Alin ka sa dalawang ito: Experiential or Bible-based Christian?
Teka, hindi ko sinasabing pag Bible-based ka ay isasantabi mo na ang mga karanasanan mo. Ang ibig kong sabihin ng Bible-based: para sa iyo, ang Word of God (the Bible) ang pinaka-basihan mo sa iyong pananampalataya at mga ginagawa (faith and practice) habang ang iyong mga nararanasan o karanasan sa sanlibutang ito ang siyang ini-interpret mo base sa kapahayagan sa Salita ng Dios. Ibig sabihin, meron kang?pananaw na Biblical o “Biblical Worldview.” Para sa iyo ang order of priority ay:
Sa kabilang banda, hindi ko rin sinasabing na kapag experiential ka hindi mo na kinikilala ang Bible bilang Salita ng Dios, given na yan. Ang ibig kong sabihin ng Experiential ay iyong inuunawa o ini-interpret mo ang Salita ng Dios sa pamamagitan ng sarili mong?karanasan sa sanlibutang ito. Para sa iyo ang order of priority ay:
Isang halimbawa ay ang tungkol sa usapin sa Ikapu. Kapag nag-usap ang dalawa, Maari sabihin ng Experiential Christian, “Ang ikapu kasi ay subok ko na, hanggang ngayon ay pinagpapala ako sa pamamagitan ng pag-iikapu.” Samantalang ang Bible-based Christian naman ay maaring magsabi na, “Hindi kasi yan iniutos sa mga Gentil base sa Bible.” Magkaiba sila ng pangunahing basihan.
Ang isa pang halimbawa ay ang usapin sa video ng kabayong itim sa Jeddah, maraming mapamahiing Experiential Christian dahil napanood nila ang video ganun na lang ang kanilang pagsampalataya sa kabayong kahit wala man lang verification silang ginagawa.
Ang pangatlo at magandang halimbawa ay ang usapin sa “slain in the Spirit.” Ang Bible-based Christian garantisadong maghahanap ng basihan sa Bible kung ang ganyang klaseng gawain ay nasusulat habang ang Experiential Christian naman ay hindi mahihirapang aakapin agad ang practice kapag personal niyang naranasan o kaya ay marami siyang masasaksihang actual o televised na natutumba habang nilalapatan ng kamay ng isang preacher.
Ang Experiential Christian ay bumabase sa kaniyang mga senses lalong lalo na sa pakiramdam at emosyon. Itinuturing niyang napupuspos siya sa Banal na Espiritu kapag nakakaramdam siya ng labis na kasiyahan o labis na kalungkutang may kinalaman sa isang religious na activity. Nakakatulong dito ang magagandang ang dami ng tao at magagandang himig ng tugtugin. Yan ang dalawang sangkap na kadalasang nagiging basihan ng mga patotoong naranasan umano nila ang presensiya ng Dios.
Naalala ko ang sinabi ni C.S. Lewis sa kaniyang classic na aklat na Mere Christianity.Ginamit niya ang analogy ng mapa upang ipaliwanag ang relasyon at kahalagahan ng theology sa isang religious experience. Aniya,
“[I]f a man has once looked at the Atlantic from the beach, and then goes and looks at a map of the Atlantic, he also will be turning from something real to something less real: turning from real waves to a bit of colored paper.”
Kung nasa disyerto ka direkta mong madarama ang gaspang at init ng buhangin. Kung nasa tabing-dagat ka naman ay malalanghap mo naman preskong simoy ng hangin. Kung titignan mo lang sa mapa ang disyerto at karagatan, hindi mo mararanasan ang simoy ng hangin o ang gaspang ng buhangin.
Ganun pa man para kay Lewis, yari man colored paper ang isang mapa, ito ay pa rin nakabatay sa karanasan ng daan-daan at libo-libong mga naglayag sa dagat Atlatic. Ang iyong karanasan ay isang sulyap lamang kumpara sa buong mapa na sama-sama nilang iginuhit. At kung may iba kang pupuntahan, maari kang maligaw sa pamamagitan ng iisang sulyap lamang, ngunit kung hawak mo ang buong mapa, maari mong malaman kung nasa saan ka na at gaano ka pa kalayo sa iyong pupuntahan.
Maari nating gamitin ang analogy ni Lewis para patunayan ang kahalagahan ng Word of God (the Bible) kumpara sa sarili nating karanasan. Ang Salita ng Dios ay sinulat sa loob ng libolibong taon ng daan-daang katao na may direktang karanasan sa Dios at direktang nakatanggap ng pahayag mula sa Kaniya. Kaya ang Salita ng Dios ang nagsisilbing mapa natin patungo sa tunay na pagkakilala sa Dios (Psa. 119:110). Ito ang mapa na magsasabi sa atin kung dinadaya na tayo ng ating puso (Jer. 17:9) sapagkat ang kasulatang ito ay kinasihan ng Dios ay kapaki-pakinabang sa “pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, nasasangkapang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti” (2 Tim. 3:16-17).
Basahin din ang: Are You a Sugo or a Bible-based Christian?
Recent Comments