Biblikal na Ikapu

PART TWO:

Biblikal ba o isang perversion lamang ng Ebangelio ang mga ipinapangaral na pangakong pag-ahon sa kahirapan ang pagbibigay ng ikapu sa simbahan? Ang katuruan bang ito ay gawa-gawa lamang ng tao at hindi talaga ipinangaral ni Kristo sampu ng Kaniyang mga apostol?

Ito ay pagpapatuloy ng Part 1: Sumpa ng Ikapu.

Index: Part 1 Part 2Part 3 Part 4Part 5 

Sa Mat. 22:15-22, sinubok ng mga Fariseo si Jesus nang Siya ay tinanong nila kung karapat-dapat bang magbayad ng buwis sa Hari. Bilang tugon, sinabi ng Panginoon sa Mat. 22:21,

“Give to Caesar what is Caesar’s, and to God what is God’s.”

Makikita sa larawan kung ano ang hitsura ng dinarius nung Panahon nila Jesus. Ang larawan ni Ceasar ang nasa dinarius kaya ayon sa Panginoon, ang salaping hinihingi ng pamahalaan ni Ceasar na mukha naman niya ang nakatatak dito ay marapat lamang na ibayad bilang buwis dahil sa siya ang nagmamay-ari nito.

dinarius

Sa ngayon, talamak ang katuruan na ang ika-sampung bahagi or 1/10th of your monetary income ay dapat ibigay mo sa Dios bilang tithe o ikapu dahil kung hindi mo raw ito ginagawa, ninanakawan mo raw ang Dios.

Binase nila ang “scare tactics” na ito sa Malachi 3:8-10. Ang kaso nga lamang ay hindi naman salapi o perang may mukha ng Ceasar ang tinutukoy na ikapu dahil sabi sa Mal. 3:10, sa kamalig ito dadalhin upang may makain ang sambahayan ng Dios.

“Bring the whole tithe into the storehouse, that there may be food in my house.”

Maraming hindi nakakabatid na ang utos na mag-ikapu ay ibinigay sa mga Israelita nang sila ay makarating sa Lupang Pangako base sa Lev. 27:30-31 kung saan pinaglaan ng Dios ang bayang Israel ng ikasampung bahagi ng ani mula sa lupain, binhi ng lupain, o bunga ng punong kahoy at ika-sampung bahagi mula sa dagdag sa bakahan o sa kawan o anumang madaan sa tungkod.” Ang mga ito ay ipinag-utos Niya na dapat sundin ng mga mamamayang Israel upang mayroong makain ang mga Levitang naglilingkod sa Templo. Maituturing na isa rin uri ng buwis. Mababasa sa Num 18:24,

“Instead, I give to the Levites as their inheritance the tithes that the Israelites present as an offering to the LORD . That is why I said concerning them: ‘They will have no inheritance among the Israelites.'”

Madalas nating mapakinggan na ang ikapu ay bawat ikasampung bahagi ng ating karagdagan na ang ibig sabihin sa ngayon ay: bawat kita, bawat bonus, bawat kumisyon, at bawat sahod na salapi ng mga Kristianong negosyante o mga empleyado.Subalit hindi ito ang kahulugan ng Biblikal na ikapu.

Walang binabangit na ikapung bahagi ng kitang salapi sa Biblia. Maliban na lamang kung malayo ang pagmumulan ng ikapu, saka lamang ito maaring ipagpalit sa salapi upang madaling dalhin sa itinakdang lugar ng Panginoon, ngunit pagdating-doo’y muli nilang ipinapalit ang salapi nila sa anumang nais nilang kainin (Deut. 14:23-28), ang tawag ng iba rito ay ikapu sa panahong ng kapistahan.

May iba pang pananalapi na tinukoy noong panahon ng Kristo. Ang isa ay yung ibinigay ng balo sa Templo (widow’s mites) na mababasa sa Luke 21:1-3. Makikita sa larawan ang anyo nito,10446357_862321553802313_640649735_n

Ayon sa mga iskolar. ito ang pinakamaliit na denomination na nagpapatunay na talagang mahirap ang balo ngunit ipinagkaloob pa rin niya?para sa pangangalaga ng Templo. Ngunit hindi ito tinuturing na ikapu.

Sa Mat. 17:27 naman nagbayad ng buwis sa pamamagitan ng isang pirasong pilak sila Jesus at Pedro. Ang pilak ay hinango pa mula sa bibig ng isang isda. Makikita sa larawan ang hitsura ng tetradrachma (four drachma),10529429_862321560468979_2047162098_n

Isa pa itong uri ng buwis na sinisingil sa mga kalalakihang Judio na may edad na 20 pataas base sa Exo. 30:11-16. Hindi rin ito tinuturing na ikapu.

Sa Mat. 23:23 naman, pinuna ni Jesus ang mga mangangaral ng kautusan ni Moses dahil bagamat sila ay nagbibigay ng ikapu, pinababayaan nila ang mahahalagang bahagi ng kautusang yun tulad ng hustisya, habag at katapatan. Ayon sa Panginoon dapat parehas nilang tinutupad lahat ng hinahangad ng kautusan. Mapapansin din dito na ang ikapung tinutukoy ni Jesus ay mula sa lupain, binhi ng lupain, o bunga ng punong kahoy gaya ng sinabi sa?Lev. 27:30-31 gaya ng “spices–mint, dill and cummin.”

Sa madaling salita, kung Biblikal na ikapu ang pag-uusapan, walang kinalaman ang mga salapi. Ang Biblikal na ikapu ay mula sa lupain, binhi ng lupain, o bunga ng punong kahoy at mula sa bakahan o sa kawan o anumang madaan sa tungkod.”

Index: Part 1 Part 2Part 3 Part 4Part 5 

Tags :

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther