Are You a Sugo or a Bible-based Christian?

Continued from: Are You an Experiential or Bible-based Christian?

10841238_873954405972361_223655654_n

Ang ibig kong sabihin ng “Sugo-based”: para sa iyo, ang kinikilala mong “living Sugo” (or living apostle or living prophet) ang pinaka-basihan mo sa iyong pananampalataya’t gawa sapagkat para sa iyo, sila ay nagpapahayag ng Word of God o kaya dahil sa sila pinaka-mapagkakatiwalaan sa pagpapaliwanag ng Salita ng Dios. Maliban riyan, naniniwala ka rin na sa lahat ng panahon, dapat ay may buhay na sugo. Samakatuwid, para sa iyo ang order of priority when it comes to authoritative teachings ay:

  1. Sugo (living apostle or prophet)
  2. Word of God (Bible)

Kung ikaw ay Sugo-based Christian hindi mo kinukwestyon ang kanilang mga ipinapangaral. Para sa iyo sila ay “anointed” ng Dios at hindi pwedeng salingin (untouchable) sapagkat ang namumutawi mula sa kanila ay Salita ng Dios.

Marami ngayong nagpapakilalang sila ay sinugo ng Dios na nagpapahayag umano ng Salita ng Dios. Pag-usapan natin ang ilan sa kanila dito sa Pilipinas.

Unahin natin si Eliseo F. Soriano ng “Members Church of God, International” na mayroon dating programa sa TV na pinamagatang “Ang Dating Daan: Itanong mo kay Soriano, Biblia ang sasagot.”

soriano

Para sa kaniyang mga alagad, si Soriano ang katuparan ng pinahayag sa Daniel 12:3. Ipinakikilala rin siyang “sugong pantas” at “steward of the mysteries of God.” Isa sa mga pangaral niya sa mga alagad niya ay si Kristo ay bagamat tinatawag na tao ay hindi tunay na tao kundi nagkatawang-tao lamang.

Ang susunod sa listahan natin na nagpapakilalang sugo sa panahong ito ay si Arsenio T. Ferriol ng “Pentecostal Missionary Church of Christ” or “Fourth Watch.” Sila yung kadalasang makikita natin sa mga bus at sa mga mataong lugar na nangangaral at nanghihigi ng donasyon.

ferriol

Si Arsenio T. Ferriol ay kinikilala ng kaniyang mga alagad bilang “apostle in the end time.” Ipinapangaral naman niya na ang pagka-Dios ay hinubad umano ng Panginoon noong Siya ay magkatawang-tao.

Ang susunod na nagpapakilalang sugo sa panahong ito ay si Renato D. Carillo ng “Jesus is Our Shield Worldwide Ministries” na may programa rin sa TV na pinamagatang “Oras ng Himala.”

carillo

Kinikilala siya ng kaniyang mga alagad hindi lang bilang “apostle of our time” kundi isa ring “end-time prophet.” Namimigay siya ng panyo na may kalakip ng kaniyang mga panalangin na pinaniniwalaan ng kaniyang mga alagad na nakapagbibigay ng lunas sa mga karamdaman. Siya umano ay tinawag ng Dios para magtayo ng iglesiang perpektong kawangis ni Kristo.

Ang susunod sa ating listahan ay si Bro Eddie Villanueva ng “Jesus is Lord Church Worldwide” mayroon din siyang programa sa TV, ang “Diyos at Bayan” at “Jesus the Healer.”

eddie

Ayon sa kanilang sariling website si Villanueva ay anointed bilang “genuine prophet to the nation.” Tinatawag din siyang “man of apostolicity” at “executive bishop” ng kaniyang sariling?sekta. Siya umano ay tinawag ng Dios para magtayo ng isang “glorious church.”

Ang huli sa ating listahan ng mga buhay na Pinoy Sugo ay si Apollo C. Quiboloy na ang pakilala naman sa sarili ay “the appointed Son of God in the Gentile setting” ng “The Kingdom of Jesus Christ: The Name Above Every Name.” Mayroon din siyang sariling TV programs. Sa kanilang lahat, siya pa lamang ang tanging may sariling private jet at personal helicopter.

quiboloy

Ang dalawa pang natitira sa listahan natin ng mga nagpakilalang sugo ay yumao na. Isa rito ay si Felix Y. Manalo na ang katuruan ay matibay pa ring pinanghahawakan sa “Iglesia Ni Cristo.”felix

Ayon sa kaniyang mga alagad, si Manalo ang katuparan ng hula sa Isaiah 42:11 na patungkol sa “ibong mandaragit” mula sa “malayong silangan.” Ipinapangaral ng kaniyang sekta na si Jesus ay tinatawag na Dios ngunit hindi tunay na Dios. May programa rin sila sa TV na pinamagatang, “Ang Tamang Daan.”

Ang pinaka-huli sa ating listahan ay yumao na rin, siya si Ruben Ecleo, Sr. na taga-Surigao. Kinikilala siya ng kaniyang mga alagad sa “Philippine Benevolent Missionary Association” bilang “Divne Master” at “Dr. Ruben” dahil sa pagiging faith healer. Ayon sa isa kong na-interview na alagad niya, siya rin ay kinikilala bilang Jesu-Cristo na nagbalik.

ecleo

Sila ay ilan lamang sa mga nagpapakilalang sugo sa panahong ito. Marami pa sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang kanilang mga pangaral ay pinaka-basihan ng kanilang mga alagad sa pananampalataya’t gawa dahil sila umano ay nagpapahayag ng Salita ng Dios o tagapag-salita ng Dios kaya hindi maaring kwestyunin ang kanilang mga pangaral.

Pero hindi ba ang mga nakasulat sa Biblia ay sinulat din ng mga tinaguriang sugo?

Tama. Isinulat ang mga nilalaman ng Biblia sa pamamagitan ng mga kinikilalang mga sugo ng Dios: ang mga apostol at mga propeta. Ngunit di tulad ng mga buhay na sugo ngayon, ang mga sinaunang sugo ng Dios ay itinulad sa isang saligan ng isang gusali, ang sambahayan ng Dios (Eph. 2:20-22). Ang pundasyon o saligan ay hindi itinatayo sa huli. Nauuna lagi ang pagtatayo ng saligan bago itayo ang gusali. Kung magtatayo ka ulit ng pundasyon, ibig sabihin gumagawa ka na ng panibagong gusali o kaya kailangang gibain mo muna ang una.

foundation

Kaya nga tagubilin sa Jude 1:3 na ipaglaban ang pananampalatayang minsang ibinigay sa kanila ng mga naunang sugo sapagkat nagsusulputan na kahit noon pa ang mga bulaan (Jude 1:4). Sabi nga sa?2 Cor. 11:12-13,

“And I will keep on doing what I am doing in order to cut the ground from under those who want an opportunity to be considered equal with us in the things they boast about.?For such men are false apostles, deceitful workmen, masquerading as apostles of Christ.”

Marami na ang mga nagpakilala at marami pang magpapakilalang sugo ng Dios. Ipapantay nila ang kanilang sarili sa tunay na mga isinugo ng Dios. Ngunit ang mga tunay na isinugo ng Dios, gaya ng mga apostol ni Kristo, ay inatasan na maging saksi sa mga direktang nakita nilang ipinangaral at mga ginawa ng Panginoon Jesus mula ng mangaral si John the Baptist hanggang si Jesus ay muling nabuhay at inakyat sa langit (Acts 1:22; 1 Jn 4:1). Yan ay maliban kay Pablo na tinawag lamang matapos iakyat ang Panginoon sa langit. Ganun pa man, si Pablo ay kinilala rin ng mga mas nauna pa sa kaniya tulad ni Pedro (2 Pet. 3:15) at iba pang saligan (Gal. 2:9). Silang lahat ay tinawag upang maging saksi, mangaral at magpakita ng mga palatandaan mula sa Dios noong unang siglo. Higit sa lahat, ang kanilang isinulat na sa mga aklat ng Biblia ay tinatawag na “salita ng Dios” sapagkat kinasihan ang mga ito ng Espiritu Santo (2Ti 3:16-17). Ang kanilang isinulat ang mga kapahayagang mas lalong tiyak at mapagkakatiwalaan (2 Pet. 1:19) kaysa sa mga nagsusulputan lamang ngayon.

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther