Sa tuwing manood ka ng balita o magbabasa ng pahayagan pwede mong sabihin na ang mga nabalitaan “in general” ay masama. Pero maliban pa sa mabenta ang masamang balita, kaya ito naiging masama ay dahil ang tao ay sadyang masama. Katunayan sabi ng mga theologians ang tao raw ay “Totally Depraved” at yan ang bad news, the bad condition of man.
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6
Pero bakit nga ba sinasabing “total” Ang kahulugan ng salitang total ay buo o hindi nakabahagi.
Ano naman ang kahulugan ng “depravity”? Ang depravity ay mula sa salitang “depraved” na ang kahulugan ay masama o corrupt.
Kaya pag sinabing ang tao ay “totally depraved” ibig sabihin ay walang bahagi ang tao na hindi corrupted o nabubulok. Ang buong pagkatao nya ay corrupted na, Corrupted ng ano? Corrupted ng kasalanan. Nabubulok dahil sa kasalanan.
Hindi ito basta-basta tinatanggap ng iba. Maaring sabihin nila na, Meron din naming maganda sa balita. Tulad halimbawa ng ilang taxi driver na nagsauli ng malaking halaga sa dayuhang nakaiwan nito sa isang paliparan. Ganun pa man kug isa-summarize mo masama pa rin over all ang balita.
Ganun din sa pagiging totally depraved ng tao. Marami sa atin siguro aamin kaagad dahil sa sariling karanasan na totoo ang sinasabi nating ito. Pero marami din base sa sariling karanasan ay hindi talaga tatangap sa ganitong paniniwala. Maaring sabihin nila na tulad ng balitang napanood mo sa Aksyon TV or sa GMA or sa ABS-CBN hindi naman lahat ng balita ay masama, meron ding mabuting balita.
Pero ang argumentong iyan ay base sa karanasan ng tao, Oo nga kung kapwa tao ang magku-compare ng notes sa isa’t isa, pwede nating sabihing may mabubuting tao pa rin naman talaga kahit pa sinasabi nating mas marami ang masama.
Kaya, kung nais nating malaman ang tunay na kalagayan ng tao sa harapan ng Dios, Dios dapat ang tinatanong natin hindi ang sarili nating karanasan. Mababasa ang hatol ng Dios sa Rom. 3:1-18 tungkol sa tunay na kalagayan ng tao. Ito ay batay sa Psalm 14:1-3; 53:1-3; 5:9; 140:3 at Prov. 1:16. At sa conclusion ng Rom. 3:19b ganito ang nakasulat,
“Now we know that whatever the law says, it says to those who are under the law, so that every mouth may be silenced and the whole world held accountable to God.”
Walang maipagmamalaki ang tao sa harapan ng Dios, dahil sa panangin ng Dios ang puso ng tao ay “lubhang napakasama” (Jer. 17:9). Ayon pa nga sa Panginoon, ang puso ng tao pinagmumulan ng lahat ng kasamaan (Mat. 15:19). At iyan ang “masamang balita,” man is totally depraved.
Next: Part 2 Sin Entered The World
Index: Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6
Recent Comments