Ano Ba Ang Original Sin?

Ang “Original Sin” ay patungkol sa pinaka-unang kasalanan (first sin), ang pinagmulan ng kasalanan (origin of sin), at sa mga epekto nito sa?buong sangkatauhan (effects of the first sin).

Ang kahulugan ng salitang “original” ayon sa Merriam-Webster Dictionary ay: (1) origin or beginning (2a) not secondary or derivative, (2b) source from which a copy, reproduction, or translation can be made.

origina_defined

ORIGINAL SIN: ANG PINAGMULAN NG KASALANAN

Contrary sa paniniwala ng Gap Theorists*, ang pinaka-unang kasalanan (original sin) na nagkaroon ng epekto sa buong sankatauhan ay ang pagsuway ng tao sa Gen. 3:1-6 sa utos ng Dios sa Genesis 2:8-9, 15-16. Mababasa ang naging?epektong nito nang ibigay ng Dios ang parusa sa  Genesis 3:7-24.

Maliban pa sa Gap Theorists, may mga nagdadahilan din na ang pinaka-unang kasalanan daw ay hindi mula sa tao kundi mula kay Lucifer base sa Isa. 14:12-15. Kaya lang debatable ang katuruang ito sapagkat base sa context ng Isaiah 14, ang kabanatang ito ay hayagang sinabing bilang isang pangungutya sa Hari ng Babilonia (Isa. 14:4).

At kahit pa sabihin nating sa mula’t sapul ang Diablo ay sinungaling na at tinawag na mamamatay-tao (John 8:44), kung hindi nagkasala si Adan, hindi sana napalayas ang sangkatauhan sa Eden at napawalay puno ng buhay (Gen 3:24).

May mangilan-ngilan namang nagsasabi na ang unang taong nagkasala ay si Eba. Ngunit taliwas ito sa pahayag ng Salita ng Dios. Una na sa 2 Cor. 11:3 na nagsasabing si Eba yung nadaya pero sa Rom. 5:12 ang ipinapahayag ay sa pamamagitan ni Adan nakapasok ang kasalanan.

Ano pa man ang sabihin nila, ang tanging may huling salita tungkol sa isyung ito ay walang iba kundi ang salita ng Dios. Ayon sa Romans  5:12, ang kasalanan ay nakapasok hindi dahil kay Eba, hindi rin dahil sa Diablo. Ito ay sa pamamagitan ni Adan,

” Therefore, just as sin entered the world through one man, and death through sin, and in this way death came to all men, because all sinned.”

Literally speaking, sa pamamagitan ng isang lalaki nakapasok ang kasalanan hindi sa pamamagitan ng isang Ahas o sa pamamagitan ng isang babae. Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Adan. Atdahil nga sa kasalanang ito, dumapo ang kamatayan sa lahat ng tao.

MGA EPEKTO NG ORIGINAL SIN SA SANGKATAUHAN

Hindi maitatanggi na lahat ng tao ay namamatay dahil lahat ng tao ay naging makasalanan sa pamamagitan ni Adan. Maari itong itulad sa isang aggressive at communicable na sakit. Mabilis na kumalat at naging laganap sa sangkatauhan. Walang kahit sinumang naka-awat at makapagbigay ng lunas hanggang kamatayan. Ito ang mga pangunahing epekto ng Original Sin: ang pagiging makasalanan ng lahat ng tao at ang kamatayan ng lahat ng tao:

  1. Kasalanan
  2. Kamatayan

Ang pagiging makasalanan ay naging likas na sa tao. Dahil dito, tinawag siyang karnal o maka-laman (Rom. 7:14; 8:6-7; 1 Cor. 3:1-4). Kahit ang kabutihang kaya niyang gawin ay isang maruming basahan lamang sa paningin ng Dios (Isa. 64:6).

Nang ipaliwanag ang mga bagay na ito ni Mang Gusting o mas kilala sa tawag na “Augustine of Hippo” (354-430 AD), tumutol ang isang Obispo na nagngangalang Pelagius (350 – 418). Hindi niya natanggap na maaring hatulan ng Dios na mamatay ang lahat ng tao dahil lamang sa kasalanan ng iisa.

Augustine (left); Pelagius (right)

Para kay Pelagius napapatawan lamang ng kamatayan ang isang tao kapag personal na nagkasala at ibinase niya ito sa paniniwalang hindi nagpapataw ng kaparusahan ang Dios sa pamamagitan ng kasalanan ng ibang tao (Jer. 31:29-30; Ezek. 18:19-20).

Ganun pa man, may mga pag-aaral ang mga scientists na sa musmos na 6 na buwan pa lamang ang mga sanggol ay nakapandaraya na sa mga magulang para makakuha ng atensyon. May mga pag-aaral din na ang mga preschoolers at toddlers ay hindi lang sila marunong magsinungaling kahit hindi pa tinuturuang magsinungaling. Lumalabas na likas sa mga musmos na kanilang pagtakpan ang kanila mga pagsuway sa mga nakakatanda kahit pa sila ay nasa?murang edad pa lamang.

Maging sa Gen 25:26, kaya pala pinangalanang Jacob ang pangalawang anak ni Isaac dahil lumalabas pa lamang siya sa sinapupunan ay pinipigilan na niya ang kakambal na panganay na si Esau na mauna kaysa sa kaniya. At nang magkaroon siya ng tamang pagkakataon, mababasa natin na sa Gen. 25:29-34, ang karapatan (o ang birth right) ni Esau bilang isang panganay ay nakuha ni Jacob sa abot kayang halaga sa isang serving ng nilaga.

Kaya itong sinasabi ni Pelagius ay hindi lang nadisprove ng science ay pinapasubalian din ng kasulatan. Sinabi pa sa Psalm 51:5.

“I WAS SINFUL AT BIRTH”

psa515

“Surely I was sinful at birth, sinful from the time my mother conceived me.”

Hindi makakapasok ang karnal sa kaharian ng Dios maliban na lang sa biyaya ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya. Malibang sila ay turuan ng Dios (Psa. 51:6), malinis ng Dios (Psa. 51:7) sa mga kasanalan (Psa 51:9) at bigyan sila ng bagong puso na magtatangi sa Dios (Psa 51:10), ang taong makasalanan, makalupa o karnal ay mananatiling kaalitan ng Dios (Rom. 8:7). Sabi pa sa Psa. 58:3,

Even from birth the wicked go astray;
from the womb they are wayward and speak lies.

Dahil sa unbiblical ang tinuro ni Pelagius, kinundena ng Church Council of Orange ang kaniyang katuruan noong 418 AD. Kasama sa ibinaba ng Council na ito ang kasabihang: kailangan ng tao ang biyaya ng Dios. Dahil kung wala ang biyaya ng Dios, sabi nila, ay kundi magiging mahirap ay napaka-imposibleng gumawa ng mabuti.

Basahin din: Just Like Adam.

NOTES:

* Gap Theorists -ang tawag samga naniniwalang mayroong un-revealed na gap between Genesis 1:1 and Genesis 1:2.

Recommended Reading: Total Depravity Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther