Baptismal Regeneration

baptismPART THREE:

Sa pamamagitan ng bautismo sa tubig ba naboborn-again ang tao?

Ipinagtibay ng mga kapahayagan sa Isaiah 44, Ezekiel 11 at 36 ang matalinhagang pag-gamit ni Jesus sa katagang “born of water and the Spirit” sa John 3:5: Ang pagbubuhos ng tubig upang sila ay maging masagana sa lupang ipinangako ng Dios, ang kaharian ng Dios. Ang pagwiwisik ng tubig upang sila ay maging malinis sa kasalanan. Ang pagkakaloob sa kanila ng bagong puso at bagong espiritu (o ang bagong pagka-tao) at higit sa lahat, ang pananahan ng Espiritu Santo upang sila ay maging tapat at masunurin sa Dios. Matatamasa nilang lahat ang mga ito kung sila ay sasamapalataya kay Jesus kapag Siya ay naluwalhati na (John 3:14-15).

Kung gayon, bakit maraming nangangaral na para daw ma-born again kailangang mabawtismuhan sa tubig? Simple lang ang naisip nating sagot kung bakit. Dahil nakabasa sila ng tubig akala nila water baptism ang tinutukoy.

Maraming beses ginamit ang salitang “tubig” sa Ebangheliong ito ni Juan, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay literal na tubig ang kaniyang pakahulugan kundi tulad ng mababasa natin sa John 4:10-14; 7:38 na tungkol sa “living water.”

Oo nga’t maraming pagkakataon na literal na tubig ang tinutukoy ngunit hindi naman patungkol sa tubig ng bautismo. Tulad ng mababasa natin sa John 2:6, 7, 9; 4:46 na tungkol naman sa tubig sa mga banga na ginawang alak ni Jesus; sa John 5:7 ay tubig naman sa pool na pinupuntahan ng mga may-karamdaman; sa John 6:19; 21:7 naman ay tubig ng lawa; sa John 13:5 naman ay tubig na pinanghugas ni Jesus sa paa ng mga alagad; at sa John 19:34 ay tubig na lumabas sa tagiliran ni Jesus sa krus.

Hindi porke’t nakabasa tayo ng tubig sa Bible ay water baptism na kaagad ang aakalain nating gamit noon. Sa pagkakataong ito ang tubig sa katagang “born of water and the Sprit” batay sa Isaiah 44; Ezekiel 11 at 36 ay patalinhaga ang pagkakagamit.

Ganun pa man hindi maitatatwa ang naging papel ng water baptism sa mga umasa sa?pagdating ng kaharian ng Dios. Ipinangako rin sa Isaiah 40:1-3 bago dumating ang Panginoon sa Isaiah 40:9-10.

“Comfort, comfort my people, says your God. Speak tenderly to Jerusalem, and proclaim to her that her hard service has been completed, that her sin has been paid for, that she has received from the LORD’s hand double for all her sins. A voice of one calling:’In the desert prepare the way for the LORD; make straight in the wilderness a highway for our God.'”

Ito ay natupad sa pagkatao ni John na anak ni Zechariah (Luke 1:13-17; John 1:19-23), siya ay itinalaga ng Dios upang ihanda ang mga Israelitang magsisisi at manunumbalik.

Sa John 1:19-23 ay ipinaliwanag ni Juan sa mga Fariseo, Saserdote at mga Levita na nagtatanong na hindi siya ang Kristo, hindi rin siya si Elijah, at hindi rin siya ang ipinangakonog Propeta (Deut. 18:15-19; Acts 3:22; 7:37). Ngunit bilang katuparan ng Isaiah 40:1-3 ay tungkulin niyang magbautismo sa tubig upang ihanda ang mga Israelita sa pagdating ng higit na Dakilang Kristong Anak ng Dios, ang Kordero na Siya namang magaalis ng kanilang kasalanan at magbabawtismo sa kanila sa pamamagitan ng Espiritu (John 1:24-34).

Samakatuwid, ang bautismo sa tubig ni Juan ay paghahanda pa lamang. Hindi sa pamamagitan ng bautismo sa tubig na ito sila ipapanganak na muli lalo na’t hindi pa naluluwalhati ang Kristo.

Ang bautismo ni Juan ay bahagi ng Old Testament rite na kung tawagin ay “ceremonial ablution.” Nabanggit ang mga ito sa Heb. 6:2; 9:10. May mababasa rin tayo sa Lev. 15:16 at sa 2 Kings 5:14 tungkol sa paglilinis ng katawan. Sa John 3:25; Luke 11:38 naman ay paghuhugas ng kamay. Sa Mark 7:4 naman ay paghuhugas ng mga kagamitan.

Nanawagan si Juan sa Judea, “Repent, for the kingdom of heaven is near” (Mat. 3:2). Synonymous ang Kingdom of Heaven sa Kingdom of God kaya maraming nagsasabing ang water sa John 3:5 ay bautismo sa tubig ang pinatutungkulan. Ngunit para kay Juan ang tawag dito ay “baptism of repentance.” Ngunit inamin niya na mayroon pang ibang magbabautismo sa pamamagitan ng Espiritu at apoy (Mat. 3:11).

Ang mga nangangaral na sa pamamagitan ng bautismo sa tubig ipinapanganak muli ang tao ay tinatawag na “baptismal regenerationists.” Para sa kanila mahalaga ang water baptism para sa kaligtasan ng tao. Yun nga lang, nababaliwala ang kahalagahan ng kamatayan ni Jesus na siyang tunay na nagdulot sa atin ng kapatawaran, kalinisan at buhay na walang hanggan.

Sabi nga ni Pablo na hindi siya sinugo para magbautismo kundi upang ipangaral ang Ebanghelio dahil ang Mabuting Balitang ito, na tungkol sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, ang siyang kapangyarihan ng Dios sa mga inililigtas (1 Cor. 1:17-18),

For Christ did not send me to baptize, but to preach the gospel–not with words of human wisdom, lest the cross of Christ be emptied of its power. For the message of the cross is foolishness to those who are perishing, but to us who are being saved it is the power of God.

Ang sumasampalataya kay Kristo pagka-rinig ng katotohanan ng Ebanghelio ng kaligtasan ay tinatatakan ng ipinangakong Espiritu Santo (Eph. 1:13). Siya ay umiinom ng tubig at di na mauuhaw kailanman at bubukal sa kaniya ang buhay na walang hanggan (John 4:13-14).

Magandang itanong sa mga baptismal regenerationists kung sino ang nagsugo sa kanila para magbautismo gayong umamin na si Pablo na sadyang hindi siya isinugo upang magbautismo kundi upang ipangaral ang Ebanghelio. Sa kanila kaya sino naman ang nagsugo para makapagligtas sa pamamagitan ng kanilang bautismo sa tubig?

Index: Part 1Part 2Part 3Part 4Part 5Part 6Part 7

 

 

 

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther