Ang Pagtatakwil ng Oneness sa Ama

father

Sa mga sekta ng Kristiyano ang sektang Oneness Pentecostals ang hindi lamang nagktakwil Espiritu Santo kundi sa Ama ng Panginoong Jesus.

Sa paanong paraan itinatakwil ng mga Oneness Pentecostal ang Ama ng Panginoong Jesus? Sa pangangaral na si Jesus din ang Ama. Ayon sa kanilang katuruan,

“The Father, Son and Holy Spirit are identical, except for the name!”

Sa ganitong paraan nila itinatakwil ang sariling Ama ang Panginoong Jesus na Siyang nagsugo sa Kaniya.

Maraming pahayag ang Panginoon kung saan sinabi niyang, “my Father” (Mat 7:21; 10:32; 11:27; 12:50; 16:17; 18:10; 20:23; 25:34; 26:29;26:39). O kaya kapag tinutukoy ni Jesus ang sarili bilang “Son” at Son of Man”. Ang ginagamit Niya ay “his Father” (Mat. 16:27; Mark 8:38; John 5:19). Ganun din ang mga apostol (John 8:27; Rev. 14:1). Maging ang Ama, ipinakilala ang sarili na Siya ang Ama ni Jesus sa Heb. 1:5 cf. Psa. 2:7,

“I will be his Father, and He will be my Son.”

Hindi maaring ikaw din ang tatay ng sarili mo. Bakit pa sasabihing mayroon kang Ama kung ikaw din iyon? Hindi na ito maituturing na “common sense,” ang tawag na sa katuruang ito ay “nonsense.”

Pero para makaiwas sa problemang ito, ang ginagawang alibi ng mga Oneness Pentecostals ay dinadahilan nila na ang Ama ay ang pagka-Dios ni Jesus samantalang ang Anak ay ang Kaniyang pagka-tao. Ganito ang kanilang version ng “dual nature,” sabi pa nila,

“We must remember that the Son is not the same as the Father. The title Father never alludes to humanity, while Son does. Although Jesus is both Father and Son, we cannot say the Father is the Son.”

Kaso panibagong “nonsense” na naman ito mula sa mga Oneness Pentecostals dahil nakikita natin sa mga sumusunod na talata na kinakausap ni Jesus ang Kaniyang sariling Ama tulad ng mga sumusunod na talata Mat. 11:25; 26:39; John 11:41; 12:28; 17:5; Luke 23:46:

“At that time Jesus said, ‘I praise you, Father, Lord of heaven and earth, because you have hidden these things from the wise and learned, and revealed them to little children'”

“Going a little farther, he fell with his face to the ground and prayed, ‘My Father, if it is possible, may this cup be taken from me. Yet not as I will, but as you will.'”

“So they took away the stone. Then Jesus looked up and said, ‘Father, I thank you that you have heard me.'”

“Father, glorify thy name…”

“And now, O Father, glorify thou me with thine own self with the glory which I had with thee before the world was.”

“Jesus called out with a loud voice, ‘Father, into your hands I commit my spirit.” When he had said this, he breathed his last.'”

Tinukoy din ni Jesus sa Kaniyang mga alagad na iba pa siya sa Ama sa pamamagitan ng “your Father” (Mat. 5:16, 45, 48; 6:1, 4, 6, 8, 15, 18; 7:11, 21;10:20, 29, 32, 33; 23:9). Ngunit dahil sa kakaibang version ng Oneness Pentecostals sa “dual nature” ni Jesus, hinati nila ang Panginoon sa dalawa. Anila,

“When we see a plural (especially a duality) used in reference to Jesus, we must think of the humanity and deity of Jesus Christ. There is a real duality, but it is a distinction between Spirit and flesh, not a distinction of persons in God.”

Lumalabas tuloy, kinakausap ni Jesus ang sarili. O kaya, Kinakausap ng pagka-Dios ni Jesus ang sarili Niyang pagka-tao. Sabi pa nila,

“As a man, Jesus prayed to God, not to His humanity. He did not pray to Himself as a man, but He prayed to God, to the same God who dwelled in His humanity and who also inhabits the universe.”

Ganito ka “nonsensical” ang katuruan ng Oneness Pentecostals tungkol sa Dios. Kung hindi nila tinatakwil ang Ama, ginagawa namang laman o pagka-tao lamang si Jesus ng Ama, kaya tuloy sala-salabat at salu-salungat ang mga sinasabi nila.

Basahin din kung paanong Naluklok sa Kanan Ng Oneness Ventriloquist.

Oneness Pentecostal quotes are taken from “The Oneness Of God” by David K. Bernard.

 

About the Author

Little

"A simple layman armed with Scripture is greater than the mightiest pope without it." - Martin Luther