Faith Works

faithworksPART FOUR:

Ano ang papel ng mabuting gawa sa kaligtasan?

Ano nga ba? May papel ba ang mabuting gawa para sa ating kaligtasan (kaligtasan sa kasalanan at epekto nito, see Part 1? Ayon sa mga pahayag ng kasulatan ay wala itong papel KUNG KALIGTASAN SA KASALANAN AT EPEKTO NG KASALANAN ang pag-uusapan. Mababasa yan sa Ephesians 2:8-9:

“For it is by grace you have been, through your faith and this is not from yourselves, it is the gift of God not by works, so that no one can boast.”

Ganun din sa at Romans 4:3-5:

“What does the scripture say? Abraham believed God, and it was credited to him as righteousness. Now when a man works, his wages are not credited to him as a gift, but as an obligation. However, to the man who does not work but trusts God who justifies the wicked, his faith is credited as righteousness.”

Sa Mat. 19:16-19:30 ay may isang mayamang lalaki na lumapit kay Jesus at nagtanong kung papaano siya magkakaroon ng eternal life. Sinabi ni Lord na sundin niya ang lahat ng sinasabi sa Kautusan, bagay na ginawa na raw nung lalaki mula pa sa pagkabata, kaya sinabi sa kaniya ni Lord, ibenta ang properties niya at ipamigay sa mahihirap. Ngunit umalis na malungkot ang lalaki.

Nagtaka ang mga alagad ni Lord kung ang mayaman na pinagpala ng Dios na sinusunod ang kautusan mula pa pagkabata ay malapit na sana magka-eternal life ay hindi pa rin ito nakamtan,sino pa kaya ang maliligtas?

Dito sinabi ni Lord yung famous na katagang “With man this is impossible, but with God all things are possible.”

Dios ang gumawa ng paraan. Hindi maliligtas ang tao sa mabuting gawa. Walang makakaabot sa kaluwahatian ng Dios maliban na lang na gawan ito ng Dios ng solusyon na alam nating ginawa nya sa pamamagitan ng pagpapakasakit at pagkakapako ni Jesus sa cross. Siya ay muling nabuhay at ipinangaral sa lahat ang Ebanghelyong ito.

Ibig bang sabihin kapag ligtas na pde nang wag gumawa ng mabuti o pde nang gawin ang kahit ano kahit mga kasamaan?

Ang gagawa lamang nyan ay ang mga hindi pa binago ang pagkatao. Yung mga naligtas lang sa maling akala. Dahil ipinangaral sa Romans 6. Ang mga may bagong pagkatao ay patay na sa kasalanan at buhay na sa katuwiran.

Kung itutuloy natin ang pagbasa sa Ephesians 2:8-9 (nilakihan ko ang mga titik)

“For it is by grace you have been, through your faith and this is not from yourselves, it is the gift of God not by works, so that no one can boast. FOR WE ARE GOD’s WORKMANSHIP CREATED IN CHRIST JESUS TO DO GOOD WORKS, WHICH GOD PREPARED IN ADVANCE FOR US TO DO.”

Ito raw na mga niligtas sa biyaya (sa pamamagitan ng faith or saving faith not works) ay nilikha ng Dios kay Christ Jesus upang gumawa ng mabuti.

Sa madaling salita, kaya iniligtas ng Dios ang mga taong ito ay para lakaran nila ang daang matuwid. At tunay nga na lalakaran nila yun dahil sa bago nilang pagkatao.

Subukan mong palakarin dyan ang mga karnal o nasa dati pang pagkatao tulad ng sinabi ni Pedro na tinulad sila sa baboy na babalik lang sa dating sabsaban at mga aso na kakanin mula ang mga sinuka nila.

“Faith without works is dead”

Walang kinalaman sa kaligtasan natin ang mabuting gawa, sapagkat ang tanging may mabuting ginawa para sa kaligtasan natin ay si Jesus. Ganun pa man kaya tayo iniligtas ay upang lumakad tayo ng matuwid, at yan ay siyang bagay na gagawin ng mga niligtas dahil binigyan na sila ng bagong pagkatao.

Yan din ang himutok ni James sa kaniyang epistle bakit may mga kapatid sa simbahan na mababa ang tingin sa mahihirap o bakit sila may favoritism: pag may kapatid na mahirap na sumama sa kanilang pagpupulong eh kung saan-saan lang nila pinapupwesto pero kapag mayaman na ay tinatrato nila ng kakaiba. Sa madaling salita, nagtatangi sila at hindi tunay na umiibig, bagay na iniutos ni Lord.

Kinastigo nya sila na walang silbi ang pananampalatayang ganun: yung pananampalatayang walang lakip na gawa. Ito yung tinutukoy kong “natural faith.” Tulad ito sa isang seed na bugok, ang natural faith ay hindi makakalakad ng may katapatan sa daang inilaan ng Dios. Tulad ng hindi matabang lupa hindi sila lalago at mamumunga. Ang saving faith ay tulad ng isang seed na buhay, tulad din ng matabang lupa na lalago ang itinanim dito at mamumunga.

Tinanong ni James (sa 2:14), “What good is it, my brothers, if a man claims to have faith but has no deeds? Can such faith save him?” Gaya ng sabi ko ang kategorya ng ganyang klaseng pananampalataya ay “natural faith,” hindi yan kakapagliligtas (saving faith) wala yang kalakip na mabuting gawa, hindi rin yan mananatiling tapat hanggang wakas dahil hindi yan panampalataya ng isang binigyan ng bagong pagkatao (regenerated).

Sabi pa ni James (sa 2:18), “Show me your faith without deeds, and I will show you my faith by what I do.” Dahil ang saving faith na meron si James ay nakikita sa kaniyang mga ginagawa. Namumunga na ito. Pero yung pananampalataya nila halatang patay.

Sabi pa nya sa James 2:19 na kahit mga demonyo ay naniniwala sa iisang Dios nangangatal pa.

Ginamit pa nga nyang halimbawa si Abraham na alam nating inaring-ganap na sa Gen 15:6 pa lamang dahil sa kaniyang pananampalataya (saving faith). Later on, sa Gen. 22, inalay ni Abraham ang kaniyang sariling anak na si Isaac kaya naman sinabi ni James na siya ay napatunayang matuwid sa pamamagitan ng gawa.

Kaya sa conclusion ni James sinabi nya sa 2:23 yung kasulatan sa Gen. 15:6 kung saan inaring matuwid si Abraham sa pamamagitan lang ng pananampalataya ay matupad sa Gen. 22

“And the scripture [Gen. 15:6] was fulfilled [in Gen. 22]”

Yan po ang ibig nyang sabihin. Yung kaniyang saving faith ay nakumpleto na ng mabuting gawa dahil doon, napatunayan [sa Griego ay dikaio] na nga na siya ay matuwid.

Ang salitang “dikaio” ay parehong ginamit ni James (sa James 2) at Paul (sa Romans 4). Si Paul nang patunayan niyang ang justification [dikaio] ni Abraham ay bukod pa or apart from works. Si James naman ang justification [dikaio] na pinatunayan o nilakipan ng gawa.

Ang salitang dikaio sa Griego ay may tatlong kahulugan sa Lexicon ni Thayer.

  1. Upang gawing matuwid [To render righteous]
  2. Upang ipakita o patunayang matuwid [To show, exhibit, evince]
  3. Upang ipahayag na sya ay matuwid [To declare, pronounce]

Ang definition 1 and 3 ay ginamit sa Romans 4, ito ay patungkol sa naganap sa Gen. 15:6.
Ang definition 2 and 3 ay ginamit sa James 2, ito naman ay patungkol sa naganap sa Gen. 22

To sum up. Ang mabuting gawa ay nagpapatunay o nagpapakita lamang kung ang isang tao ay tunay na inaring-matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit hindi sa mata ng Dios, dahil batid ng Dios kung ang isang tao ay may tunay na pananalig sa Kaniya kahit hindi pa siya gumagawa. Dios kasi ang nagliligtas sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng bagong pagka-tao. Hindi kailangan ang mabuting gawa para sa kaligtasan sa harapan ng Dios, ngunit ang tunay na ligtas sooner or later ay kakikitaan ng mabuting gawa. Habang yung mga hindi tunay na nananalig sa Dios ay makikilala naman natin sa  kasamaan ng kanilang mga gawa.

Index: Part 1Part 2Part 3Part 4Part 5Part 6Part 7

Wag kalimutang basahin din ang Faith Alone.

Tags :

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther