ang kanilang tradisyon ay kapantay ng banal na kasulatan. Sa kanilang kaisipan hindi maaaring sumalungat ang banal na kasulatan sa sagrado nilang tradisyon kaya ang interpretasyon sa kasulatan ay laging umaayon sa tradisyon.
Si Pope Francis, na ang tunay na pangalan ay “Jorge Mario Bergoglio”, ay ihinalalal bilang Pope noong 2013 na ngayon ay kinikilala bilang isang “The Great Reformer” ng Iglesia Katolika dahil marami umanong siyang innovations o mga pagbabago sa simbahan. Una na rito ay pagiging pro-poor na isinasalamin ng kanyang payak na pamumuhay. Ang pangalawa ay ang pag-evangelize umano na ang tunay na layunin ay mai-convert ang mga tao upang sila ay maging Katoliko.
Ganun pa man wala ni isa man dito ang repormang tumatalakay sa mga hidwang katuruan na natipon o nagpatong-patong na sa loob ng mahigit isang libong taong. Kung wala ang repormang ito, ang turing sa kaniya bilang isang “Great Reformer” ay isa lamang propaganda.
Nagsimula ang tunay na Reporma noong ika-16 na Siglo sa pangunguna ni Luther laban sa “Ibang-helyo” (pseudo gospel, Gal 1:8). Ito ay nauwi sa pagkakahati ng simbahan tulad ng pagkakahati ng Dios sa liwanag at dilim sa Gen. 1:4.
Ang mga nabanggit sa itaas ay ang ilan lamang sa mga hidwang pananampalataya na inirerepresenta ni Pope Francis. Dahil sa dito, pinapayuhan ko ang mga kapatid na patuloy ipanalangin ang mga debotong Katoliko at patuloy silang pangaralan ng tunay na Ebanghelio sa pag-asang nawa sila rin ay makakilala sa tunay na Cristo sa pamamagitan ng tunay na biyaya ng Dios.
Recent Comments