Fruit That Will Last

fruitPART FIVE:

Isa sa bunga ng pagliligtas ay ang MAPABILANG KAY CHRIST at MAITATAK SA KANIYA ang HOLY SPIRIT sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Gospel. Sabi sa Eph 1:13, “And you also were INCLUDED IN CHRIST when you heard the word of truth, the gospel of your salvation. HAVING BELIEVED, YOU WERE MARKED IN HIM WITH A SEAL, THE PROMISED HOLY SPIRIT, who is a deposit guaranteeing our inheritance until the redemption of those who are GOD’S POSSESSION to the praise of His glory.”

Ang pagkakatatak na yun ay itinulad sa isang selyo ng pag-aari na hindi puwedeng sirain o angkinin ninuman.Itinulad din ang Espiritu Santo sa isang initial na deposit na nagbibigay garantiya sa isang pamanang matatanggap sa takdang panahon. Ang nangako ng pamanang yan ay ang Dios. Alam natin na ang Dios ay hindi nagsisinungaling. Ang ipinangako Niya ay matutupad, ang guarantee ng Dios ay tiyak na maaasahan.

Ang salitang REDEMPTION naman ay ginamit dito upang patungkulan ang kaganapan ng pagliligtas sa ating pangangatawan o body (ang katawang-lupa natin). Yan ay magaganap sa panahong papalitan ng Dios ang mahinang pangangatawan dahil sa “sinful nature” nito. Tinawag sa ibang kasulatan na redemption of our bodies na mababasa sa Rom. 8:23, “Not only so, but we ourselves, who have the firstfruits of the Spirit, groan inwardly as we wait eagerly for our adoption as sons, THE REDEMPTION OF OUR BODIES.”

Isa sa epekto ng kasalanan ay ang panghihina ng ating pangangatawan ngunit papalitan lamang ito sa pagbabalik ni Christ (1 Thes. 4:13-18; 1 Cor 15:51-52). Kaya sa ngayon ay namumuhay pa rin tayo sa katawang-lupang mahina ngunit tinatahanan ng Banal na Espiritu. Ganun pa man, sinasabing hindi maaring mamunga ng masama ang mabuting puno (Mat. 7:17; Luke 6:43). Ang mabuting puno ay mamumunga lang ng mabuting bunga. Ang masamang puno ay mamumunga ng masamang bunga.

Sinabi rin sa Eph. 1:13, “those who are God’s possession” at sa 2 Tim. 2:19, “the Lord knows those who are his” (2 Tim. 2:19). Ibig sabihin, Dios ang tunay na nakaka-batid kung sino ang pag-aari Niya. Kaya’t makikilala natin kahit papaano kung ano ang tunay na pagkatao ng mga nagpapakilalang Christian sa pamamagitan ng kanilang bunga. Silang wala pang bagong pagka-tao at hindi pa pinananahanan ng Espiritu Santo ay masasabing nakatikim pa lamang (Heb 6:4-5) na kung tatalikod ay imposible nang maibalik. Sila yung kung ang tawagin sa James 2:19 ay mga taong may pananampalatayang nasa “demon level” lamang.

Sabi ni Lord, “By their fruit you will recognize them” (Mat. 7:20). Makikilala mo kung anong nakatagong kulo sa pamamagitan ng kanilang ipinamumunga, sa salita man o sa gawa (Lk. 6:43-45). Ibinigay sa Gal. 5:19-21 ang ilan sa mga palatandaan o mga gawa ng laman. Ibinigay naman sa Gal. 5:17-18 ang bunga ng Espiritu. Bagamat namumuhay pa sa katawang-lupa na mga tinatakan ng Espiritu Santo, sila ay inaasahang na lumakad ayon sa Espiritu hindi sa kanilang laman (Gal. 5:16). Inaasahang hindi sila makiki-ayon sa kanilang sinful nature (Gal. 5:17). Kaya nga sinasabi natin na ang tunay na pag-aari ng Dios o ang tunay na niligtas sa kasalanan at epekto ng kasalanan na binigyan na ng bagong pagkatao ay mamumunga at mananatili ang kanilang bunga tulad ng sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “You did not choose me, but I chose you and appointed you to go and bear fruit FRUIT THAT WILL LAST” (John 15:16).

Ang iba pang tawag sa OSAS?

Ang ibang mga katawagan sa OSAS ay “perseverance of the saints” at “eternal security.” Walang hidwang pananampalataya ang naniniwala sa katiyakan sa kaligtasan maliban sa POSAS. Karamihan ng nasa hidwang pananampalatayang Christian at non-Christian ay naniniwala sa OSNAS.

Ito ay bahagi ng tinatawag na UNBREAKABLE CHAIN OF SALVATION na tanging sa Dios lamang nagmumula. Ang unbreakable chain of salvation ay nagsimula pa sa walang hanggan: sa kalooban ng Dios! Ito ay bago pa lalangin ang sanlibutan, kaya nakatitiyak tayo na ang gustong iligtas ng Dios ay talagang maliligtas at walang mapapahamak kahit isa sa kanila.

Maging sa paghirang ni Lord sa mga alagad Niya, kaniyang sinabi habang nananalangin sa Ama, “While I was with them, I protected them and kept them safe by the name you gave me. None has been lost except the one doomed to destruction so that the Scripture would be fulfilled.” Alam nating itinatwa ni Peter si Jesus ng tatlong ulit at ipinagkanulo lamang ni Judas si Jesus ng isang beses, ngunit ito ay nauwi sa pagpapakamatay samantalang nai-restore sa ministerio si Pedro. Pareho man silang pinili sa ministerio, si Pedro kasama ng sampu pang mga alagad ang ipinagkaloob ng Ama kay Jesus kaya sila ay tunay na iningatan ni Jesus. Kaya kahit pa itinatwa ni Pedro si Jesus ng tatlong ulit naipanumbalik siya ni Jesus sa ministeryo at nangunang mangaral sa mga Judio.

Sinabi sa Rom. 8:28 na ginagawa ng Dios ang lahat para sa mga umiibig sa Dios, silang mga tinawag ng Dios. Sabi pa sa Rom. 8:29 na itong mga tinawag ng Dios ay bago pa lalangin ang sanlibutan ay kinilala na Niya at itinalaga upang maging kawangis ni Christ upang si Christ ang maging panganay sa kanila. Kaya mahalagang alam natin ang OSAS na ang iniligtas ay hinirang na maging kawangis ni Christ. Sapagkat ang mali ng POSAS ay ang pagsasabing ligtas pa rin kahit sila ay asal Diablo. Sa unbreakable chain of salvation magiging kawangis ni Christ ang ang mga niligtas ng Dios. Sa unbreakable chain na yan kasama ang paghirang, pagtawag, ang justification at glorification. Pagkasama ka sa isang bahagi ng unbreakable chain kasama ka hanggang wakas. Kaya ang conclusion ng sumulat ng Rom. 8 ay walang makapaghihiwalay sa mga hinirang ng Dios sa pag-ibig ng Dios (Rom. 8:37-39). Yan ang itinakda o utos ng hari. At ang utos ng tunay na hari ng mga hari ay kailanman hindi mababali.

Hindi robot kundi alipin

Isa sa mga alegasyon ng OSNAS ay ginagawa raw “robot” ang tao sa OSAS. Kesyo raw nilalabag ng Dios ang freewill ng tao dahil wala nang kakayanan ang tao na mamili kung gusto ng tao na mapahamak. Marahil sa POSAS pdeng mangyari ito, ngunit sa OSAS ay hindi. dahil sa OSAS hindi ginagawang robot ng Dios ang tao kundi binibigyan ng Dios ang tao ng bagong pagkatao atsaka ginagabayan sila ng Dios.

Ipinahayag ng Dios sa pamamagitan ni Ezekiel sa 11:19, “I will give them an undivided heart and put a new spirit in them; I will remove from them their heart of stone and give them a heart of flesh.” Spiritual heart transplant ang ginagawa rito sapagkat ang puso ng tao ay likas na masama at sinungaling ay walang medical transplant makakapagpabago nito (Jer. 17:9). Dahil sa kasamaang ito kahit ang sariling sikap o gawang mabuti ng tao ay isang maruming basahan sa Dios (Isa. 64:6) kaya minabuti ng Dios na palitan ito ng bago.

Sabi pa sa Jer. 36:27, “I will put my Spirit in you and move you to follow my decrees ad be careful to keep my laws.” Hindi lang bagong pagkatao kundi ang Spirit ng Dios ay ipinagkaloob sa kanila. Kung pagiging robot ang pakahulugan nila sa sinabi sa 27 na “move you to follow my decrees and be careful to keep my laws” kasalanan na nila yun sapagkat ang salitang “move” (o “cause” sa ibang salin) ay si Ezekiel ang sumulat at sila lang ang nagbigay ng maling pakahulugan.

Para sa OSAS ang salitang yan ay nagpapakahulugan ng pag-gabay at pagpapastol. Iniingatan ng Panginoon ang kaniyang tupa, ginagamit niya ang pamalo kung dapat disiplinahin ang kaniyang mga tupa o mga anak Niya. Sabi sa Heb. 12:7, “Endure hardship as discipline; God is treating you as sons. For what son is not discipline by his father.” Bagamat disiplinang tinutukoy dito ay pagsasanay sa pamamagitan ng mga pagsubok sabi sa v.11, “No discipline seems pleasant at the time, but painful. Later on, however, it produces a harvest of righteousness and peace from those who have been trained by it.” Deliberate na ginagawa ito ng Dios para sa ikatututo natin.

Sabi pa Rev. 3:19 sinabi ng Panginoon, “those whom I love I rebuke and discipline. So be earnest and repent.” Siya ang gumagabay at nagiingat sa mga inibig Niya bago pa lalangin ang sanlibutan. Maging sa pagsubok tinitiyak ng Dios na hindi Niya ibibigay ang hindi natin makakayanan pero kung magigipit man tayo, Siya pa rin ang naglaan ng paraan para matakasan natin ito (1 Cor. 10:13). At kung matitisod man tayo sa pagkakasala meron pang isang pangako, “But if anybody does sin, we have one who speaks to the Father in our defense, Jesus Christ, the Righteous One.” (1Jn 2:1) di tulad ng aral sa OSNAS, pag nagkasala ka ng mortal sin wala na kaagad ang kaligtasan.

Dahil nga sa bagong pagka-taong yan (new spirit, indwelling presence of the Spirit, new disposition in life, etc.), naglalaban sa ating kalooban ang pita ng laman na kontra sa Espiritu (Gal. 5:17). Ito ay dahil na sa kagustuhan nating bigyan ng kaluwalhatian ang Dios pero ipinangako na ang tagumpay sapagkat sabi sa 1Jn 4:4, “You dear children, are from God and have overcome them, because the one who is in you is greater than the one who is in the world.”

Hindi totoo ang kanilang alegasyon na nagiging robot sa OSAS ang tao. Katunayan pa nga, pagkaka-alipin sa katuwiran ang terminong ginamit sa Rom. 6:17, “thanks be to God that, though you used to be slaves to sin, you WHOLEHEARTEDLY OBEYED the form of teaching to which you were entrusted. You have been SET FREE from sin and have BECOME SLAVES TO RIGHTEOUSNESS.” Pinalaya na tayo, ngunit alipin na tayo sa katuwiran na malaya nating sinusunod ng buong puso. Naging buong puso na ang ating pagsunod (hindi napipilitan lamang) sanhi ng ating bagong pagkatao at walang sawang pag-gabay ng Dios at pananalangin ni Jesus para sa atin. Hindi yan kailan man mabibili o matatawaran ninuman.

Index: Part 1Part 2Part 3Part 4Part 5Part 6Part 7

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther