Decisional Regeneration

PART SIX:

Ito ay ika-6 bahagi ng “Born Again” series. Basahin ang mga naunang bahagi ng seryeng ito:

  1. Born Again
  2. Water and the Spirit
  3. Baptismal Regeneration
  4. Dry Baptism
  5. Wet Baptism

“Regeneration” ang isa pang tawag sa muling kapanganakan o pagiging born-again. Baptismal regeneration ang tawag sa paniniwalang sa pamamagitan ng wet baptism naboborn-again ang isang tao. Habang “decisional regeneration” naman ang tawag sa paniniwalang sa pagsampalataya nabo-born-again ang tao. Sabi nga naman sa John 1:12,

“Yet to all who received him, to those who believed in his name, he gave the right to become children of God…”

Kung ang talatang ito lamang ang pagbabasihan madaling isipin na ang pag-tanggap kay Kristo o ang pag-sampalataya sa Kaniya saka pa lang magiging anak ng Dios ang tao. Kaya marami ngayon na nangangaral na kapag tinanggap mo si Kristo saka ka pa lamang mabo-born-again. Ganun din sa mga nagpapa-altar-calls.

altar-call-cartoon-1

Pinaniniwalaan nila na ang kanilang paglapit sa harap, pagtaas ng kamay at sa sinner’s prayer and confession doon sila nagsisimulang ma-born-again. Para sa kanila, ang tao ay naboborn-again sa sarili nitong desisyon. Kaya lang, hindi lang naman iyan ang nasusulat, sabi pa sa John 1:13,

“…children born not of natural descent, nor of human decision or a husband’s will, but born of God.”

Sa talatang yan ipinahayag kung sa paanong paraan ipinanganak ang children of God.

  1. Una, itinatanggi nito na ang kapanganakan ng tao ay mula sa tao (not of natural descent).
  2. Pangalawa, itinatanggi rin nito na kapanganakan ay?desisyon ng tao (nor of human decision).
  3. Pangatlo, pinapatotohanan nito na ang kapanganakan ay mula sa Dios o kagagawan lamang ng Dios (born of God).

Sa pamamagitan ng John 1:13 ruled out na ang decisional regeneration. Pero dahil sa nauna ang verse 12 kaysa sa verse 13 akala ng mga bumabasa tatanggapin muna si Kristo saka pa lang maboborn-again.

1925179_241956229320323_1417181554_n

Ganito ang ipinapahayag ng buong kasulatan sa order/arrangement ng mga events leading to the salvation of God’s people:

  1. Sila ay pinili ng Dios bago pa lalangin ang sanlibutan upang maging Christ-like. (Eph 1:4-5 cf Rom. 8:29-30).
  2. Ang pamamaraan ng pagliligtas ng Dios ay pinili rin, kaya sila ay piniling maligtas sa pamamagitan ng pagpapabanal at pagsampalataya sa katotohanan (2 Thes. 2:13). Ang pagpapabanal na ito ayon sa Titus 3:5 ay “paghuhugas ng muling kapanganakan at ng pagbabago sa pamamagitan ng Espiritu Santo.”
  3. Sa takdang panahon, nang ipangaral sa kanila ang Ebanghelio, sila ay sumampalataya at nagpasyang tanggapin si Kristo (gaya nila Cornelius: Acts 10:44 cf Rom. 10:17). Ngunit habang ipinapangaral pa ang Salita, sila ay pinapabanal na ng Espiritu Santo (Titus 3:5). Nililinis sila pamamagitan ng paghuhugas ng “tubig” sa Salita (Eph 5:26) at saka sila siniselyuhan at tinatakan (Eph 1:13).

Sa madaling Salita, bago pa man sumampalataya ang mga anak ng Dios, binigyan na muna sila ng bagong pagka-tao. Regenerated na muna sila, Sabi pa nga sa Eph 2:5,

“…even when we were dead in our trespasses, made us alive together with Christ–by grace you have been saved.”

Ang pananampalataya nila ay bunga ng regeneration. Hindi regeneration ang bunga ng faith nila. Sila ay regenerated na ng Dios (John 1:13) kaya nila tinanggap si Kristo (John 1:12). Hindi nila sana tatanggapin si Kristo kung hindi muna sila ipapanganak muli, dahil kung wala ang pagkilos ng Espiritu Santo, kahangalan lang ang Ebanghelio para sa kanila,

“the Spirit the things of God are foolishness to him” (1 Cor. 2:14 cf Rom 3:11).

Ipinanganak muna sila (born of God). At nang sila ay sumampalataya na, saka sila biniyayaan ng karapatan na maging anak ng Dios o yung tinatawag na “rights, dignity, privilege or power” to become children of God. Una lagi ang regeneration kaysa sa rights.

Isang magandang halimbawa nito ay mababasa sa Gal. 4:1-7. Ang isang anak, bagaman ipinanganak bilang tagapagmana, ay hindi pa makikinabang o wala pang karapatan sa kaniyang mana hangat hindi pa niya nararating ang panahong na itinakda ng kaniyang ama. Ganun din para sa mga hinirang ng Dios, ipinanganak man sila ng Dios, matatamasa lamang nila ang karapatan kapag sila ay sumampalataya na.

index: Part 1Part 2Part 3Part 4Part 5Part 6Part 7

 

Tags :

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther