Free Will

PART SIX:

May “free will” ba tayo o wala? Kung ang definition mo ng free will ay freedom of choice, oo, malaya ka namang nakakapamili at nakakagawa ng mga bagay na gusto mo. Yan ang free will na alam ko na mayroon tayo. Yun nga lang limitado sa

(1) Mga available choices, at sa

(2) Sa taglay mong kakayahan (ability).

Sa napag-aralan natin sa Romans 6, spiritually, maaring maging malaya ang tao either sa kasalanan o sa katuwiran.

10822288_875020082532460_244647884_n

This is continued from Part 5: Slaves to Sin.

Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6

Our will is so in-tuned, engrossed, inclined and predisposed to sin. Natural na lamang sa atin ito. At dahil hindi naman tayo napipilitan lamang na magpakasama, tayo ay mananagot sa Dios. Lahat naman kasi ng ginagawa natin, masama man o mabuti, ay ginugusto nating gawin.

Naka-set na ang kaisipan natin ayon sa ating pagkatao, sa pagiging wangis ni Adan, ang pagiging makalupa o “earthly gaya ng sinabi sa 1 Cor. 15:49. Dahil sa kalagayang ito, ang buong kaisipan ng tao ay kumakalaban lagi sa Dios. Hindi siya nagpapasakop sa kautusan ng Dios. Sabi sa Rom. 8:7,

“the sinful mind is hostile to God. It does not submit to God’s law, nor can it do so.”

Malaya siya sa katuwiran, ngunit alipin naman siya ng kasamaan. Sabi pa sa 1 Cor. 2:14,

“The man without the Spirit does not accept the things that come from the Spirit of God, for they are foolishness to him, and he cannot understand them, because they are spiritually discerned.”

Ibig sabihin bagaman nilikha tayo ng Dios sa kaniyang wangis, dahil sa kasalanan, kawangis na rin tayo ni Adan at naging alipin tayo ng ng kasalanan. Maging ang isipan natin naka-set na sa sarili nitong gusto. Likas sa tao ang pagiging makasarili. Normal na lang na isipin niyang kahangalan lang ang mga kautusan ng Dios. Ayon sa Kasulatan, ang isipang makasalanan ay hindi kalianman magpapasakop sa Dios.

Yan ang ang sitwasyon o kalagayan ng taong totally depraved hanggang hindi napapalitan ang kanilang pagkatao, hanggang hindi pa siya ipinapanganak muli ng Espiritu ng Dios.

(Basahin dito ang susunod na series: Born Again)

Nauunawaan ito ni Pablo, kaya itinanong niya sa Rom. 7:24 kung sino ang magliligtas sa atin sa ganito kasamang kalagayan? Ibinigay niya ang sagot nasa Rom. 7:25,

“Thanks be to God–through Jesus Christ our Lord! So then, I myself in my mind am a slave to God’s law, but in the sinful nature a slave to the law of sin.”

Dahil ang mga Kristiyano, bagaman nagmula sa totally depraved na kalagayan, siya ay nabiyayaan na ng Dios ng bagong pagkatao. Siya ay nasa kalagayang kung tawagin ay “simul justus et peccator.” Inaring-matuwid ng Dios dahil sa ginawang pagpapakasakit, kamatayan at muling-pagkabuhay ni Kristo, pero nagtataglay pa rin ng katauhang maka-laman. Kaya ang tawag ni Luther ay “at the same time just and sinner.”

Mananatili tayo sa spiritual struggle against sin hanggang maging lubos ang pagkakatubos sa ating makalupang pangangatawan. Sa pagbabalik ni Kristo ito ay mapapalitan ng rin ng bago (Rom 8:23).

Basahin ang susunod na serye: Born Again.

Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6

 

Tags :

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther