Ano bang ibig sabihin ng “born again”? Marami kasing nagsasasabing ito ay isang samahan, more specifically, mga samahang “charismatic” o “pentecostal.” Pero iyon nga ba ang talagang kahulugan ng born again sa Bible?
Mababasa ang katagang ito sa John 3:3,7 na ang context ay nagsimula sa verse 1 hanggang sa verse 21. Ginamit din ang salitang born again sa 1 Peter 1:23 ng KJV, NKJV, NIV, pero sa ibang salin gaya ng NASB at ESV, meron din sa 1 Peter 1:3, samantalang born anew naman ang pagkaka-salin ng RSV.
“In reply Jesus declared, ‘I tell you the truth, no one can see the?kingdom of God unless he is born again.'” (John 3:3)
Ito ay hango sa eksena kung saan naguusap sila Jesus at Nicodemus tungkol sa pagpasok sa Kingdom of God. Yan kasi ang sinabi ni Lord matapos kilalanin ni Nicodemus si Jesus, bilang isang teacher, ay mula sa Dios. Kaya sinabihan siya ni Jesus na para masilayan ang Kingdom of God dapat ay ma-born again (John 3:7).
Sa ibang salin, “born from above” ang ginamit tulad ng New American Bible ng mga Roman Catholics. Akma man ito sa diwa ng John 1:12-13 kung saan ipinakilala na ang mga sumasampalataya ay tinatawag na “children of God” ay ipinanganak ng Dios (born of God), kaya lang, sa immediate context natin, mas akma ang saling “born again” dahil sa naging reaction ni Nicodemus sa v.4,
“‘How can a man be born when he is old?’ Nicodemus asked. ‘Surely he cannot enter a second time into his mother’s womb to be born!'”
Hindi pala literal o pisikal na kapanganakan ang pagiging born again dahil sa tanong na yan ni Nicodemus sa v.4, itinama siya ng Lord sa v.6. In a way, sinasabi ni Lord na hindi yun literal kasi sabi nya, “flesh gives birth to flesh, but Spirit gives birth to spirit.” Kaya mali ang inakala ni Nicodemus na gawing literal o gawing pisikal na kapanganakan sa pagbabalik sa sinapupunan ng isang ina.
Meron pang clue tayo na makukuha sa John 3:5 kung saan sinabi ni Jesus, “I tell you the truth, no one can enter the kingdom of God unless he is “born of water and the Spirit.” Kaso lang ang paliwanag ng iba kailangan daw muna ng water baptism para maging born again. Ito naman ang pinaka-popular na interpretation sa verse na yan. Pero wala tayong corroboration na mababasa sa scriptures na nagsasabing sa water baptism nagiging born again ang tao. Lumalabas tuloy, nakabasa lang sila ng “water” akala na agad nila “water baptism” ang kahulugan.
Pero dahil may “and” sa “born of water and the Spirit,” hindi pwedeng paghiwalayin ang mga yan tulad ng interpretation nila na ang born of water daw ay physical birth followed later nung born of the Spirit na spiritual birth naman. Bakit natin nasabing hindi maari? Dahil sa yung “and” (“kai” sa Griego) ay pinag-sama yung “water” at yung “the Spirit.”
Maliban pa sa pagkakadugtong ng “and” sa kanilang dalawa, hindi naman contrast ang ginamit tulad ng “but”, “however”, “on the contrary”, atbp. Kasi pag sinabi nating physical muna bago spiritual birth, lalabas ay magka-contrast na sila. Alam nating hindi ganyan ang gamit ng “and”. Hindi rin maaring pakahulugan nyan ay water baptism muna bago sinundan ng baptism with the Holy Spirit dahil ang contrast ay dumating lang sa v.6: “flesh gives birth to flesh” versus “Spirit gives birth to spirit.” Kaso itong verse 6 na ito ay reproof laba literalustic interpretation ni Nicodemus sa v.4.
Consistent si Lord na born again ang tinutukoy Niya kahit pa binanggit nya yung “born of water and the Spirit.” Born again sa v.3, born again ulit sa v.7 bago sinabing born of the Spirit sa v.8. Lumalabas, yung term na “born again” ay synonymous o parallel sa “born of water and the Spirit” at maging sa “born of the Spirit.”
Sa susunod, aalamin naman natin kung anong kinalaman ng water doon sa born of water and Spirit.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6 | Part 7
Recent Comments