Faith Alone

Dahil maraming umaalma laban sa slogan na “Faith Alone” (FA), alamin natin kung ano ba talaga ang kahulugan nito para malaman din natin kung bakit hindi makatarungang pagbintangan ang FA na kahit hindi na sila gumawa ay okay lang. Akusasyon pa nga ng iba kahit raw magpakasama pa sila ay walang pa ring problema. Ang mga kritisismong ito ay resulta ng kamang-mangan.

Ang FA ay hindi naman talaga “alone” dahil kasama ito sa limang “Solas” ng “Reformation.” Ang buong diwa nito ay masasabi nating patungkol sa ating kaligtasan (justification) na kung susumahin ay: Sa biyaya lamang ng Dios (Sola Gratia) makakamit sa pamamagitan ng pananampalataya lamang (Sola Fide) kay Kristo lamang (Solus Christus), alinsunod sa pahayag ng Kasulatan lamang (Sola Scriptura), sa kaluwalhatian lamang ng Dios (Soli Deo Gloria).

Screen-shot-2013-02-08-at-2.36.15-PM

Kaya sinabing “faith alone” dahil inaaring-matuwid (justify) ng Dios ang isang tao na walang pagturing sa kaniyang mga gawa nang sa gayon wala siyang maipagmalaki sa Dios (Rom. 4:2; Eph. 2:9) kaya nga Soli Deo Gloria dahil sa Dios lamang ang kaluwalhatian. Ang biyaya ng Dios ay isang kaloob na hindi maaring mabayaran kahit pa ng mabubuting gawa (Rom 4:4). Kaya nga Sola Gratia dahil kung hindi na ito puro o solo, kapag nilakipan na ito ng gawa, hindi na ito maituturing na biyaya kaya ang sabi sa Rom 11:6,

“And if by grace, then it is no longer by works; if it were, grace would no longer be grace.”

May dalawang klase ng FA:

  1. Faith Alone Always Alone (FAAA)
  2. Faith Alone But Never Always Alone (FABNAA).

Mababasa sa James 2:14 ang rhetorical question ni James, “What good is it, my brothers, if a man claims to have faith but has no deeds? Can such faith save him?” Rhetorical question ito dahil ang ibig niyang sabihin hindi nakakaligtas ang “dead faith” (Jas. 2:17). Ang tinututulan dito ni James ay iyong FAAA. Dahil sa ito ay “dead faith,” ipinarehas lang ni James sa level ng mga demons (Jas. 2:19).

Biblical ang FABNAA dahil hindi ito nanatiling FA, katunayan si Abraham ay FA sa Rom .4:5, “to THE MAN WHO DOES NOT WORK BUT TRUSTS GOD who justifies the wicked, his faith is credited as righteousness.” Pero matapos ma-justify si Abraham, sinabi naman sa Jas. 2:21,”Was our ancestor Abraham considered righteous for what he did when he offered his son Isaac on the altar?” Ibig sabihin, hindi nanatiling alone ang faith. Ganun pa man, faith alone noong siya ay na-justify. Sa madaling salita: noong una ay FA, pero matapos ang ilang panahon ay FABNAA pala.

Ang pananampalataya kasi sa FAAA ay dead faith (Jas. 2:17,26). Mula sa simula hanggang wakas, walang gawang maibubunga ang pananampalatayang patay, kaya tama lang na sabihin ni James na walang naliligtas sa dead faith (Jas. 2:14).

Sa kabilang banda, ang pananampalataya sa FABNAA ay hindi patay bagkus ay “living faith.” Maaring sa simula, kahit wala pang kaakibat na gawa ay aariin nang ganap ng Dios (Rom. 4:5). Pero sa kalaunan, dahil nga ito ay buhay,mamumunga ito ng mabubuting gawa. Sa ganitong paraan itinakda ng Dios na maligtas ang tao: sa biyaya lamang sa pamamagitan ng pananampalataya lamang (Eph. 2:8-9) ngunit dapat ang pananampalatayang iyon ay buhay dahil sila ay nilikha para sa mabubuting gawa na ihinanda ng Dios para lakaran nila (Eph. 2:10). Buhay lamang ang nakakalakad; hindi nakakalakad ang patay.

Si God lamang ang nakakakita kung ang pananampalataya ng isang tao ay buhay (FABNAA) dahil sa puso Siya tumitingin (1 Sam. 16:7). Sa puso tinitignan ng Dios ang pananampalataya ng tao (Rom. 10:10). Sa kabilang banda naman, dahil ang mata ng tao ay hindi nakakabasa ng puso, gawa ng kaniyang kapwa ang kaniyang  nakikita. At kapag nakita na niya ang gawa ng kaniyang kapwa, saka pa lang niya masasabi kung ang pananampalataya ay buhay o patay. Sabi nga ni James, “I will show my faith by what I do” (James 2:18). Pero kay God, hindi na Niya kailangang makita muna yung gawa, kasi alam Niya na kaagad kung living faith iyon (Rom. 4:2).

Magandang analogy rito ay yung sa dalawang klase ng seed tulad ng nasa susunod na larawang ito.526485_385337294914155_1335756852_n

Ang taong naborn-again ay may living faith katulad ng isang seed na kapag itinanim, magkakaugat,lalago at saka mamumunga. Ito ang halimbawa ng FABNAA – faith alone sa simula but not always alone dahil lalago pa ito at mamumunga.

Ang taong hindi ipinapanganak muli ay may dead faith na katulad ng isang seed na bugok. Ang seed na bugok ay kamukha lang ng ordinaryong seed, pero sa loob nito ay nabubulok pala. Sa paglipas ng panahon, simula nang ito ay itinanim, hindi ito kailanman makakapag-germinate. Faith alone lang ito lagi. Faith Alone Always Alone (FAAA) katulad ng nasa susunod na larawan.10927382_1422521574706371_1279296793_o

Mali man ang FAAA, hindi dapat dinadamay ang FABNAA. Hindi man mahalaga ang mabuting gawa sa kaligtasan, mahalaga ang mabuting gawa sa ibang bagay dahil ang mabuting gawa ay nagpapatunay kung ang isang tao ay talaga ngang inaring-matuwid sa pamamagitan ng pananampalatayang may buhay, o kung talagang binigyan na siya ng bagong pagkatao (tunay na born again).

Basahin din ang Faith Works

 

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther